thirty four
"How... are you?" he said, not leaving my gaze.
Tumingin ako sa kanya ng malalim. Wow. He grown a lot. Parang kahapon lang ay medyo pang-totoy pa ang buhok niya... Ngayon, with his clean cut, he looks like a business man with many side chics.
Iniwan kaming dalawa ng aking mga kaibigan. Ni wala pa nga silang nakukwento sa akin ay iniwan na nila ako kay Yuan. Sa ibang araw na lang daw kami nag-usap usap. I should prioritize him daw.
Mga baliw talaga iyon.
At ito namang si Yuan, nilubos na. He took me to a five star restaurant, and rented a VIP room.
"I'm okay," ngiti ko. "Ikaw? You look dashing, ha."
Siguro ay may date to mamaya! Naku, sinabi ko na nga bang hindi ako nito kayang hintayin, e! May pa-'I won't find another girl' pang nalalaman!
I laughed at my own thought.
"Thank you," he said as if that was his first complement. "And you... you've changed a lot."
"I know. Life is tough, can't be the same girl again," I winked.
Napakurap-kurap siya roon.
Oh, don't tell me may pag-asa pa ako sa kanya! Don't get my hopes high, though.
Ilang taon rin iyon. Kung hindi ko lang kilala si Yuan ay baka maniwala pa akong wala siya ni isang naging babae in span of five years. Probably like that Sandra girl. The one with the hour glass type—his pattern with girls.
"Anong oras ka dumating?"
"Ah. Kanina lang," tinignan ko ang relos ko. "Mga alas sais."
"At hindi ka man lang pinagpahinga nila Ylly?" umiling iling siya. "Ang mga babaeng 'yon talaga."
"Well, nakatulog naman ako sa eroplano habang nagbi-byahe," sagot ko naman. "Kaya okay lang."
"But you look tired," concerned ang boses niya. "You should take a rest... gusto mo ba, bukas na tayo mag-usap?"
"Hindi, okay lang talaga..." natawa ako ng kaunti. "Anong balita? I heard you are the top of the game, huh? Very successful naman!"
He grinned. "Of course."
"So proud of you. Sabi ko sa'yo, e. Maa-achieve mo 'yan!"
"All thanks to you," he smiled genuinely. "You became my strength..."
Hindi ako nakabawi, at napakurap-kurap sa kanyang sinabi. Ngumisi siya roon.
I felt my body stiffened when he moved his chair in front of me. And he sat beside me, na para bang angkin angkin niya ako. His hands were on the back of my seat, at ang isang kamay niya't nakatukod sa lamesa.
"Now that everything's in my hand... would you finally... be mine?" nahihirapang sabi niya.
I swear, ang puso ko ay naghuhurumintado sa sinabi niya! I feel like a teenager na napansin bigla ng crush niya!
What the hell, Djaneira Anne? Ngayong may anak ka na, saka ka pa kinilig ng ganito? Kalandi landi mong gaga ka!
Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko. I felt his breath on my neck. Naalala ko ang mga memorya noong seventeen pa lamang ako. It's so surreal.
"T-Teka lang," I pushed him away. "Wala ka bang... babae?"
His drunken eyes turned dark as I said that. Para bang may mali akong sinabi.
"What do you mean?" pabalik na tanong niya sa akin.
"I-I mean..." napalunok ako ng kaunti. "Wala kang girlfriend? Asawa... kung anong babae? Wala bang magagalit na... nilalandi mo ako?"
"What?" kumunot ang noo niya. "Baby, do you think I'll love someone else in all those years?"
"W-Well, five years na ang nakalipas. I didn't heard so much about you. Malay ko ba kung... tali ka na pala."
"Fuck!" napatawa siya ng mahina. "Yes. I am tied."
"Oh! Tignan mo!" nanlaki ang mga mata ko. "Nilalandi mo ako, tapos may asawa ka na pala! Gago ka, ah!"
Gagawin pa ako nitong kabit!
Hindi siya sumagot, sa halip ay hinapit ang aking katawan sa kanya. Ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko, habang hinahaplos ang aking baywang.
"Yuan..."
"Baby, I'm so tied," he whispered. "I'm tied to you..."
I felt my body stiffened again. Para ba akong bato sa sobrang pagtigas ng katawan. Pero lumambot kaagad iyon.
Sa sobrang init na nararamdaman ay inabot ko ang milkshake ko, at uminom doon.
"Now... can I court you?"
Halos maibuga ko ang inumin. Nilunok ko iyon, at nag-uubo. Napaangat naman ang tingin niya sa akin, at hinimas ang likod ko.
Inabot niya ang tissue. "You okay?"
Tumango ako, kahit sumakit ang lalamunan ko. What the hell was that question!
Pinunasan ko ang aking labi.
Ilang minutong katahimikan sa amin, habang hinahantay niya akong magsalita.
Tumingin muli ako sa kanya, na nakatingin rin sa akin. I avoided his hypnotizing gaze.
"S-Seryoso ka ba sa tanong mo?" finally, I constructed a question!
Tumikhim siya, at hinimas ulit ang aking baywang. He look so drunk and happy at the same time.
"Would you think I'll wait for five years if I'm not serious with you?" he fired back.
I... honestly don't know...
"Can you... give me time?" kinagat ko ang labi ko.
I mean, I want to! But not right now.
Wala pa akong magandang sasabihin sa kanya.
"Fine," napipilitang sabi niya. "I waited so damn long, Djanne. Please, sagutin mo ako..."
Napakurap-kurap ako.
"I missed you so damn much," he whispered.
He rested his face on my neck.
"I missed you, too..." I said in a little voice.
Naramdaman ko ang paninigas niya. Pero agad siyang nakabawi roon.
"What's your number? Put it on my phone," he demanded.
Ibinaba niya ang kanyang telepono sa aking harapan. Kinuha ko naman iyon, at inilabas ang phone ko. Binuksan ko ang kanya, at nakitang may password iyon.
"Password?" inilapit ko sa kanya ang telepono.
"It's your birthday," he lazily said.
Nag-init ang mukha ko, at tumingin sa kanya. Mas lalo niya pang hinigpitan ang yakap sa akin.
Really, Yuan?
I grinned as I typed the password. And it fricking worked!
Agad ko namang inilagay ang bago kong number habang tinitignan iyon sa phone ko. Kakabili ko lang kasi nv sim kaya hindi ko pa masyadong kabisado.
"Baby..." he called. "Baby ko..."
I looked at him intently.
"I miss you so much," he said, planting shallow kisses on my shoulder. "I miss you. I miss you..."
Halos makiliti ako sa ganoon niya.
Guess I didn't change at all.
I'm the same girl who fell for his charm and seeking for his attention.
BINABASA MO ANG
DS#2 • daddy's little monster
Romance/completed/ by the second chance of fate, can you fall for the same person all over again? - After her parents' death, Djaneira Anne Arcilla was adopted by their family's trusted companion-the Larrazabals. Ang akala niya ay magiging madali lang iyon...