MABILIS na pinasok sa loob ng emergency room ang walang malay na katawan ni Ged. Ayon sa mga Rescue Team, mahina na ang tibok ng puso nito. Sinabihan na rin si Gogoy ng mga ito na ihanda ang sarili dahil fifty fifty ang tsansa nitong makaligtas.
Ayon na rin sa mga ito, may malaking sugat sa ulo si Ged na siyang dahilan kung bakit nagdurugo at marahil unconscious ito. Ayon naman sa unang imbestigasyon ng mga pulis, possible daw na tumalon si Ged mula sa loob ng kotse palabas kaya gumulong ito pababa hanggang sa dulong bahagi ng bangin at tumama ang ulo nito sa isang malaking bato na natagpuan malapit kung saan niya ito nakita. Puno rin ng sugat ang pasa ang dalawang braso at hita nito bukod pa sa mukha.
"Sir, hindi po kayo pwedeng lumapit. Kami na po ang bahala sa pasyente." Pigil sa kanya ng nurse.
Puno ng pag-aalala at takot ang dibdib niya habang pinapanood niya kung paano nililigtas ng mga doctor ang buhay ng kanyang asawa. Muli na naman umagos ang mga luha niya. Namalayan na lang niyang nasa tabi niya sina Kevin at Miguel. Hindi nagtagal, dumating na rin ang iba pa niyang mga pinsan maging si Lolo Badong. Ngunit wala sa mga ito ang atensiyon kung hindi nasa asawa niya na ngayon ay nag-aagaw buhay.
"Doc, bumababa ang blood pressure niya!" malakas na sabi ng isang nurse sa doctor.
"Humihina na rin ang pulse rate niya!" sabi naman ng isang nurse.
"Do the CPR!" mabilis na utos nito.
Sa bawat segundo ang lumilipas, sa bawat bilang ng Doktor. Daig pa niya ang naghihintay ng habang buhay.
Napapikit siya, kasabay ng pagbagsak ng kanyang luha. "Lord, please." Piping dalangin at pakiusap pa niya habang walang patid ang pagpatak ng mga luha niya. Ngunit daig pa niya ang binuhusan ng malamig na tubig nang marinig niya ang mahabang tunog ng life support machine na nakakabit kay Ged.
Bigla ay nakaramdam siya ng panghihina kaya nawalan siya ng balanse at muntik ng matumba, pero agad naman siyang naalalayan ng mga pinsan niya. Nagkatinginan ang mga nurses at Doktor. Nakita pa niya nang umiling ang Doktor.
"Time of death, one thirty in the morning," deklara nito.
Sunod-sunod na umiling siya, saka nagmamadaling nilapitan ito.
"No! Hindi pwede!" mariin niyang tanggi.
"I'm sorry, Sir. Ginawa na po namin ang lahat." Hinging paumanhin nito.
"Hindi! Hindi n'yo ginawa ang lahat! Dahil kung ginawa n'yo ng mabuti ang trabaho n'yo hindi magiging ganito ang resulta!" galit na sigaw niya sa mga ito. Saka mabilis na nilapitan ang asawa niya.
Tinapik niya ng malakas at sunod sunod ang pisngi ng asawa niya. "Ged! Wake up! Ged! Hindi ka puwedeng mawala sa buhay ko!" umiiyak na wika niya dito.
"Please, wake up. Please. Binigyan ako ng pagkakataon ng Diyos na maitama ang mali ko nang matagpuan kita ulit. Just at least give me a chance," sabi pa niya sa pagitan ng pag-iyak.
"Nurse, assist me." Sabad ni Glenn sa usapan.
Napalingon siya sa pinsan niya. Habang ang mga nurses at Doktor sa ospital na iyon ay nagkatinginan naman.
"Sir, I..."
"I said assist me!" galit na sigaw ni Glenn sa mga ito.
Napapitlag pa ang mga nurses sa gulat. Nilapitan siya nito. "Pinsan, I cannot promise you anything. I'll do the best I can to revive her. Kailangan mo lang maniwala at manampalataya." Sabi pa nito.
BINABASA MO ANG
Car Wash Boys Series 12: John Michael Lombredas
RomanceI'm not an expert in talking about matters of the heart, all I know right now is I'm in love with you. Do I still need to explain that? Or will I just kiss you to prove it? Teaser: Isang simpleng tindera sa tiangge si Ged. Ang pangarap niya ay yuma...