CHAPTER ELEVEN

5.4K 105 12
                                    

"I NOW pronounced you, husband and wife." Anunsiyo ng Judge na nagkasal sa kanilang dalawa.

Mataman tinitigan ni Ged ang lalaking nasa harap niya, ang pinakamamahal niya at ngayon ay ganap na niyang asawa. Hanggang sa mga sandaling iyon ay tila isang panaginip lang ang lahat ng pangyayaring iyon. Hindi pa rin siya makapaniwala na asawa na niya ito. Tila kay bilis ng lahat, pero wala siyang pinagsisisihan. Mahal niya si Gogoy, at kung hindi man ngayon sila kinasal. Wala pa rin magbabago sa desisyon niya, magpapakasal pa rin siya dito. Dahil iyon ang sinisigaw ng puso niya, iyon ang damdamin niya, ang labis na pagmamahal para dito.

"You may now kiss your bride." Dugtong nito.

Humakbang si Gogoy palapit sa kanya saka hinaplos ng marahan ang isang pisngi niya.

"I love you," bulong nito sa kanya.

"I love you more," nag-uumapaw sa kaligayahan na sagot niya. At sa unti-unting paglapit ng mukha nito sa kanya, awtomatikong pumikit ang kanyang mga mata kasunod ng pagtatagpo ng kanilang mga labi.

At habang pinagsasaluhan ang halik na iyon, hindi napigilan ni Ged na tuluyang tumulo ang kanyang mga luha. Nang maghiwalay sila, niyakap nila ang isa't isa ng mahigpit. Gusto niyang iparamdam dito kung gaano siya kasaya at kung gaano niya ito kamahal.

"Grabe, bestfriend. Congratulations!" masayang bati ni Menchu sa kanya, niyakap pa siya nito pagkatapos.

"Thank you!"

"Congatulations, pinsan." Bati naman ni Jester kay Gogoy, tapos ay nagkamay pa ang dalawa.

"Thank you, pinsan." Sagot naman nito.

Pagdating nila sa isang pribadong silid na iyon. Akala niya ay si Jester at Menchu lang ang naroon. Ngunit labis siyang natuwa nang maging ang iba pang pinsan nito at mga kaibigan niya ay naroon din upang saksihan ang pag-iisang dibdib nila. Isang simple at kulay puti ang damit na binili mismo ni Gogoy para sa kanya. Hanggang tuhod iyon at walang manggas. Ayon mismo kay Jester, dalawang linggo daw pinagplanuhan ni Gogoy ang kasal na iyon. Dapat sana ay magpo-propose na daw agad ito pagkatapos nitong magsabi ng pag-ibig sa kanya. Pero dahil nag-walk out siya at nag-away pagkatapos kaya hindi iyon natuloy.

"Congratulations," bati sa kanila ng judge. Bago sila umalis ay pinirmahan muna nila ang kanilang Marriage Certificate. Pagkatapos ay hindi magkamayaw ang mga ito sa pagbati sa kanila.

Matapos ang seremonyas ng kasal, dumiretso sila sa isang restaurant na matatagpuan malapit sa hotel. Overlooking doon ang dagat, ang paligid ay tila gawa sa kawayan. At sa bandang unahan ay may stage, isang highchair at may acoustic guitar sa tabi. Nagulat pa siya ng bigla itong tumayo sa kalagitnaan ng pagkain nila.

"For the most beautiful and amazing girl I have ever known. And tonight, I just want to serenade you with this song. Ged, hon. Thank you for accepting my love, for accepting me in your life. I can only promise one thing to you. I will love you until forever ends." Buong pagmamahal pa nitong sabi sa kanya sa tapat ng mikropono.

Natakpan niya ang bibig sa sobrang saya. Tumulo na naman ang mga luha niya, habang ang mga iba pang customers ay nagpalakpakan at tila gaya niya ay kinikilig din. Si Menchu naman ay panay ang siko sa kanya.

Hindi mawala ang ngiti sa mga labi niya. Tuluyan ng sinakop ni Gogoy ang atensiyon niya nang simulan nitong tugtugin ang gitara. Lalong nahulog ang puso niya dito nang magsimula na itong kumanta.

"...I see a memory. I never realized. How happy you made me, Oh Mandy. Well you came and you gave without taking. But I sent you away, Oh Mandy. When you kissed me and stopped me from shaking. And I need you today, Oh Mandy." Pagkanta nito.

Car Wash Boys Series 12: John Michael LombredasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon