NAPAHINTO si Ged sa pagkain ng marinig niya ang bulungan ng ilang mga estudyante doon sa loob ng canteen sa school nila. Nagkatinginan sila ng mga kaibigan at kaklase niya.
"Siya yun di ba? Yung nililigawan ni Sir Jake?" anang isa.
"Oo, siya nga. At balita ko mataas daw ang grade niya sa subject ni Sir," Sabi naman ng isa.
"If I know, sila nang dalawa ni Sir Jake. Magtataka ka pa ba doon, ikaw na kabaliwan ng professor mo. Siyempre, sasamantalahin ko na 'yon."
Nakuyom niya ang isang palad niya. Anong karapatan ng mga itong pag-tsismisan siya?
"Ano kayang pinag-aaralan nilang dalawa kapag wala silang kasama?" tanong ng isa sabay tawa ng mga ito.
Nang hindi na siya nakatiis ay bigla siyang tumayo, akma niyang susugurin ang mga ito. Nang dumating ang secretary ng Dean's office.
"Miss Marcelo, pinapatawag ka ng Dean."
Wala siyang nagawa kung hindi ang iwan ang mga tsismosang iyon at sumunod dito. Pagdating doon, gaya ng inaasahan. Kinuwestiyon nito ang kumakalat na tsismis sa kanila ng Professor nila. Pinaliwanag niyang mabuti ang totoo. Pero dahil sa mga narinig, tuluyan nang nasira ang araw niya. Hindi biro ang mga narinig niya. Daig pa niya ang mababang uri ng babae sa mga pinagsasabi ng mga ito tungkol sa kanya. Kaya nagdesisyon na lang siyang umuwi at lumiban sa last subject niya.
Napahinto siya sa paglalakad ng makasalubong niya si Jake. Salubong ang kilay na nilapitan niya ito. "Ngayon lang ako makikiusap sa'yo. Kung talagang ginagalang mo ako bilang estudyante mo, gagawin mo ang gusto ko. Pinatawag na ako sa Dean's Office ngayon lang."
"Ged."
"Please lang, tigilan mo na ang panliligaw sa akin. Kaya ako pumasok dito ay para makapagtapos ako ng pag-aaral. Gusto ko ng tahimik na buhay. Hindi ko na matiis na pinagtsi-tsismisan ako ng mga estudyante dito at nagsasalita ng hindi maganda tungkol sa akin," galit na sabi niya dito.
"I'm sorry."
Hindi na siya nagsalita pa, basta na lang niya ito iniwan. Minabuti niyang dumiretso ng uwi, isang subject na lang naman ang kulang niya para sa araw na iyon at minor lang. Kakausapin na lang niya ang professor niya doon bukas at magpapaliwanag. Agad siyang pumara ng dumaan na taxi.
Dahil wala naman siyang mapupuntahan na iba. Nagdesisyon siyang dumiretso ng MCI. Wala man doon si Gogoy, naroon naman sigurado si Marisse, ito na lang ang kakausapin niya. Pagdating niya ng MCI. Bumungad sa kanya ang malawak na showroom. Nagningning ang mga mata niya sa magagarang kotse na display sa loob niyon.
"Wow," usal niya.
"Uy Ged, anong ginagawa mo dito?"
Napalingon siya. Nakita niya si Marvin na nasa bandang Reception Area at kausap ang ilang mga tauhan nito.
"Wala lang, maaga akong umalis sa school," sagot niya.
Napatingin ito sa suot nitong wrist watch. "Bakit naman?" tanong nito.
Napabuntong-hininga siya. "I need to leave. May hindi magandang nangyari sa school kanina kaya hindi ko na tinapos ang last subject ko."
Tumango ito. "Sige, hindi na ako mag-uusisa. I'll leave it to you. Si Gogoy, nandoon sa opisina niya," sabi nito.
"Sige, salamat."
"By the way, how's your driving lesson?" pahabol na tanong nito.
BINABASA MO ANG
Car Wash Boys Series 12: John Michael Lombredas
RomanceI'm not an expert in talking about matters of the heart, all I know right now is I'm in love with you. Do I still need to explain that? Or will I just kiss you to prove it? Teaser: Isang simpleng tindera sa tiangge si Ged. Ang pangarap niya ay yuma...