Genesis Orphanage
6:30 a.m.---
"Hindi ka na sana nag-abala pa, hija! Alam ko namang busy ka sa kolehiyo.."
Karies Victoria smiled upon hearing the old woman's voice. Panandaliang bumalik sa kanya ang mga alaala niya noong mga panahong umiikot lang ang mundo niya sa paglalaro sa playgrounds at panonood ng paborito niyang cartoons sa telebisyon. It's amazing how time flies so fast that you forget the little things about your childhood.
'But those little things are nothing more but fragments,' isip-isip ng dalaga at tinapos ang nilulutong breadroll. Lumingon siya sa direksyon ni Mother Theresa at ngumiti, "Sus. Ikaw naman, ma! Okay lang po. Hindi naman kami masyadong busy ngayon..."
Lie.
Back at home, Karies still has tons of things to do. Mula nang pumasok siya sa kolehiyo, unti-unti na siyang pinapatay ng sunud-sunod na mga presentations, research papers, at iba pang mga activities para sa mga minor subjects na nagfi-feeling major.
Pinatay niya ang lumang gas stove at hinango ang iba pang breadrolls. Nang mapansin niyang nakatitig pa rin sa kanya ang madre, napabuntong-hininga siya. "Saka alam niyo naman pong na-miss ko itong bahay-ampunan. Everyone here feels like a family to me. Bihira na lang ako makabisita lately."
Inilapag ni Karies ang basket ng breadrolls sa mesa at akmang tatawagin na sana ang mga batang naglalaro sa labas nang magsalita ulit si Mother Theresa. The elder's kind and loving eyes did nothing to mask her worry. Because of this, Karies silently regrets not leaving the kitchen sooner.
Alam na niya ang sasabihin ni Mother Theresa..
"Hindi ka masaya sa pamilya mo, kaya ka narito.. tama ba ako, Kathlene?" Huminga nang malalim ang matanda at hinawakan ang kanyang kamay. 'She called me by that name again..' Hindi na namalayan ni Karies na nanginginig na pala ang kanyang mga kamay dala ng kaba.
"H-Hindi na ako si Kathlene.. my name is Karies now, and the legal documents support that."
"Pero umaakto ka pa ring si Kathlene. Maaaring nagbago na nga ang pangalan mo, anak, pero nakikita ko pa rin ang batang inalagaan ko. Ang batang takot mahiwalay sa ampunan."
Ouch.
Napalunok si Karies. Kilalang-kilala pa rin siya ni Mother Theresa. Kahit na sampung taon na ang lumipas mula nang mawalay siya sa puder nito, wala pa ring siketrong maitatago ang dalaga sa babaeng kinikilala niyang ina. Blood relation be damned.
"Anak, alam kong nahihirapan ka pa ring mag-adjust sa pamilya mo, pero kailangan mong unawain na wala namang pamilyang perpekto. No matter how painful it seems, you need to separate yourself from us in order to live your new life outside these walls."
Outside the walls of the orphanage.
Pagak na natawa si Karies at marahang binawi ang mga kamay mula sa madreng nag-alaga sa kanya. "Ma, pasensya na po pero hindi kasi madali.. Beyond these walls, reality awaits me, and that reality really sucks."
Marahan namang tumango si Mother Theresa.
"But reality is what you have to face someday, my child. Hindi ka dapat nagpapatali sa nakaraan."
'Alam ko po.' Pero imbes na sumagot, mabilis na nagpaalam si Karies para tawagin ang iba pang mga bata. Paniguradong gutom na ang mga iyon sa kakalaro. Nang makalayo na siya sa madre, huminga nang malalim ang dalaga at pinilit pakalmahin ang sarili. But the moment she closed her eyes, another memory flashed back to her.
"Kathlene!"
Pagtawag sa kanya ng isang batang lalaki habang naglalaro sila ng habulan. Agad na napahinto si Kathlene at hinarap ang kalaro. She was about to ask him what's wrong when she noticed something on his shoulders.
"A-Ano 'yan?"
Ngumiti lang ang bata na para bang balewala ito sa kanya. He pulled his sleeves down and attempted to hide the marks.
"Wala. Tara na! Baka hanapin na tayo ni mama.."
Wala nang nagawa ang batang si Karies kundi sumunod sa kanya pabalik ng bahay-ampunan. Pero hindi pa rin maalis sa isip niya ang hitsura ng mga markang nakita niya sa balat ng kalaro. Makalipas ang ilang araw, napagtanto niya kung ano ang mga ito..
Mga lapnos.
Karies cursed under her breath and stopped in her tracks. Hindi na dapat niya inaalala pa ang nakaraang iyon. Hindi na dapat niya iniisip ang taong matagal nang naglaho sa ampunang ito.
---
BINABASA MO ANG
✔ 02 | Flames Of Madness [Published Under PSICOM]
Mystery / Thriller"The crazy thing about a fire is that it devours everything..." Detective Nico Yukishito and Detective Briannova Carlos found themselves tangled up again in another case. Flames. Serial killings. Madness. An unknown killer hiding in the shadows. Wil...