PIPIHITIN na lang ni Ged ang doorknob para lumabas ng silid niya, pero hindi pa niya magawa. Sa mga sandaling iyon, abot hanggang langit ang kaba sa dibdib niya dahil sa nangyaring aksidenteng halik sa pagitan nila ni Gogoy noong nakaraang gabi. Sa katunayan, halos hindi siya nakatulog kakaisip doon. Paano nga ba siyang hindi magkakaganon? Eh iyon ang first kiss niya.
Napapikit siya, saka napasandal sa likod ng pinto. Pinilig niya ang ulo para lang mawala ang eksenang iyon sa isip niya. Paano niya haharapin ito? Kung ganoon na naiisip pa lang niya halos nag-iinit na ang buong mukha niya, baka mamaya kapag nakaharap na niya ito ay bigla na lang siyang magliyab. Kung bakit ba naman kasi niya naisipan na halikan ito sana sa pisngi? Kailangan talaga ng kiss bago mag-goodnight? Napapadyak siya dahil sa kalokohan niya, saka binaon niya ang mukha sa dalawang palad niya at impit na tumili. Dapat pala hindi na lang siya pumayag na doon tumira.
"Relax Ged, lalaki 'yon. Balewala lang sa kanya 'yon. Okay? Kaya just chill." Pagkausap pa niya sa sarili at pag-alo.
"Ged!"
"Ay tipaklong lumundag!" gulat na gulat na hiyaw niya. Mabilis siyang napalayo sa pinto, sabay hawak sa tapat ng puso niya. Huminga siya ng malalim, bago pinaypayan ang sarili. Kulang na lang ay tumalon ang puso niya palabas ng dibdib sa sobrang gulat. Napaatras siya nang biglang bumukas ang pinto.
"Bakit hindi mo binubuksan ang pinto?" tanong nito.
"Wala!" mabilis niyang sagot sabay talikod.
Napalingon siya sa gilid niya nang makitang nakasilip pa roon si Gogoy at nakakunot noo habang nakatingin sa kanya.
"May sakit ka ba? Bakit namumula ang mukha mo?"
Nanlaki ang mata niya saka mabilis na umiwas ng tingin dito. "Naku eh, hindi. Wala akong sakit. Naiinitan lang ako," pagdadahilan niya.
Napapitlag pa siya ng ilapat nito ang isang palad sa noo niya. Agad siyang lumayo dito.
"Teka nga, nakakahalata na ako eh. Iniiwasan mo ba ako?" diretsong tanong nito.
Sunod-sunod na umiling siya. Nagkunwari pa siyang natawa. "Ano ba 'yang sinasabi mo? Hindi kaya!" tanggi niya.
Awtomatikong napaatras siya ng bigla itong lumapit na naman sa kanya. Malakas ang kabog ng dibdib na tumingin siya dito, kita niya sa mga mata nito ang mapanuri at tila nanunudyong tingin kaya mas lalong lumakas ang kaba niya. Akma siyang aatras na naman palayo dito, nang magulat siya nang hawakan siya nito sa pulsuhan at hilahin siya nito palapit dito. Dahilan upang makulong siya sa mga bisig nito, at masilayan niya ng malapitan ang halos kulay uling na mga mata nito.
"Gogoy," usal niya, sinubukan niya itong bahagyang itulak upang makalayo siya dito. Ngunit mas lalo lang siya nitong hinapit sa beywang niya. Mabilis na nag-replay sa utak niya ang halik na iyon. Napalunok siya ng mapadako ang mga mata niya sa labi nito.
"Is it because of the kiss?" direktang tanong nito sa baritonong tinig nito.
Napipilan siya. Hindi nito maaaring malaman na hina-hunting siya ng pangyayaring iyon hanggang sa mga sandaling iyon.
"Ah, ano..."
"Are you thinking about it?"
Hindi na naman siya sumagot. Ayaw pa rin gumana ng matino ang utak niya. Nasakop kasi iyon ng halik na iyon at ng ayos nila ngayon. Nabalot ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Tanging ang paghinga lang nilang dalawa ang naririnig niya, ah, oo nga pala. Dinig din pala niya ang malakas na sigaw ng puso niya, sana lang ay hindi naririnig iyon ni Gogoy.
BINABASA MO ANG
Car Wash Boys Series 12: John Michael Lombredas
Storie d'amoreI'm not an expert in talking about matters of the heart, all I know right now is I'm in love with you. Do I still need to explain that? Or will I just kiss you to prove it? Teaser: Isang simpleng tindera sa tiangge si Ged. Ang pangarap niya ay yuma...