NAMANGHA si Ged matapos bumungad sa kanya ang maganda at kulay puti na damit pangkasal. Halos sayad hanggang sa lupa ang haba ng damit niya, wala iyon masyadong beads and sequins. Talagang sadyang simple ang gusto niyang disenyo niyon. Hinaplos niya ang tela niyon, lalo siyang na-excite para sa mahalagang araw ng buhay niya.
Eksaktong isang buwan at labinwalong araw na ang nakakalipas simula ng una silang ikasal sa huwes. Gaya ng naipangako nito sa kanya at sa Lolo nito, ikakasal sila ulit sa loob na lamang ng limang araw. Kung pwede nga lang niyang hilahin ang bawat sandali ay ginawa na niya. At base na rin sa mga nag-aayos ng kasal nila na si Sam at Marisse. Their Wedding will be great. Sinunod din ng mga ito ang gusto niya na sa tabi ng dagat gawin ang kasal.
"It's really beautiful," puri pa niya sa damit.
"Just exactly what you like, Ged. Simple pero elegante." Sabi pa ni Sam sa kanya.
"Pwede ko bang i-try 'to?" excited na tanong niya.
"Ay! Loka ka ba? Hindi pwede! Kabilin-bilinan ni Lola Dadang huwag mo daw isusukat eh." Mabilis na tanggi ni Marisse.
Napanguso siya. "Hmp, naniniwala pa kayo doon? Hindi naman totoo 'yon eh." Katwiran pa niya.
"Alam ko, Girl. Kaya lang sabi ni Lola, wala naman daw mawawala kung susundin." Ani Marisse.
"Ay, sige na nga." bigo at napilitan niyang pagpayag.
"Nga pala, Misis Lombredas. Okay na pala ang damit ng mga pang-abay. Heto na ang mga giveaways, ang mga invitations ay naipamigay na. Okay na rin ang reception and even na catering, ang food kami na bahala mag-finalize." Sabi sa kanya ni Sam.
"Yes! Ikaw at ang groom na lang ang kulang. Hay, the wedding of the year. Nakakaloka ang love story n'yong dalawa." Sabi naman ni Marisse.
"Eh ganon talaga, kapag talagang tinamaan ni kupido ang puso mo. Kahit anong oras gugustuhin mong magpakasal." Nakangiting sagot niya. "Eh ikaw, Marisse? Kailan ang kasal n'yo ni Kevin?" tanong naman niya dito.
"Ay Girl, in three months. After ng kasal namin, pupunta agad kami sa Seoul for our honeymoon. Grabe, naiinggit nga ako sa'yo eh. Ikaw five days na lang ang hihintayin mo. Ako medyo matagal pa." Kinikilig pang sagot nito.
"Don't worry, darating din 'yan." sabi pa niya.
Nag-usap pa sila ng ilang sandali bago nagpaalam ang dalawa. Nang maiwan siyang mag-isa, minabuti niyang simulan ang pagluluto ng pang-hapunan. Alas sais na ng gabi pagsulyap niya sa suot niyang relo. Tamang tama, kapag natapos niya ang pagluluto. Eksakto naman nang oras ng pagdating nito.
Sa loob ng dalawang buwan ng pamumuhay niya bilang maybahay ni Gogoy. Wala siyang maipintas. Wala siyang maireklamo. Every minute with her husband is such a wonderful memory that she will treasure for the rest of her life. Noong makilala niya ito, tinuruan siya nito kung paano magmahal. Nang mahalin siya nito, tinuruan siya nito kung paano mangarap kasama ito. Nang magpakasal silang dalawa, tinuruan siya nito na ipagkatiwala dito ang buhay niya, ang kanyang puso. At sa bawat araw na nagdaraan, mas lalo niya itong minamahal. At sa araw araw na iyon, kahit na mag-asawa na sila, patuloy pa rin ito sa panunuyo sa kanya na tila ba nanliligaw ito.
Naputol ang pag-iisip niya nang mag-ring ang cellphone niya. Agad niyang sinagot iyon ng makitang ang asawa niya ang tumatawag.
"Hello," bungad niya dito.
"Hi hon, anong ginagawa mo?" tanong pa nito.
"Magluluto ng dinner. Pauwi ka na ba?" tanong din niya.
BINABASA MO ANG
Car Wash Boys Series 12: John Michael Lombredas
RomanceI'm not an expert in talking about matters of the heart, all I know right now is I'm in love with you. Do I still need to explain that? Or will I just kiss you to prove it? Teaser: Isang simpleng tindera sa tiangge si Ged. Ang pangarap niya ay yuma...