friends

2.9K 84 15
                                    

twenty

"Djanne, napansin kong tingin ng tingin sa'yo si Pio," si Pleya iyon, bumubulong sa'kin.

Siya lang ang naging kaklase ko, at ang iba ay nasa iba't ibang section na. Ugh! Bakit pa kami nagkahiwa-hiwalay?

"Hindi 'yan, ano ka ba," sabi ko.

"Sigurado ako!" she whispered. "Ang pogi niya, oh! Tignan mo. Mukhang may ibang lahi. Ang tangos ng ilong at ang pula ng labi-fuck! Tumingin dito!"

Napasubsob naman siya sa balikat ko noong sinabi niya iyon. Ako naman ay hinagilap ang mga mata kung nasaan si Pio, iyong transferee namin.

Nakita ko ito sa may malapit sa bintana. Nakatingin nga ito sa amin ni Pleya. Ngumisi siya sa akin, kaya naman ngumiti ako pabalik.

"Nakatingin pa?" tanong ni Pleya.

"Hindi na," malumanay na sabi ko. "Mukhang friendly lang naman. Ikaw talaga, ang hilig mong mag-conclude."

"Ay nako, Djanne. Magbobolahan pa ba tayo rito? Alam naman nating isang lapat lang ng tingin sa'yo ay gandang-ganda na kaagad," umirap siya. "Kung kasing ganda mo lang ako, naku! Papalit palit siguro ang boyfriend ko."

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Maganda ka naman, ah!" sabi ko.

"Che! Tanggap ko namang hindi talaga ako attractive," umirap siya. "Don't get my hopes high."

This bitch.

"Maganda ka nga!" sabi ko. "You just need to update your style, Pley. I mean, come on. Pink headband? Ano ka, Grade 3?"

"I wanna look bubbly," she pouted. "But it turns out that I'm just ugly. Uy, rhyming!"

Inirapan ko siya.

"Alam mo, you have to be kind to yourself. Lagi mo na lang dino-down ang sarili mo," sabi ko sa kanya.

She sighed, at hindi na lamang sumagot sa aking komento.



Pagkatapos ng first day of school (which is half day lang) ay nagpunta kami nila Yuan at Ylly sa may convenient store. Inilibre kami ni Yuan ng kung ano-ano, kaya bumili ako ng isang bag ng Lay's, a can of soda, at ice cream.

"Djanne, alam mo bang katabi ko 'yung crush ko noong grade 9?!" kinikilig na sabi ni Ylly.

"Sino? Si Calixto?"

"Oo! My God! Hinawakan niya ang kamay ko kanina... we shaked hands-"

"Tigil-tigilan mo 'yan, Ylly," si Yuan iyon. "Uupakan ko 'yan pag nanligaw."

"Kuya!" umirap siya. "I'm sixteen years old! Anong akala mo sa akin, Grade 7 pa rin? Magbo-boyfriend ako ngayong taon. Gusto ko na ma-experience!"

"Hindi," mariin na sambit ni Yuan.

"Che! Basta, kung may manliligaw sa akin, na sana si Calixto, ay sasagutin ko!" she said with dreamy eyes. "Haaaay..."

Umiling naman si Yuan.

"Ikaw, Djanne? Di ba ay may transferee sa inyo? Pio ba 'yon?" tanong sa akin ni Ylly.

"Oo. Gwapo," I said without minding it.

Naalala ko nga palang narito si Yuan sa tabi ko.

"Talaga?" napasulyap ng kaunti si Ylly sa kanyang kapatid. "Nakita ko kanina, pero hindi masyado ang mukha! Ang laki laki ng katawan!"

Humagikhik siya. Alam ko na kung sa'n ito papunta, at kung ano ang gagawin.

"Uhm. Oo," tumango-tango ako, sumasakay sa trip niya. "Parang ang galing bumuhat ng babae."

DS#2 • daddy's little monsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon