kids

4.2K 125 20
                                    

thirty six

Hindi naman masyadong malayo ang bar. Parang 20 minutes lang ang ibinyahe namin at andito na kami. Binuksan ko ang salamin sa taas ng kotse, at tinignan ko ang aking sarili roon.

"We're here," he said.

"Obviously," loko ko sa kanya.

He just grinned, and scanned my whole body. Tinignan ko rin iyon, at tumingin ulit sa kanya. Nakatingin naman siya sa mata ko ulit, kaya't nag-iwas ako ng tingin.

"You've grow a lot," he complimented.

Aba, malamang! Ilang taon din ang lumipas!

Ang swerte ko nga at lumaki pa ako, e. Akala ko magsi-stay sa 5'1" ang height ko. Buti naman at naging 5'5" na!

"Syempre naman! I'm almost twenty-three," tinaasan ko siya ng kilay.

"Yeah," he licked his lips, and looked at my bust.

Nanlaki ang mga mata ko at saka hinampas siya ng clutch ko. Tumawa naman siya ng malakas habang sinasalo ang mga atake ko.

"Teka, tama na!" tawang tawa na sabi niya.

Halos ibato ko na sa kanya ang clutch.

"Gago ka! Pervert," tinakpan ko ang dede ko roon.

"I'm kidding," he chuckled. "Tara na't kanina pa yata naghihintay ang mga kaibigan mo."

Napatigil ako ng kaunti roon. Sasama siya sa loob? I mean, pwede naman. Pero... baka intrigahin na naman kami at paulanan ng kung ano anong katanungan.

"Sasama ka?" tanong ko.

"Hindi ba pwede?" he fired back.

"Hmmm," kunwaring nag-isip ako. "Sige... kaibigan din naman kita."

Natawa ako sa reaksyon ng mukha niya. Nakangiwi siya. After that, he groaned. Tinakpan niya pa ang mukha niya at tinapon ang sarili sa backrest ng upuan.

"Yeah," he frustratedly said. "Fuck friendship," halos pabulong na sabi niya.

Hindi na lang ako sumagot, at binuksan ang pintuan. From here, I can hear the muffled sound of the music. Ang mga kaunting ilaw din ay tumatakas sa mga siwang noong bar.

Inayos ko ang buhok ko at nauna na kay Yuan.

Pina-reserve ni Sasha ang isang VIP room para kami kami lang doon. Sabi ko ay huwag na, pero kakilala naman daw niya ang may-ari kaya may discount din.

Hinanap kaagad ng mga mata ko ang mga mata nila. Medyo natagalan ako sa paghahanap, ngunit noong nakita ko na sila ay napangisi ako ng malaki.

Bago pa ako makapunta roon, a big hand snaked on my waist. Tinignan ko kung sino iyon, at ang mukha ni Yuan ang bumungad. Umirap ako.

"Lakad na," he whispered on my ear, na nagpataas ng mga balahibo ko.

Otomatiko namang naglakad ang mga paa ko.

The way he hold me is so possessive. Para bang ayaw niya akong dikitan ng mga lalaki, except him. Ang seloso talaga.

Hinapit niya pa ang aking baywang noong makasasalubong kami ng mga lalaki. I can feel his hands gripping my waist way too much. Hinawakan ko ang kamay niya roon, kaya medyo ni-loosen up niya.

Parang sa mga ilaw pa lang ng bar na ito, at sa init ng pakiramdam ko ay nahihilo na ako. Partida, hindi pa ako umiinom.

Tumaas naman ng kaunti ang alcohol tolerance ko. Umiinom naman ako minsan sa New York, kung nakikihalubilo ako sa mga kaklase ko roon. Pero tinatawanan nila ako kasi kung ano ano raw ang sinasabi ko kapag lasing na. Kaya dapat daw ay may kasama ako kapag umuuwi, dahil baka mapano pa ako.

DS#2 • daddy's little monsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon