thirty five
Unknown Number:
Are you home, baby?
Kumunot ang noo ko. Sino naman ito?
Nang pumasok sa isipan ko ang iisang lalaki na tumatawag sa akin ng ganoon, napangisi ako. Aba, may pa-text text pang nalalaman.
I slightly shaked my head, habang nire-register ko ang numero niya sa akin. Saka ako nag-reply.
Ako:
Oo. Kanina pa. Ikaw ba?
Nagulat naman ako sa bilis niyang mag-reply.
Yuan:
Nope. Driving.
Kumunot ang noo ko. Bakit pa pala nagte-text kung nagda-drive pa?
Hindi ko na siya sinagot, sapagkat makakaistorbo lang ako sa pagda-drive niya. Mahirap na, baka mabangga pa siya, ako pa masisi.
Lumabas ako ng kwarto, at nakitang kumakain na ng hapunan ang mga anak ko. It's past 9. Napagalitan ko pa si Pia dahil sobrang late na. Ang sabi naman niya ay kanina lang nagising ang mga bata, at hihintayin daw akong kumain.
"Mama!" si Yeshua iyon. "Tara na, kain na! Ate Pia's a great cook! Better than Ate Charmaine!"
"Yes, Mama!" si Yennefer naman. "Look! I'm eating vegetables! It's yummy!"
"Talaga?" tumingin ako kay Pia.
Proud na proud naman siyang nakatingin sa akin. Aba, yabang nito ah!
Ngumisi ako at dinaluhan ang mga anak. Kumain na rin, at pinasabay ko na si Pia. Masarap nga. Mas masarap sa mga niluluto ni Charmaine.
Natapos iyong kain namin, at nanonood na ang mga bata sa kid's channel. Pinapaantok, para mamaya ay masarap ulit ang tulog.
Habang ang dalawa ay naroon sa sala, si Pia ang naghuhugas ng plato. Binilin kong tignan tignan ang bata.
Pumasok ako sa kwarto, at hinanap kung nasaang lupalop ko binato ang aking cellphone. Nang makita ko iyon sa nightstand ay binuksan ko kaagad.
I was so shocked.
Yuan bombarded me with so much calls. 17 missed calls, really?
Halos napatalon ako noong tumunog ulit iyon. Sinagot ko na ng mabilis dahil baka magalit.
"Hello?" paunang bati ko.
He did not reply fast. Pero alam kong nasa kabilang linya siya, dahil nakarinig ako ng click ng pintuan.
"You did not reply to my message," his breathing was heavy.
"Ay, sorry. Kumain kasi ako," I said. "At saka nagda-drive ka. Baka mapano ka pa kakatext mo."
"Well, I'm home now," he said. "What are you doing now?"
"Katatapos lang kumain. Nag-aayos na ako para matulog," I said.
"Really?"
"Oo! Ano sa tingin mo ang gagawin ko pa?"
"Hmm, wala," he sighed. "Can we meet tomorrow?"
Tumaas ang kilay ko roon. Kami-meet lang namin kanina, ah!
"Bakit?" tanong ko. "At... ewan ko. Baka may asikasuhin ako bukas..."
"Can I drive you, at least?"
"Teka lang. Bakit nga?"
"I'm courting you, right?"
BINABASA MO ANG
DS#2 • daddy's little monster
Romance/completed/ by the second chance of fate, can you fall for the same person all over again? - After her parents' death, Djaneira Anne Arcilla was adopted by their family's trusted companion-the Larrazabals. Ang akala niya ay magiging madali lang iyon...