Disclaimer:
Ang nobelang ito ay naglalaman ng 20 Chapters! Mahaba-habang hintayin ng updates ito! 😂😁 Happy Reading! ❤
****************************************************
HALOS paliparin ni Gogoy ang kotse niya makarating lang agad sa ospital. Puno ng pag-aalala ang dibdib niya. Kinuha niya ang Bluetooth headset at nilagay iyon sa isang tenga niya saka tinawagan si Daryl.
"Daryl, how's Lolo? What's his condition?" tanong niya agad pagsagot nito sa tawag niya.
Narinig niya itong bumuntong-hininga. "Ken said he's fine now." Sagot nito.
"What exactly happened? Wala naman sakit si Lolo bukod sa pagtaas ng presyon niya. Kanina sabi ni Glenn okay naman daw ang blood pressure niya nang i-check niya kaninang umaga." Tanong na naman niya.
"I really don't know, dude. Hindi naman makausap si Lola dahil pinagpahinga rin ni Ken, ninenerbiyos kasi ng husto kanina nang makitang walang malay si Lolo." Sagot nito.
Siya naman ngayon ang napabuntong-hininga. "Sige, I'll be there in ten minutes. I was just stuck in traffic." Sabi pa niya.
"Okay, ingat."
Pagkatapos nilang mag-usap. Tinanggal na niya ang headset sa tenga niya. Humugot siya muli ng isang malalim na hininga. Hindi niya alam ang eksaktong iniisip ng Lolo niya, nitong mga nakaraan araw pa niya napapansin na tila palaging malalim ang iniisip nito. Tila ba may bumabagabag dito. Tanging ang Lola lang niya ang kinakausap nito, pero kapag sila ang nagtatanong dito. Ang sinasagot lang nito sa kanila ay okay lang naman daw ito. Michael knows his grandfather. Sa kabila ng edad nito, malakas pa rin ito. Alam niyang may problema ito na siyang dahilan ng biglang pagkakasakit nito.
Mas maaga sa inaasahan, wala pang sampung minuto ay narating na niya ang ospital. Pagdating niya sa loob ng pribadong silid na inookupahan ng Lolo niya, naabutan niyang hindi lang ito ang nakaratay sa kama at may oxygen mask sa ilong at bibig nito. Maging ang Lola niya ay naka-oxygen mask din. He sighed in frustration. Naabutan din niya doon ang mga pinsan niya, si Marisse ay nasa tabi ng Lola nila at kita ang pamumugto sa mga mata nito. Nang makitang gising ang Lola niya, nilapitan niya ito at nagmano.
"'La, kumusta na po kayo?" tanong niya dito.
"Ay, ayos lang ako apo. Ninerbiyos lang ako kanina nang makita kong walang malay ang Lolo mo. Kaya nahirapan din akong huminga." Sagot naman nito.
Tumango siya. "Mabuti naman po. La, huwag kayong mag-alala kay Lolo. Magiging maayos din ang kalagayan niya. Si Badong Mondejar yata 'yan." Sabi pa niya dito saka niya nginitian ang abuela. Hinaplos pa niya ang noo nito, sinadya niyang pagaanin ang pag-uusap nilang dalawa.
"Iyan naman kasing matandang 'yan, marahil ay iniisip na naman niya ang pangako niya sa matalik niyang kaibigan na hindi pa rin niya natutupad hanggang ngayon. Palibhasa'y malapit na death anniversary nito." Anang Lola niya.
Napangiti sila sa klase ng pagsasalita nito tungkol sa esposo nito.
"Ano pong pangako?" kunot-noo naman tanong ni Miguel.
"Limang taon na ang nakakalipas nang pumanaw ang matalik na kaibigan ng Lolo ninyo. Bago ito nalagutan ng hininga, nangako ang Lolo mo na ipagpapatuloy niya ang paghahanap sa nawawala nitong anak at apo. Hindi binabanggit ng Lolo ninyo sa inyo, pero may iniwan na kayamanan ang kaibigan niya para sa naiwan nitong anak, at iyon ay nasa pangangalaga ng Lolo ninyo." Kuwento nito.
BINABASA MO ANG
Car Wash Boys Series 12: John Michael Lombredas
RomanceI'm not an expert in talking about matters of the heart, all I know right now is I'm in love with you. Do I still need to explain that? Or will I just kiss you to prove it? Teaser: Isang simpleng tindera sa tiangge si Ged. Ang pangarap niya ay yuma...