larrazabal's mansion

13.2K 149 4
                                    

two

It's been a week.

Ngayon lang ako nakalabas ng hospital.

Isang linggo na rin ang nakalilipas noong sinabi sa akin iyon ni Tita. I'm still grieving, pero narealize ko sa sarili ko, what will my grievance do? I can't move on with life kung iyon lang ang aatupagin ko. I still grieve, but not that much. Besides, sinabi ng doktor na h'wag ko munang isipin iyon.

But I can't help it. Minsan, tutulo na lang talaga ang luha ko. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. Gusto kong magwala pero hindi kaya ng katawan ko.

Mommy, Daddy... kung nasaan man kayo, sana masaya kayo diyan... I love you so, so much.
             
           
         

Narito ako sa sasakyan nila Tita Andrea. Si Tito Yuno, ang asawa niya, ang nagda-drive.

Papunta kami sa kanilang mansion, dahil doon na daw ako titira. I'm shocked, kaya tinanong ko sa kanila kung bakit.

"Djanne," si Tito Yuno iyon. "Kami na ang mag-aalaga sa iyo, dahil binilin ka sa amin ng Daddy mo. Bago siya... namatay... nilagay niya sa last will statement niya na kami ang mag-aalaga sa iyo."

Tumango ako, kahit na masakit sa kalooban na pinagplanuhan ni Daddy iyon. Pero okay lang din kasi sila Tita Andrea at Tito Yuno lang din naman ang closest to my parents.

"Paano naman po ang kompanya namin?" tanong ko sa kanya.

I can visually see the newspapers. The Downfall of ARC, title.

"Binilin iyon sa amin ng Daddy mo," si Tita naman ang sumagot sa akin. "Not until you graduate, saka mo pa lang makukuha ang kompanya."

I sighed.

Malaki ang kompanya namin. At kapag sinabi kong malaki, malaki talaga. Pero mas malaki pa rin ang negosyo nila Tito at Tita.

The ARC, our company, is focused on furnitures and interior designing. Habang ang YLVII (business nila Tito) ay more on apartments and condominiums.

They collaborated once, at iyon yata ang biggest project na nagawa ng both companies.

Sa sobrang libang ko sa pagtingin sa dinaraanan namin, hindi ko na namalayan na nakapasok na pala kami sa gate nila.

"Tara na sa loob, Djanne," yaya ni Tita Andrea. "I hope you'll get comfortable faster..."

Binuksan ng lalaki ang pintuan ng kotse, kaya naman bumaba na ako.

Wearing my bubblegum pink dress, at hawak ang aking LV bag, napaangat ako ng tingin sa arko.

Their surname, "Larrazabal" were italicized and bold. Encarved and painted with gold and glitter.

Standing behind that, is their majestic mansion. Sobrang laki nito, kumpara sa aming mansyon. White and gold ang pintura nito, at may halong brown na mas nagpaganda sa blending ng color.

"Wow," I said.

"I hope you like our home, na magiging iyo na rin," she smiled. "Godness, kamukhang kamuha mo si Djanna kapag nagagalak."

Mommy and Tita Andrea were best friends. Pumupunta kami lagi sa bahay bakasyunan nila Tita kapag summer, at sila naman ay minsan ring pumupunta sa bahay. Higit pa roon, pag nagku-kwento si Mommy ng buhay niya dati, kasama lagi si Tita Andrea.

Malungkot naman akong napangiti roon.

"I'm sorry!" she hugged me.

"It's okay po... nalulungkot lang po talaga ako minsan," I truthfully said.

"Pero sana hindi na kapag tumira ka dito. May kalaro ka naman dito e, si Ylona."

"Oo nga po..." ngumiti ako.

Pagpasok namin sa bahay nila ay bumungad kaagad ang nakahanay na mga kasambahay. Madami sila, kumpara sa mga kasambahay namin dati.

Binati nila kami. Ngumingiti lang ako ng taimtim kapag binabati kasi nahihiya pa ako.

"Djanne?!" napatingin ako sa nagsalita.

"Ylona," ngumiti ako.

Tumakbo siya papunta sa akin, at agad akong niyakap ng mahigpit. "Oh my gosh, D! I'm so sorry... Okay ka na ba?"

Ngumiti ako ng pagod. "Konti pa, Ylly."

"Aww," yumakap ulit siya sa akin.

Narinig ko ang tawa nila Tito sa gilid.

"Maiwan muna namin kayo. You two need to catch up. Its been a year," si Tito iyon.

Hinatak kaagad ako ni Ylona sa kanilang sofa.

"Ano na, sis... Nakakalungkot talaga yung nangyari kila Tita at Tito," si Ylona. "Pero wag kang mag-alala, nandoon na sila sa piling ni God..."

"I know," ngumiti ako sa kanya.

"Let's stop talking about that, para mabilis mo nang makalimutan ang sakit! Ibang topic na lang ang pag-usapan natin!" she said excitedly. "Edi sa school ka na namin ni Kuya mag-aaral? Halaaa, sana kaklase kita, para ako na lang magtu-tour sa'yo!"

Hindi pa sinasabi sa akin na ililipat ako ng school, pero alam ko na naman dahil sobrang layo ng bahay nila sa school ko.

"Maganda dun, maraming cute boys," namula bigla ang mukha niya. "Oh gosh, hihi—OY KUYA!"

Napatingin ako bigla sa sinigawan niya. Isang lalaki na sobrang tangkad, at naka-basketball na uniform. Mukhang galing siyang laro dahil sa pawisan.

Ugh. Yuan.

Lumapit siya sa amin habang pinapaikot ang bola sa kanyang daliri.

"Oy, andito na pala si bata," he said. "Sorry sa nangyari kay Tita at Tito..."

Kahit may pang-inis noong una, na-appreciate ko naman 'yung kalaunan.

"Ylly, i-tour mo naman si bata sa bahay, ng di maligaw," he arched his eyebrows. "Sige na, liligo lang ako."

"Di nga kasi ako bata!" irita kong sabi.

Tumawa lang siya papaalis.

"Yaan mo na yun!" Ylly said. "Pero magandang suggestion iyong sinabi ni Kuya! Tara, tour kita sa bahay namin—NATIN pala! Yey!"

DS#2 • daddy's little monsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon