CHAPTER TWENTY

6.3K 184 14
                                    

WALANG kibo na umupo si Ged sa high chair sa may kitchen counter. Kadarating lang nila ni Gogoy ng sandaling iyon sa bahay nila, matapos nilang muntikan ma-aksidente ay hindi agad sila nakauwi. Kinailangan nilang manatili doon upang magbigay ng statement sa mga pulis. Kinausap nito ang driver ng truck, ang orihinal na plano ni Gogoy ay magsasampa ng reklamo o kakasuhan ang mismong driver, ngunit nakiusap ito. Kaya alang-alang na lang sa Pamilya ng pobreng driver ay pumayag na lang ito na makipag-ayos.

"Nakakapagod ang byahe." Reklamo nito. "Kung hindi dahil sa insidenteng 'yon baka maaga tayong nakauwi." Sabi pa nito.

"Are you hungry? Pa-deliver na lang tayo sa Jefti's, gusto mo?" tanong pa nito.

"Ikaw ang bahala," pormal ang mukhang sagot niya.

"Hon, are you okay?" kunot ang noo na tanong nito. "Kanina ko pa napapansin na walang kang kibo. Are you sick?"

Lihim niyang naikuyom ang isang palad niya. Saka pigil ang galit na tiningnan niya ito.

"I'm okay." Usal niya.

Kumuha ito ng isang basong tubig at binigay iyon sa kanya. "Here, drink this. Para gumaan ang pakiramdam mo." Sabi pa nito. "If ever you remember anything about your past, just tell me, I'll be at our room." Dagdag pa nito.

Dahil sa sinabi nito hindi na niya napigilan ang sarili kaya tuluyan nang umagos ang luha niya. Padabog na tumayo siya kaya tumumba ang inupuan niya. Napalingon si Gogoy sa kanya.

"Ged, what's wrong?" may pagtatakang tanong pa nito.

"Wala ka bang balak sabihin talaga sa akin ang lahat? O gusto mo na naman bilugin ang ulo ko gaya dati?" di na niya napigilang wika.

Humarap ito sa kanya. "I don't understand. Ano bang sinasabi mo?" tanong pa nito.

Muling umagos ang luha niya. "Tama na ang pagpapanggap, Gogoy. Huwag mo na akong lokohin. Alam ko na ang lahat, naalala ko na ang lahat ng nangyari. Alam ko na ang dahilan kung bakit ako naaksidente. Alam ko na ang lahat!" sigaw niya.

Kitang kita niya kung paano gumuhit ang gulat at takot sa mukha nito. Napatungo ito, sabay pikit.

"Ged, I'm sorry if I –"

"Alam mo kung ano ang hindi ko matanggap? Na ang kaibigan ko ang lumagay sa lugar ko! Ako dapat ang nandoon eh! Hindi ko na siya dapat sinama noong makasalubong ko siya sa Parking Lot ng hotel. Hindi ko na siya dapat hinayaan na magmaneho. Hindi na siya dapat nadamay pa! Hindi dapat na ako tumalon ng kotse!" humahagulgol na wika niya.

Sinubukang lumapit ni Gogoy sa kanya ngunit humakbang siya paatras. "Diyan ka lang," sabi pa niya.

Sa pagbalik ng kanyang alaala. Bumalik din ang sakit na dulot ng nakaraan, ang dahilan kung bakit siya nasa ganoon kalagayan ngayon. Bumalik ang lahat ng galit at pagkamuhi. Ang lahat ng panloloko nito sa kanya at pagsisinungaling nito.

"I beg you, Ged. This time, pakinggan mo naman ako." Pakiusap pa nito.

Hindi siya kumibo. Hinayaan niya itong magsalita.

"I'm sorry, Ged. I'm so sorry. Kung hindi ko man sinabi sa'yo ang dahilan kung bakit ka naaksidente. Ayokong sa akin manggaling ang lahat, hinayaan ko na ikaw mismo ang makaalala ng lahat. Nang sa gayon, ikaw na rn mismo ang magpasya kung may magbabago ba sa damdamin mo sa akin o magbabalik ang galit mo. Patawarin mo ako. Hindi ko sinasadyang lokohin ka noon. Oo, aaminin ko. Ang oirihinal na plano ko ay mapalapit sa'yo hanggang sa mapaibig kita. Pagkatapos ay pakasalan ka para mapapirmahan sa'yo ang pre-nuptial agreement para makasiguro akong wala kang magiging interes sa kompanya. I'm sorry. I'm so sorry, iyon lang ang alam kong paraan para mapangalagaan ang kompanya ng buong Mondejar. Pero nagbago ang lahat sa pagdaan ng mga araw na nakasama kita. Unti-unti kong nakalimutan ang mga plano ko. Noong pinakasalan kita, pinakasalan kita dahil mahal na mahal na kita noon. Noong pangalawang beses kitang alukin ng kasal, iyon ay dahil mas mahal na mahal kita. At kung papipiliin ako ng Diyos kung gusto kong baguhin ang nakaraan, hindi ang isasagot ko, dahil nang araw na nakilala kita nag-umpisa ang pagbabago ng buhay ko." Mahabang paglalahad nito.

Car Wash Boys Series 12: John Michael LombredasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon