consequences

3.7K 95 18
                                    

twenty eight

Inayos ko ang buhok ko habang nakatingin sa screen ng aking macbook. Inipit ko ang aking buhok sa isang side, at pinindot ang call button.

Kinakabahan ako, okay? Eh malay ko ba! Dalawang taon din kaming hindi nag-usap... ngayon lang ulit.

At napasobra pa yata para sa pag-uusap.

Napasinghap ako ng biglang gumalaw ang screen. Ito na!

Yuan's face popped and my heart fell instantly.

It's been a week since I saw him. Hindi siya makakauwi dito ng ilang linggo dahil sa trabaho niya. Kaya noong nasa condo kami, he asked me to unblock his number from my phone. Pati sa mga social media accounts ko.

Pinilit niya talaga ako, at hindi pinaalis hangga't hindi ko inaayos iyon. Kaya ginawa ko na.

"Hello," bati ko sa kanya.

"Hi... how's your day?" he immediately asked.

"Fine. Yours?"

Sira. Dapat ay hindi ko na tinanong, kasi looking on his face, he looks problematic. Ang dami siguro niyang ginagawa. Gabi na, ah?

"It's fine too..." he yawned. "Anong ginagawa mo diyan? Are you in your room?"

"Oo. Matutulog na ako, e. Ikaw?" tanong ko pabalik. "Mukhang pagod ka. You should go to sleep... naistorbo ba kita sa pagtawag?"

"Hmm..." sumandal siya sa swivel chair niya. "I'm in the middle of something."

"Oh! Ganoon ba?" nakakahiya, wrong timing akong tumawag! "S-Sige... ibababa ko na 'tong call. Sorry, istorbo."

"Don't. You're not a disturbance," he flashed a little smile. "I need your call right now. Kahit saglit lang..."

Tumingin ako sa kanya.

Naawa tuloy ako. Parang gusto ko siyang daluhan roon at bigyan ng isang malaking yakap. And a kiss.

"Hanggang kailan ang tapos mo niyan?" tanong ko. "Hindi ka pa umuuwi... OT ka?"

"Oo. Lagi naman. Wala naman kasi akong ginagawa sa condo ko," he moved a bit.

"Hmm..." nangingiti ako. "Wala kang kinakangkang na babae sa condo mo?"

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "What? Kang-what?"

"Wala..."

"I'm telling you the truth, Djanne. Hindi ako nagkababae man lang dito... Ikaw lang ang nasa isip ko."

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Hoy, Djanne! Magdi-dise otso ka na, sa ganyang banat ka pa rin kinikilig? Aba, pota!

"Che," umirap ako ng pabiro. "Please, tapusin mo na 'yan at ng makauwi ka na. I wanna see you in bed."

"Matatapos na ito. Kaunti na lang," he replied. "Why? You wanna see me in bed, huh?"

Mas lalong nag-init ang pisngi ko roon.

"Gusto ko lang na makitang papatulog ka na! Ng hindi man lang ma-bother ang isip ko," depensa ko.

He just chuckled.

"Sige... You should end this call," he said.

"Oo, ito na. Goodbye na!"

"Bye, baby ko..."

"Ew, teenager ka, Yuan?"

He laughed.

Wow. I felt relieved.

"Hindi... sige na, ibaba mo na..."

"Okay..." tumango ako. "Babye. Inhat diyan."

"You too, baby. You too," nakita ko ang malaking ngiti niya bago ko patayin ang tawag.
            
            
            
Sa mga nagdaang linggo ay hindi kami masyadong nag-uusap. Sure, we text each other a lot pero hindi iyon sapat para sa akin.

DS#2 • daddy's little monsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon