trust

3.2K 99 9
                                    

sixteen

"Malapit na ang birthday mo, ah? Djanne," si Kuya Jam iyon.

Pangalawang araw na namin dito sa rest house nila Kuya Euno, at sa awa ng Diyos, hindi naman ako nababagot.

Ngayon ay nasa hapag na kami, naghahapunan, at ang ingay pa rin nila kahit mga pagod kakaswimming at jet ski kanina.

"Ah, oo," sagot ko. "Bakit? May regalo ka sa'kin?"

Tumawa naman ito. "Baka. Sa birthday mo na alamin. Sweet sixteen mo, kaya dapat malaking party ang gawin nila Tita at Tito."

Napangisi naman ako noong sinabi niyang 'sixteen' ako.

Kaya lang ay mabunganga talaga si Yuan at nakikisabat sa usapan ng may usapan.

"Anong sixteen? Fifteen pa lang 'yan next week!" pagtatama niya.

Tumingin ako ng matalim kay Yuan. Pero bumaling ulit ako kay Kuya Jam na mukhang shocked.

"Oh?" gulat na sambit niya. "Ang bata pa pala talaga nito. Tangina, Yuan."

Nagtawanan sila roon.

Umiling ako at nagpatuloy sa pagkain.

Iniinis ba nila ako kay Yuan?

Eww!

Inalis ko sa isipan iyon, at kumain ng mabilis upang makaakyat na.
            
           
            
Nang nasa kama na ako, nalinis na ng katawan at ready na matulog, ay tinawagan ko muna sila Ylly.

Hati na sa anim ang screen, dahil sa iba't ibang phone na sila sumagot. Natapos na ang sleep over nila kaninang tanghali, at nagsiuwian na sila.

"Oh, ano? Kumusta diyan!" tanong ni Ylly. "Matutulog ka na?"

"Okay lang ako dito," gumulong ako sa kama, upang dumapa. "Hindi pa ako inaantok. Maya maya siguro."

"Anong ginawa niyo kanina?" si Sasha.

"Oo nga! Hindi ka na nag-video call noong sinabi mong magsi-swimming kayo," Pleya grinned.

"Napagod ako—"

"Bakit?! Anong nangyari?" usisa ni Pleya.

"Sumakay ako sa—"

"Kanino ka sumakay? Oh my God! Magaling ba?!"

Kumunot ang noo ko sa tanong niya.

"Anong sino?" tanong ko. "Sumakay ako sa jet ski. Napagod ako, kaya hindi na ako nakatawag."

"Ay," dismayadong sabi niya.

Nagtawanan ang iba, kaya mas lalo akong nagtaka. Pero hindi ko na lang iyon pinahalata.

"Nga pala, birthday mo na next week ah! Andito na ba kayo noon?" si Ylly ulit. "Nasaan nga pala si Kuya?"

"Di ko alam kung nasaan ang Kuya mo. Baka nasa hapag pa rin at nagku-kwentuhan silang magbabarkada," I said. "Saka hindi ko pa alam kung hanggang kailan kami rito. Hindi ko naitatanong, e."

"Sana ay nandito na kayo!" she said. "Si Mommy ay naghahanda na roon. Kaya dapat bago ka mag-birthday ay nandito na kayo."

"Sige, itatanong ko bukas," naghikab ako.

"Sayang at umuwi kaagad kayo. Mayroong sushi cake na inuwi si Mommy," si Sasha iyon.

"Hala, sushi!" sambit ni Marri. "Gusto ko noon. Masarap ba?"

"Oo! Sobra."

"Pahingi ako pag-uwi ko," singit ko.

"Magpapabili ulit ako kay Mommy," sagot niya.

Tumihaya ulit ako. I crossed my feet, at sumandal sa headboard.

Nagkuwentuhan kami ng kung ano-ano pa, hanggang sa humaba ang usapan namin. Naudlot lang ang kwento ko noong may kumatok sa pinto.

"Yes?" tumingin ako sa pintuan.

"Papasok ako," si Yuan iyon.

Bago pa ako makapagsalita ay bumukas na ang pinto. Bumungad si Yuan na bagong ligo, at nakasuot ng puting t-shirt at black shorts. Basa pa ang buhok, at mayroong tuwalya sa kanyang kanang balikat.

"Bakit?" tanong ko.

"I'm just checking you. Akala ko ay tulog ka na," he said. "Who... is that?"

"Sila Ylly," sagot ko.

"Sino 'yan, Djanne?" tanong ni Tin.

Inilipat ko ang kamera sa likod, upang makita nila si Yuan. Lumapit ito sa akin habang pinupunasan ang basang buhok, at walang pasabing ibinagsak ang katawan sa tabi ko.

"Yuan!" kunot ang noo kong sabi. "Dun ka nga sa kwarto mo."

"Sino 'yan?" nakapikit niyang tanong ulit, na para bang antok na antok.

"Mga kaibigan ko nga," sarkastiko kong sabi.

I switched the camera again to the front, at ipinakita sa kanya ang screen ng phone ko. Nagsikawayan naman sila roon. Ngumiti lang siya, at tinaboy ang cellphone.

Itinutok ko ulit ang screen sa akin, at nakangiti sila ng napakalalaki. Oh, God. Don't tell me, sila rin, iniinis ako kay Yuan?

"Ano?" mataray kong tanong.

"Sige na! Babye na kami, di ba?" sabi ni Marri. "Baka maistorbo pa namin kayo."

"Loka," umirap ako.

"Hihi! Bye!" Isa isang nawala ang mga mukha nila hanggang sa nag-end ang call.

Umiling ako, at pinatay ang cellphone. Binaba ko ito sa may nightstand at tumingin kay Yuan na nakapikit pa rin hanggang ngayon.

"Hoy!" niyugyog ko siya.

Gumalaw siya ng konti. His adam's apple moved, and his lips pursed.

"Hmm..." sagot niya.

"Doon ka na sa kwarto mo!" sabi ko.

Tumagal ang tingin ko sa mukha niya. Mukhang anghel ang isang 'to kapag tulog. His hard features look soft, now that it's relaxed.

Hindi ko na lang siya pinansin, at alm kong maya maya rin ay babangon siya at pupunta na sa kanyang silid. Nag-cellphone na lang ako, at nilibang ang sarili para antukin. Ilang minuto lang ay bumagsak na din ang mga mata ko, at nakatulog na.

Nagising ako ng alas otso y media. Wala si Yuan sa tabi ko kaya napagtanto ko na bumalik din siya sa kanyang kwarto.

Mabilis ako sa aking morning routine, at pagkatapos noon ay bumaba na para kumain ng umagahan. Siguro ay mga tapos na iyon kumain, at ako na lang ang hindi.

Noong papunta na ako sa dining room ay may narinig akong nag-iinisan.

"Gago ka! Nakita kita kaninang ala una, lumalabas ka sa kwarto ni Djanne!" si Kuya Hex iyon.

"Binisita ko kasi siya bago matulog! Dumi ng isip mo," sagot naman ni Yuan.

"Ala una, Yuan? Gago! Sino maniniwala sa'yo?" sagot din ni Hex.

"Nakatulog nga ako sa kwarto niya! Nagising ako noong 1 AM na. Umalis naman kaagad ako pagkabangon ko, para pumunta sa kwarto ko!" diretsong sabi ni Yuan.

Ala una siya lumabas ng kwarto ko? Oh well, nakatulog nga pala ako noong magte-ten na. Hindi ko na nakita kung nakaalis na siya.

I slowly walked into the dining area. Natigil ang sagutan nila at napatingin sila pareho sa akin.

"Oh, D-Djanne!" ngumiti ng pilit si Kuya Hex. "Kanina ka p-pa diyan?"

"Oo, Kuya," tumango ako.

Magkasunod na napalunok ang dalawa.

"Tulog ako noong lumabas niya, pero don't worry, wala namang nangyari. I'm sure," ngumiti ako. "Mabilis akong magising kung may hahawak man sa akin. And I trust Yuan, Kuya Hex. Kahit gago 'yan minsan."

Sabay silang napangiti.

DS#2 • daddy's little monsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon