CHAPTER FIFTEEN

4.8K 114 20
                                    

          MARIIN tinapakan ni Gogoy ang silinyador para maabutan niya ang kotse ni Ged. Ngunit mabilis talaga ang takbo ng kotse nito. Matapos nitong maaksidenteng mapakinggan ang pag-uusap nilang magpipinsan, galit na galit ito na kinompronta siya. Pilit niyang pinaliwanag dito ang lahat, sa kabila ng pakiusap niya. Hindi na ito naniwala sa mga paliwanag niya. She hates him a lot. Kaya niyang tanggapin ang galit nito, ngunit hindi niya kayang tanggapin na iiwan siya nito. He loves her too much, that he cannot let her go.

Ito na marahil ang isa sa kabayaran ng ginawa niya. Alam niya hindi basta mawawala ang galit nito sa kanya, pero handa niyang gawin ang lahat para lang mapatawad siya nito. Hindi niya hahayaang mawala ang kanyang asawa. He promised himself he will get her back. Alam niya babalik ito, dahil gaya niya, mahal din siya nito. At handa niyang panghawakan ang pagmamahal nila sa isa't isa.

Matapos ng matinding pagtatalo nila. Tumatakbong umalis ito ng kuwarto niya at lumabas ng hotel. Nang mahimasmasan siya, agad niyang sinundan ito. Sa parking lot niya ito naabutan, pero nang makita siya nito. Agad na itong sumakay at saka mabilis na pinaandar ang kotse. Dahil madilim na at alam niyang hindi pa ito professional driver, sinundan niya ito. Nakita niyang nakahinto ang sasakyan nito na siyang ikinatuwa niya. Akma siyang bababa at lalapitan sana ito ngunit muli nitong pinatakbo ang kotse nito. At ngayon makalipas ang mahigit tatlumpung minuto, hindi pa rin ito humihinto ulit. Hindi sigurado si Gogoy kung saan balak pumunta ni Ged. Pero kahit saan man ito pumunta, susundan niya ito. Mahal niya ang kanyang asawa, at hindi siya mabubuhay ng wala ito.

"Pare, papuntang Quezon na 'to." Sabi pa ni Kevin na kasama niya sa loob ng kotse. Pilit itong sumama kanina ng pati ito ay habulin din si Ged.

"Alam ko, pero kailangan ko siyang sundan." Aniya.

Sinubukan ni Gogoy na i-dial ang cellphone number nito, ngunit hindi nito iyon sinasagot. "Damn! She's not answering her phone! Mamamatay na ako sa pag-aalala sa kanya." Naiiyak na sabi niya.

"Calm down pare," pag-aalo pa nito sa kanya.

"Baka kung anong mangyari sa kanya, Kevin. Madilim na ang daan at bangin pa ang kabilang gilid ng kalsada." Sabi pa niya.

"Wait, I'll try to call her." Anito.

Kinuha nito ang cellphone nito at tinawagan si Ged. Habang nagmamaneho, walang patid ang pagdadasal niya na ilayo sa kapahamakan ang kanyang asawa. Delikado ang lugar na iyon. Sa kabilang side ng kalsada ay matarik na bangin. Nababalot ng takot ang puso ni Gogoy. At sa pagkakataon na iyon, wala siyang gustong sisihin kung hindi ang sarili. At hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama dito.

"Hello, Ged!" natatarantang wika ni Kevin.

Agad niyang inagaw ang cellphone nito. "Ged! Stop the car! Let's talk. Let's settle this. Please, I'm begging you. Delikado na dito." pakiusap pa niya.

Imbes na sumagot, isang nakakabinging tili ang narinig niya sa kabilang linya.

"Ged?!" sigaw niya. "Anong nangyayari?!"

"Pare, yung kotse ni Ged." Sabi pa ni Kevin.

Nanlaki ang mga mata niya, kasabay ng pag-ahon ng pinaghalong kaba at takot nang makita niyang nagpagewang-gewang ang kotse nito.

"Ged!" sigaw niyang muli.

"Mahal na mahal kita, Gogoy! Mahal na mahal kita!" narinig niyang sigaw nito.

"No no no! hon! No! Tell me, anong nangyayari? Ged!" puno ng takot na sigaw niya. "Just stop the car, for God's sake!"

Ngunit hindi na ito nakapagsalita pa, bagkus ay isang malakas na tili ang narinig niya. Ganoon na lang ang sigaw niya kasabay ng pagbitiw niya sa cellphone ni Kevin nang makita niyang nalaglag sa bangin ang kotse ni Ged.

Car Wash Boys Series 12: John Michael LombredasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon