"MANANG, nasaan po si Gogoy?" tanong ni Ged sa kasambahay pagbaba niya nang umagang iyon.
"Nandoon po sa bahay ng Lolo niya." Sagot nito.
Tumango siya. "Sige po, salamat." Aniya saka agad na sinukbit sa balikat niya ang backpack niya.
Paglabas niya, dumiretso siya sa garahe kung saan nakaparada ang kanyang BMW series seven. Noong isang araw lang niya iyon nabili, matapos niyang makuha ang driver's license niya. At simula kahapon ay nagpa-practice na siyang mag-drive mag-isa. At dahil komportable na siya sa pagmamaneho niyon, gagawin na niya ang pinangako niya sa sarili kapag nagkaroon na siya ng sarili niyang kotse.
Nilagay niya ang backpack sa likod na bahagi ng kotse, saka umalis. Bago siya tuluyan makalabas ng Tanangco, dumaan muna siya bahay ni Lolo Badong upang magpalaam. Agad niyang nilapitan ang huli pagpasok niya sa bakuran nito.
"Lolo, alis po muna ako." Paalam niya sabay mano dito at kay Lola Dadang.
"Saan ba ang tungo mo, hija?" tanong nito.
"Dadalawin ko po ang puntod nila Tatay." Sagot niya.
"Sa Batangas ba ika mo ang punta mo?" kunot-noong tanong ni Lola Dadang.
Tumango siya. "Opo."
"Eh sino ang kasama mo?" tanong na naman ni Lola.
"Ako lang po mag-isa."
"Naku bata ka, kaya mo na ba magmaneho ng ganoon kalayo? Bakit hindi ka magpasama kay Gogoy?" suhestiyon nito.
Napangiti siya. "Opo, Lola. Huwag kayong mag-alala sa akin. Bago pa ho ako mapunta dito sa Maynila at noong nabubuhay pa si Tatay. Kahit paano may alam na ako sa pagmamaneho. Kaya ayos lang po ako." Sagot niya dito.
"Ah sige, kung talagang kaya mo na. Sumige ka, pero mag-iingat ka ha?" bilin pa ni Lolo Badong.
"Opo."
Pagkatapos magpaalam sa dalawang nakakatanda. Hinarap niya si Gogoy. Dalawang linggo na ang nakakalipas simula nang magtalo sila, simula noon hindi na niya ito kinausap ng maayos. Alam niyang wala siyang karapatan mag-inarte ng ganoon, pero hindi mapigilan ang sarili. Iyon ang unang beses na nasaktan siya ng dahil sa pag-ibig. Kaya hindi niya alam kung paano iha-handle ang sitwasyon, ang pagseselos na nararamdaman niya. Hindi niya alam kung paano niya paniniwalaan ang sinabi nitong mahal siya nito, kung kinagabihan ay may kasama itong ibang babae. Sige, pinagselos siya nito. Nagtagumpay ito dahil iyon nga ang naramdaman niya. Pero naapektuhan naman ang tiwala niya dito.
"Gogoy," tawag niya dito.
Tumigil ito sa pagka-carwash, saka humarap sa kanya. Nasamid siya ng wala sa oras ng tumambad sa harap niya ang matipunong dibdib nito at mga abs na humihiyaw. Pasimple siyang umiwas ng tingin saka kunwari ay naubo siya.
"May sakit ka?" tanong pa nito.
Umiling siya, saka tumikhim ng malakas para makapagsalita siya ng maayos. "Wala, ayos lang ako. Nasamid lang." aniya.
"Mukhang may lakad ka." Puna nito sa kanya.
"Ah oo, kaya ako pumunta dito para sabihin sa'yo na pupunta ko na uuwi ako sa Batangas." Sabi pa niya.
"What?" mataas ang boses na tanong nito. "Pupunta ka sa Batangas?"
"Oo, bakit? Bawal?" pagtataray na naman niya dito.
BINABASA MO ANG
Car Wash Boys Series 12: John Michael Lombredas
RomanceI'm not an expert in talking about matters of the heart, all I know right now is I'm in love with you. Do I still need to explain that? Or will I just kiss you to prove it? Teaser: Isang simpleng tindera sa tiangge si Ged. Ang pangarap niya ay yuma...