over my dead body

5.1K 99 8
                                    

eight

Mabilis lumipas ang mga panahon. Ewan ko, parang sobrang saya ko, kaya sobrang bilis din ng mga araw ko. Para bang isang pitik na lamang ang bawat araw na nagdaraan. Natatakot din ako minsan, baka ang saya na 'to ay mabawi ng sobrang kalungkutan.

Kalagitnaan na ng school year ko bilang Grade 8. Hindi na kami magkaklase ni Ylly dahil alam ko na naman ang pasikot sikot rito sa school. And I've made friends too! Like, super friends.

Iyong kalungkutan na natanggap ko sa pagkamatay ng aking mga magulang, biglang nabawi ng mga ito. Na marami pa palang magmamahal sa akin.

"Alam mo, girl, gustong gusto ka talaga ni Rustav!" si Sasha iyon.

"Ay te, true yan," si Marrietta naman. "Pero di ba nanliligaw sa'yo si Vern? Ampogi din ng isang 'yon!"

Napatawa ako sa kanila. "Wala pa akong balak mag-boyfriend! Ayoko ng label sa ngayon. Saka na kapag tumanda na ako."

Tinignan ko si Vern na nasa kabilang table. Nakatingin siya sa akin, at nakangiti. Agad naman akong napaiwas ng tingin, at kinausap na lamang ang dalawang ito.

Pero narinig ko ang mga hiyawan ng grupo niya, kaya napatingin ako. Tinutukso siya, habang ang iba naman ay nakatingin sa akin.

"Uy, pinag-uusapan ka roon, oh!" si Sasha. "Girl, kapag gumawa na 'yan ng first move, hahanga talaga ako. Alam niya naman siguro ang kahihinatnan niya."

"Sash! Grabe ka naman sa "kahihinatnan". Hindi lang talaga ako sanay sa mga ganoong bagay! Ewan ko, minsan nandidiri rin ako. Ang cheesy kasi."

"Nga pala, balita ko break na si Yuan at 'yung girlfriend niya?" si Marrietta.

"Oo yata," I replied. "Ewan ko dun, papalit palit ng girlfriend, kala niya naman ikinagwapo niya!"

"Gwapo naman kasi talaga siz! Kung ako 'yung si girl, magiging honored ako kasi naging girlfriend ako ni Yuan, 'no! Gosh," pinaypayan ni Marri ang kanyang sarili.

Umiling iling na lamang ako.

Nag-ring na ang bell, hudyat na pagpapatuloy na ulit ang klase. Hinablot ko ang aking notebook, at nagpaalam kay Sash. Ibang section kasi siya, kaming dalawa lang ni Marri ang magkaklase.

Bago kami pumasok ay nag-cr muna kami ni Marri. Medyo na late tuloy kami, pero okay lang kasi wala pa naman palang teacher.

Pagpasok ko ay naghiyawan ang aking mga magkakaklase. Napatingin ako sa kanila, at sila naman ay nakatingin sa akin. Anong meron?

"Nakooo! Sino kaya mamaya yung gagawa ng move..."

"Sana galingan mamaya!"

"Libre ng lunch para plus pogi points!"

Napuno ng tawanan at hiyawan ang buong classroom. Natatawa ako, pero hindi ko maintindihan ang sinasabi nila.

Umupo na lang ako sa assigned seat, at saka inilabas ang notebook para sa subject na iyon. Nag-recall ako ng kaunting diniscuss kahapon, kaya lang ay naudlot ito dahil may lumipad na eroplanong papel at naglanding sa papel ko.

It has big smiley face on each side of the wings. Napaangat ako ng tingin kay Marri na katabi ko lang, at naguguluhan.

"Luh, buksan mo," mahinang sabi ni Marri. "Shyet! Baka invitation 'yan mamaya. Vern will invite you to a dinner date!"

Umirap lang ako sa sinabi niya, pwro ginawa ang pagbubukas nito.

'Can I sit with you on lunch? ;)'

Napatingin ako ng nanlalaki ang mata kay Vern. Naghiyawan ang tropa niya sa likod. Ang iba ay hinihilot ang likod niya na para bang sasabak sa gyera.

DS#2 • daddy's little monsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon