CHAPTER EIGHTEEN

5.1K 111 14
                                    

BUTIL BUTIL ang pawis nang biglang bumalikwas ng bangon si Ged. Habol ang hininga na tinakpan niya ng kumot ang katawan niya. Isa na naman panaginip ang gumising sa kanya, pero sa pagkakataon na iyon tila isang bangungot at hindi lang basta panaginip.

Natutop niya ang noo saka pilit na inalala ang napanaginipan niya. Nasa isang magarang silid siya habang nakikipagtalo kay Gogoy. Hindi malinaw sa kanya ang pinagtatalunan nila, nakita pa niyang umiiyak siya. Pagkatapos, may pinirmahan siyang papel at tumakbo pa siya palabas ng silid. Ang mga sumunod na nangyari hindi na niya maalala. Ano ang pinagtatalunan nila? Bakit hanggang ngayon ay tila nararamdaman pa rin niya ang bigat sa dibdib niya na hindi naman malinaw sa kanya ang dahilan?

"Ged isipin mong mabuti kung sino ka!" umiiyak na wika niya.

Dalawang linggo mahigit na ang lumipas simula ng dumating siya doon sa Tanangco. Ayon sa mga pinsan ni Gogoy at mga kaibigan daw niya. Bago daw ang aksidente ay doon na siya sa lugar na iyon nakatira. Kinuwento ng mga ito ang dahilan kung bakit siya napadpad doon. Ang tungkol sa negosyo ng pumanaw na Lolo niya, ang kayamanan na iniwan nito. Ang ibang mga impormasyon na kinuwento nila ay naalala niya, pero halos kalahati sa mga ito ay hindi niya maalala.

"Hanggang kailan ba ako magiging ganito? Gusto ko ng maalala lahat. Panginoon, tulungan po Ninyo ako. Wala pong ibang makakatulong sa akin kung hindi kayo." Dalangin pa niya.

"Ged? Are you okay?" tanong ng bagong dating na si Gogoy.

Napalingon siya dito. Nakatayo ito sa pintuan at nakatingin sa kanya, hindi siya sigurado kung gaano katagal na ito doon. Agad itong lumapit sa kanya na puno ng pag-aalala ang mukha.

"Nanaginip na naman ako," aniya.

"What is it?" tanong nito, habang pinupunasan nito ng luha ang pisngi niya.

"Nakita kita sa panaginip ko, tayong dalawa. Nagtatalo daw tayo, tapos may pinirmahan akong papel pagkatapos tumakbo ako palabas ng kuwarto. Pero hindi ko na alam kung anong sumunod na nangyari. Hindi ko maalala." Umiiyak na pagkuwento niya dito.

"Nangyari ba talaga ang napanaginipan ko? Bakit tayo nag-away?" magkasunod na tanong niya.

Naging mailap ang mga mata nito, saka pilit na ngumiti sa kanya. Sa halip ay hinaplos lang siya nito sa noo saka inalalayan siya sa paghiga. "Saka na natin pag-usapan 'yan. Don't stress yourself. Baka makasama pa sa'yo 'yan imbes na gumaling ka." Sabi nito.

Hindi na siya tumanggi pa. "May itatanong ako," aniya.

"Sure, ano 'yon?"

"Sinabi mong patay na ang mga magulang ko. May picture ba sila? Gusto ko silang makita." Tanong niya.

Tumango ito. "Sige, kukunin ko lang." anito.

Tumayo ito at lumapit sa isang drawer doon sa kwarto, saka may kinuha doon. Nang bumalik ito sa kama ay saka inabot nito sa kanya ang isang picture. Tinitigan niyang mabuti iyon, agad na umagos ulit ang mga luha niya nang unti-unti ay bumalik sa kanya ang alaala ng mga magulang niya. Napangiti siya. Nang nabubuhay pa ang mga ito at tahimik silang naninirahan sa Batangas. Naalala na rin niya ng mamatay ang mga ito dahil sa lumubog na RORO noong papunta ang mga ito sa Mindoro.

"Why? Did you remember something?" tanong agad ni Gogoy.

Tumango siya. "Naalala ko na sila. Lahat ng mga nangyari bago sila mamatay." Lumuluhang sagot nito. Sa sobrang tuwa niya ay napayakap siya dito.

"Konti na lang, maaalala ko na lahat. Bigyan mo pa ako ng konting panahon."

Kitang kita niya nang gumuhit ang ngiti nito sa labi na umabot sa mga mata nito.

Car Wash Boys Series 12: John Michael LombredasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon