i felt completed

4.6K 126 19
                                    

thirty eight

Hindi ko inaasahan na ngayong gabi ko ipakikilala sa mga bata ang kanilang ama. Well, to be honest, wala talaga akong plano kung paano ko i-introduce si Yuan sa kanila. They're excited to see him. Kaya lang ay hindi natin alam kung ano ang magiging first impression nila.

Bumukas na ang pintuan ng elevator. Kanina pa niya hawak ang aking kamay pagpasok ng building, sa elevator, at hanggang ngayon. Kaya lang ay mas lalong humigpit ang kapit niya sa akin. Ramdam ko ang panlalamig ng kamay niya.

We stepped out of the elevator. Ramdam ko ang pagkakaiba ng aura niya.

I looked at him. "Okay ka lang?"

He looked at me, at kitang kita ko ang paggalaw ng adam's apple niya. I smiled.

"Ninenerbyos ako," he truthfully said. "Paano pala kung hindi ako 'yong ineexpect nilang maging tatay? Paano kung matakot sila sa akin? Paano kung hindi nila ako magustuhan? Paano k-"

Binitawan ko ang kanyang kamay at hinawakan ang magkabilang braso niya. Niyugyog ko siya upang hindi na makapagtanong pa, at saka tumawa.

"Hush, okay?" from his shoulder, I slid my hands down to his hands. "They will like you."

"Paano mo naman nasabi 'yon? Hindi pa naman nila ako kilala," he pouted like a child.

"Well, I described you to them as the most handsome, most gentleman, and my prince charming on the whole wide world," pag-amin ko. "Isa pa, pinapakita ko rin naman ang picture mo sa kanila! They got some information about you!"

"Kahit na! Paano kung iba ang ugaling gusto nila?!" he's really panicking!

Parang ngayon ko lang siya nakita ng ganito. Iyon bang nerbyos na nerbyos. Para siyang bibitayin dahil nagiging maputla na rin siya. Umiling ako at napatawa. I find it cute, somehow.

"You'll be good. Just trust me, okay?" tinapik ko ang kanyang braso. "H'wag ka nang nerbyosin. Hindi ako sanay..."

"Ako rin..." he tightly hold my hand.

I chuckled. I equaled the strength of his hold, at saka ko siya hinatak padaan ng hallway. Damang dama ko ang bigat ng kanyang paglalakad.

Hatak-hatak ko pa rin siya hanggang sa makatapak kami sa harap ng pintuan ng condo. I felt his body stiffened, na para bang nagda-dalawang isip pumasok. Humarap muli ako sa kanya, at kinausap siya.

"Yuan," I sighed. "Huwag ka nang matakot. I promise you, magugustuhan ka nila." I tapped his shoulders. "Kaya tara na. Kanina pa naghihintay ang mga bata..."

He nodded like a child, waiting for next instruction. Hay, Yuan. Trenta anyos ka na, takot ka pa rin sa bata? Well, it's kinda adorable, I guess.

I turned myself in front of the door, at kinapa ang aking susi sa clutch. Nang mahanap iyon ay kaagad kong pinasok sa susian at binuksan ang pinto.

Mula dito, rinig na rinig ko ang bukas na TV na mayroong nagpe-play na nursery rhymes. Pati ang mga boses ng bata na sumasabay roon. Halata mong sobrang sigla pa rin kahit na 10 PM na ng gabi. Pinainom yata ni Pia ng Enervon!

"Pasok ka..."

"After you..."

Tumango ako, at pumasok na roon. Ang clutch ko ay isinabit ko muna sa coat rack, at si Yuan naman ay sinarado ang pintuan. Tumingin ako sa kanya at tinanguan siya. He smiled nervously.

Dinungaw ko sila sa sala. Nagtatatalon ang dalawang bata roon sa may sofa, at si Pia naman ay nakaupo, pero nagsasayaw din. Magkahawak pa ang dalawang kamay ng kambal, while they're jumping joyly on the sofa.

"Hey, sabi ko walang tatalon sa sofa, di ba?" bungad ko upang maramdaman nila ang presensya ko.

Napatingin sila sa akin, at halos kumaripas ng takbo papunta sa akin.

"Mama, I miss you po!"

"Ako din, Mama! Miss kita!"

I crouched so I can hug them. Pinaulanan ko ng mga halik ang mga pisngi nila and they giggled. How cute!

"Ay naku, Ma'am! Sinabihan ko ang mga 'yan, pero hindi nakikinig. Inusad ko pa nga po ang mabigat na coffee table para may espasyo sila sa sahig! Vinacuum ko pa ho ang carpet pero ang titigas ng ulo-" biglang naputol ang sumbong ni Pia tungkol sa mga bata, at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa likod ko. "S-Sir...?"

I looked at my back, and I saw Yuan staring at our children, hindi makapaniwala. Tumingin muli ako kay Pia.

Tumingin siya ulit sa akin.

"Pia, pakipatay ang TV..." utos ko sa kanya. "At... doon ka muna sa kwarto mo. Mag-uusap lang kami."

Hindi na sumagot si Pia, sa halip ay pinatay na ang TV, at nagkulong sa sariling kwarto.

Tumingin ako sa dalawang bata na kuryoso ang tingin kay Yuan. Bumalimg ang tingin ko sa kanya, at ganoon din ang ginagawad niyang tingin sa dalawa.

"Hello po!" bati ni Yennefer. "Sino po kayo?"

Napalunok si Yuan. Tumingin siya kay Yeshua na walang imik, at tinitignan lamang siya.

He slowly kneeled down to look closely at his own daughter. Kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang sarili sa pag-iyak. My eyes watered quickly, pero tinitignan ko pa rin ang susunod niyang gagawin.

"I... I'm Yuan," his voice was so gentle.

"Hello po, Tito Yuan!" Yennefer greeted, and hugged him around his neck.

Nakita ko ang paninigas ng katawan niya, at unti unti siyang sumungaw sa akin. Ngumiti ako sa kanya.

"Papa, Yennefer," sabat ko. "P-Papa Yuan..."

Halos maiyak ako sa pagkakasabi noon. Yennefer looked at me intently, and Yeshua was dumbfounded. I bit my lips to suppress a sob. Lumuhod ako sa harapan ni Yeshua, at hinawakan ang maliliit niyang kamay.

"P-Papa?" Yeshua asked, without breaking his gaze.

"Oo, baby..." may tumulong luha sa aking pisngi, ngunit pinalis ko iyon."Siya ang Papa niyo, Yenny... Yesh."

Yeshua turned his gaze to Yuan.

Nagulat ako noong halos kumaripas ng takbo si Yeshua papunta sa direksyon ni Yuan. He hugged him so tight. Narinig ko ang iyak ng aking anak. I bit my lips hard.

"Papa, Papa!" he cried. "Ang tagal mo po magpakita..."

Si Yennefer naman ay nakisama sa yakap. Ang mga mata niya ay punong puno ng kinang, ngunit hindi umiiyak. She's a tough girl, really.

Yuan equaled the hug between the kids. Narinig ko ang paghikbi niya, at ako naman ay halos mapasinghap sa sobrang kagalakan at fulfillment na nadarama. I never thought that this would turn out to be so emotional...

Pinupunasan ko ang aking mga luha, ng marinig ko ang boses ni Yuan.

"Si Mama naman ang yakapin natin? She's crying too, oh," his voice was so gentle.

Hindi na ako nakareact at tumakbo ang dalawa papunta sa akin. They hugged me tight. Sinuklian ko ang yakap nilang dalawa.

"I love you Yenny, Yesh... so much..." I cried.

The happiness overflowed inside me when two big arms enveloped us three.

I felt damn completed.

DS#2 • daddy's little monsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon