NABALOT ng takot si Ged. Paglingon niya sa paligid ay pawang kadiliman lang ang nakikita niya. Inangat niya ang kamay niya, saka sinubukan niya kumapa sa paligid. Ngunit walang kahit na sino ang naroon.
"Gogoy," tawag niya sa kanyang asawa.
Hinintay niyang sumagot ito. Ngunit lumipas ang ilang sandali ay wala pa rin sumasagot. Nagsimula na siyang matakot.
"Gogoy!" malakas na sigaw niya, pero gaya kanina ay wala pa ring sumagot. Ilang beses pa niyang tinawag ito ngunit wala talagang naroon. Tuluyan na siyang iniwan nito.
Napabalikwas ng bangon si Ged sabay sigaw ng malakas, saka habol ang hiningang tumingin sa paligid. Binalot niya ng kumot ang katawan niya. Isang masamang panaginip lang pala. Ngunit bakit tila totoo iyon? Humahagulgol na pinatong niya ang noo sa ibabaw ng dalawang tuhod niya.
"Ged! Hon?"
Agad siyang yumakap kay Gogoy nang lapitan siya nito.
"Hey, what happened?" nag-aalalang tanong nito habang hinahagod nito ang likod niya.
"Natatakot ako. Akala ko iniwan mo na ako." Nanginginig ang boses na wika niya habang mahigpit ang pagkakayakap niya dito.
"Shhh, that's was just a dream." Sabi pa nito.
Bahagya siyang nilayo nito, saka pinunasan nito ang luha niya. "Parang totoo kasi eh," sabi pa niya.
"Relax, hindi ba sinabi ko na sa'yo? Hindi ako mawawala sa tabi mo? Kahit na ipagtabuyan mo ako, hindi pa rin kita iiwan." Sabi pa nito.
Napangiti siya, pagkatapos ay tumango ito. "Tumayo ka na riyan, ngayon na ang punta natin sa Batangas, remember? Bukas na ang kasal natin." Paalala pa nito sa kanya.
"Oo nga pala," usal niya.
"Nagpahanda na ako ng breakfast, in two hours aalis na tayo. Naka-ready na 'yung mga gamit natin di ba?"
"Oo, kagabi pa." sagot niya.
"That's good. Kaya huwag mo ng isipin 'yon. Panaginip lang 'yon." Sabi pa nito.
Tumango siya. Bago ito lumabas ng silid ay hinalikan pa siya nito sa labi. Nang makalabas na ito muli niyang binagsak ang katawan sa kama saka pilit na kinalma ang isip niya. Ang totoo, iyon na ang pangatlong beses na napapaniginipan niya ang eksaktong eksena. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon, iyon siguro ang dahilan kung bakit natatakot siya. Pero hindi dapat siya magpadala sa isang panaginip.
"ANO? Excited ka na?" nakangiting tanong ni Kamille sa kanya.
"Oo naman!" sagot agad niya.
"Anong feeling mo? I mean compare sa kasal n'yo sa huwes." Tanong naman ni Bern.
"Magkaiba eh. Siyempre, mas memorable yung una. Kahit simple lang 'yun, hindi ko talaga makakalimutan 'yon. Pero iba rin kapag totoong Wedding na. Nakaka-excite isipin na lalakad ako papalapit sa altar." Sagot niya.
"Oh basta, girl. Enjoy the moment." Sabi pa ni Laiza.
"I will," sagot niya. "And later don't forget. Bridal Shower!" paalala niya sa mga ito.
"Ay, kabog! Ready na ako diyan." Sagot agad ni Kim.
Napahinto sila ng pag-uusap nang biglang pumasok si Gogoy sa loob ng hotel room nila.
BINABASA MO ANG
Car Wash Boys Series 12: John Michael Lombredas
RomanceI'm not an expert in talking about matters of the heart, all I know right now is I'm in love with you. Do I still need to explain that? Or will I just kiss you to prove it? Teaser: Isang simpleng tindera sa tiangge si Ged. Ang pangarap niya ay yuma...