CHAPTER NINETEEN

4.7K 78 1
                                    

NAPAKUNOT NOO si Ged pagpasok niya ng bahay nila. Napasulyap siya sa suot niyang wrist watch ng wala sa oras. Alas-siyete na ng gabi at nakaparada na sa garahe ang kotse ni Gogoy. Sabi nito kanina ng huli silang magkausap sa cellphone ay nasa bahay na ito. Nang mga sandaling iyon, nasa bahay siya nila Lolo Badong at nakikipagkuwentuhan sa mga ito.

Walang ilaw sa buong kabahayan. Nang tingnan niya muli ang mga bahay sa labas ay may kuryente naman ang mga ito. Imposible naman pinutulan sila.

"Gogoy," tawag pa niya sa asawa. Naghintay pa siya ng ilang sandali ngunit walang sumagot. "Nasaan na kaya iyon? Sabi kanina nandito na daw siya." Sabi pa niya.

Napapitlag siya ng biglang pumailanlang sa paligid ang isang kanta, kasabay ng pagbukas ng ilaw sa buong paligid. Napangiti siya ng mula sa hagdan ay bumaba si Gogoy na may hawak na isang pumpon na iba't ibang klaseng bulaklak. Nang tumingin siya sa sahig ay nakakalat ang mga petals, at sa gitna naman ng sala at may isang malaking hugis puso na gawa sa petals ng red rose. Lumapit ito sa kanya saka siya ginaya sa hugis puso at sa loob niyon ay tumayo sila. Humarap ito sa kanya.

Hindi niya alam kung gaano katagal silang nakatitig lamang sa isa't isa at nakangiti bago nagsalita ito. Hinaplos pa nito ang pisngi niya.

Bumuntong hininga ito. "I didn't know how many times I already told you how beautiful you are." Sabi pa nito.

Kinilig si Ged sa sinabi nito. "Hindi ko alam, hindi ko maalala. Pero sigurado ako, palagi mo iyon sinasabi sa akin." Sagot niya.

Tumango ito. "Right, I never fail even a single day." Anito.

"Teka, ano bang okasyon?" tanong pa niya.

"Wala lang." Sagot nito. "Naisip ko lang gawin ito." sabi pa nito.

"Ang gastos mo naman," natatawang wika niya.

"For you." anito, sabay abot sa kanya ng bulaklak.

"Thank you..."

"I don't know if you can remember the song. But I sang it for you on our wedding reception." Sabi pa nito.

Pinakinggan niya itong mabuti, napatingin siya kay Gogoy ng sabayan nito ang kanta.

"...I see a memory. I never realized. How happy you made me, Oh Mandy. Well you came and you gave without taking. But I sent you away, Oh Mandy. When you kissed me and stopped me from shaking. And I need you today, Oh Mandy." Pagkanta pa ni Gogoy sa kanya.

Tama. Ang eksenang iyon kung saan nasa stage ito at tumutugtog ng gitara at kumakanta, natatandaan niya. Walang salita na yumakap siya dito. "Yes, I remember." Aniya.

Naramdaman niya ng yakapin din siya nito. "Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko, Ged. Ang pagbabalik mo ang buong buhay kong ipagpapasalamat ko sa Diyos." Sabi pa nito, pagkatapos ay kumalas ito sa pagkakayakap. "Kapag natapos na ang lahat ng ito, kapag tuluyan ng bumalik ang alaala mo. Kung ano man ang malaman mo, gusto ko lang sabihin sa'yo na totoo lahat ng nararamdaman ko noon at hanggang ngayon. Kaya handa akong maghintay sa'yo. Pero ngayon pa lang, gusto ko ng sabihin sa'yo 'to." Sabi pa nito.

Hindi niya maintindihan ang eksaktong ibig sabihin ng ibang sinabi nito. Pero isa lang ang siguradong malinaw sa kanya. Mahal siya ng asawa niya at iyon ang importante sa kanya.

"Ang alin?" tanong pa niya.

Nagulat pa siya ng bigla itong lumuhod sa harap niya. "Ged Marcelo Lombredas, for the second time. Will you marry me?"

Car Wash Boys Series 12: John Michael LombredasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon