CHAPTER NINE

5.1K 118 6
                                    

EXCITED na nilapag ni Ged ang bowl na may laman ng niluto niyang Braised Beef. Inamoy pa niya iyon pagkatapos, saka sumulyap sa wall clock. Mag-aalas siyete na ng gabi, ano mang oras ay darating na si Gogoy.

Matapos ang naganap na pagtatapat nito sa kanya kaninang tanghali, nakapag-isip na siya ng maayos. Nagdesisyon na rin siyang tanggapin ang damdamin nito. Kung hindi siya nataranta kanina, baka sinagot na agad niya iyon. Pero dahil umiral ang tinatago niyang ka-engotan, bigla siyang kumaripas ng takbo palabas ng opisina nito. Sabagay, hindi naman niya masisisi ang sarili. That was her real first kiss, hindi lang basta smock. Totoong halik. At kapag naaalala niya iyon, hindi pa rin niya maiwasan na makaramdam ng kilig.

"Ma'am, saan po ilalagay 'to?" tanong ng kasambahay.

Lumingon siya dito, saka kinuha mula dito ang pasta dish na siyang niluto din niya saka nilapag iyon sa ibabaw ng mesa. Sigurado siyang matutuwa at magugulat si Gogoy sa hinanda niya. At sigurado din siyang matutuwa ito kapag sinabi na niya ang kanyang sagot. Napangiti siya. Napalingon siya sa labas ng bahay ng marinig niya ang pamilyar na busina ng isang sasakyan.

"Ako na po ang magbubukas ng gate," prisinta ng isa pang kasambahay.

Tumango siya. Habang hinihintay ang pagpasok ni Gogoy, mabilis niyang inayos ang buhok sa pamamagitan ng kamay niya maging ang suot niyang dress. Napakunot-noo siya ng bigla niyang marinig ang isang tinig ng babae na siyang kinakausap ni Gogoy. Sigurado siyang hindi iyon ang isa sa mga kaibigan niya o si Marisse. Ganoon na lang ang agad na pagsalubong ng kilay niya nang pumasok ito kasama ang isang maganda at matangkad na babae. At gustong magbuhol ng dalawang kilay ng makita niya na naka-abrisiyete ito braso ni Gogoy.

Sa loob niya, nag-aamok ang puso niya sa nakikita. Masyadong sweet ito kay Gogoy, kulang na lang ay magyakapan ang dalawa sa harap niya. Pinigilan din niya ang kilay niyang tumaas, bagkus ay pinilit niya ang sariling ngumiti sa mga ito.

"Oh Ged," anito sa kanya.

Tumango lang siya dito.

"By the way, this is Jenina. Jenina, this is Ged." Pagpapakilala nito sa kanilang dalawa.

Inabot niya ang kamay niya, pasalamat pa siya dahil tinanggap iyon ni Jenina. "Nice to meet you," sabi nito.

"Same here," sagot niya. Pagkatapos ay binalingan niya si Gogoy. "Kumain ka na ba? Naghanda a..."

"Ah yes, kumain na kami ni Jenina sa labas bago umuwi dito. May kailangan kaming pag-usapan importante eh." putol ni Gogoy sa sinasabi niya.

May kumurot sa puso ni Ged. Ang lahat ng excitement niya ay naglahong parang bula. Pakiramdam niya ay nasayang ang lahat ng effort niya sa pagluluto at sa pagpapaganda. Kung ganoon, bakit nito sinabing gusto siya nito at mahal siya nito kung hindi pa lumilipas ang bente kuwatro oras ay may kasama na agad itong ibang babae? Iyon ba ay dahil basta na lang siya umalis kanina? So, kasalanan ba niya? Pinigilan ni Ged ang mga luha niyang gusto bumagsak.

"Ah, ganoon ba? Sayang, nagluto pa naman ako." Hindi niya napigilang wika dito.

Nakita niya na nagbago ang anyo ng mukha ni Gogoy. Nawala ang ngiti nito at lumamlam ang mga mata nito. Tila ba nanghihingi ng paumanhin ang mga tingin nito sa kanya. "Sige, maiwan ko na kayo." Nakapormal na wika niya.

"Manang, pakiligpit na lang po 'yung mesa." Utos niya sa kasambahay.

"Ged,"

"Ma'am Ged, excuse me po." Tawag-pansin sa kanya ng isa pang kasambahay na galing sa labas.

"Ano 'yon?" tanong niya dito.

Car Wash Boys Series 12: John Michael LombredasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon