Genesis Orphanage
11:45 a.m.---
Karies Victoria was just in time for lunch.Kanina pa niya gustong umalis sa mansyon na 'yon. Hanggang ngayon, mabigat pa rin ang pakiramdam niya dahil sa sinabi ng kanyang mga magulang. It's ironic how she feels this way even after they openly expressed their love and trust for her. 'If anything, it just adds up to the guilt.'
Huminga nang malalim si Karies at nilanghap ang sariwang hangin ng paligid. Malayo sa kabihasnan at polusyon ang Genesis orphanage. It was boardered by the vast forest and blessed with a vibrant green yard and a mini playground. Para kay Karies isang tahanan ang bahay-ampunan, ang kanyang sariling "safe haven".
Ngayon, umaasa siyang sana makalimutan niya nang panandalian ang bigat ng nararamdaman niya.
"Ate Karies!"
Mabilis siyang sinalubong ng mga batang naglalaro. Natawa si Karies nang halos dambahan na siya ng mga bata. Sa huli, pare-pareho silang nawalan ng balanse at napahiga sa damuhan.
'Home is where the heart is.. and I guess, my heart never left this orphanage.'
Nang dumako ang mga mata ni Karies sa terrace ng bahay-ampunan, kumunot ang noo niya nang makitang bakante ang upuan kung saan laging nakatambay ang caretaker tuwing ganitong oras.
"Nasaan si Mother Theresa?"
Tanong niya kay Jane, ang isa sa pinakamatanda sa grupo. So when the eleven-year-old gave her a worried look, alam na ni Karies na may nangyaring hindi maganda.
"Kanina pa po hindi lumalabas sa kwarto niya si mama.. magmula nang may nakuha siyang itim na bag kanina."
Pakiramdam ni Karies ay nanlamig ang kanyang buong katawan nang marinig ang tungkol sa bag. Ilang sandali pa, nanginginig na sa kaba ang kanyang mga kamay. 'Donations.. m-may donations na naman si Macky.' Pero bakit naman magkukulong si Mother Theresa sa kanyang kwarto? Kung pera at alahas o mga ivory figurine lang ulit ang laman ng bag, what could possibly bother the elder woman so much?
Not unless...
"H-Hindi.. Darn it!"
Hindi na pinansin pa ni Karies ang nagtatakang tingin ng mga bata. Agad siyang tumayo mula sa pagkakaupo niya sa damuhan at tumakbo papunta sa orphanage. Naririnig niya ang lakas ng tibok ng kanyang puso dahil sa kaba.
Nagmamadali siyang umakyat ng hagdan papunta sa ikalawang palapag ng orphanage. Nang marating na niya ang kwarto ng madre, marahan siyang kumatok sa pinto. A few moments later, Mother Theresa's voice called out.
"Pasok, anak. Nakabukas 'yan."
Huminga muna nang malalim si Karies bago pinihit ang malamig na seradura. Nang makapasok na siya sa loob, agad niyang napansin ang kulay itim na bag sa sahig. Nakabukas na ito, at nakikita na ni Karies ang tumpok ng pera roon---all in one thousand peso bills. Pero hindi iyon ang nakapagpanindig ng balahibo ni Karies, kundi ang sulat sa gilid ng kama ng madre.
"M-Ma?"
Sinubukang itago ni Mother Theresa ang sulat. The old lady even smiled and tried to wipe away her tears. It broke Karies' heart.
Alam na niya.
Halos sumabog ang puso ni Karies dala ng pagsisisi. Would things be better if she had told her sooner?
"Kathlene.. b-bakit hindi mo sinabing kay Macky galing ang nasa loob ng bag na 'yon.. yung ivory figurines? M-Matagal mo na bang alam na buhay siya?"
"...."
"Paano siya n-nabuhay? Nahanap nila ang bangkay niya noon.. b-bakit...?"
Nahihirapang magsalita ang madre. She was trying her best to remain calm, but failed miserably. Hindi na napigilan ni Karies ang kanyang emosyon. Masyado nang mabigat ang nararamdaman niya, at pakiramdam niya sasabog na ang kanyang utak sa pag-iisip. Katulad ni Mother Theresa, naguguluhan na rin siya.
'Bakit Macky? B-Bakit ka ba kasi bumalik?!'
She sat next to Mother Theresa and smiled bitterly. "Ma, p-pasensiya na po.. wala rin po akong maibibigay sa sagot sa'yo." Gustuhin man niyang hanapin si Macky, hindi niya alam kung saan magsisimula. At kung sangkot nga sa isang krimen ang kanyang kababata, hindi niya ito pwedeng i-report sa mga pulis.
For now, she just wants answers from him.
Karies so desprately wants to give him the benefit of the doubt.
Makalipas ang ilang sandali, napabuntong-hininga ang madre at binasa ulit ang sulat. "Hanggang ngayon, nababaliktad niya pa rin ang mga letra niya... H-He only does this when he's emotional or unfocused."
Sinilip ni Karies ang nakasulat doon. Nangangamusta siya kay Mother Theresa, at ibinibilin na bilhan ng mga bagong laruan ang mga bata. As charitable as it seems, but where he got this money is still suspicious. True enough, ang salitang "children" ay nagawang "nerdlihc" ni Macky.
He only does this when he loses concentration, or when he's angry. Naging mannerism na niya iyon mula noong mga bata pa sila. They had a hard time teaching him how to write normally, but sometimes, Macky still can't handle his emotions well.
He's unstable.
"Kailangan nating sabihin sa mga pulis ito.. o kaya d-doon sa babaeng detective na nagpunta rito kahapon! S-Si Detective Brian.. sandali at iniwan niya pala ang numero niya sa'ki---"
"WAG!"
Nabigla ang madre nang pigilan siya ni Karies. Napayuko naman ang dalaga, nakakuyom na ang kanyang mga kamao. Still, her whole body was trembling with the thought of telling this to the police or detectives. Huminga siya nang malalim at hinarap si Mother Theresa. Bahala na..
"M-Ma.. wag muna. H-Hindi pa natin pwedeng sabihin sa mga pulis 'to. Baka lalong mapahamak si Macky! Hayaan mo munang k-kausapin ko siya..."
"Kathlene, anak.. mali ito."
"Alam ko po," pagod na ngumiti ang dalaga. "Pero hindi na ako si Kathlene.. my name is Karies Victoria now."
And for some reason, Karies wondered if Macky changed his name too?
---
BINABASA MO ANG
✔ 02 | Flames Of Madness [Published Under PSICOM]
Tajemnica / Thriller"The crazy thing about a fire is that it devours everything..." Detective Nico Yukishito and Detective Briannova Carlos found themselves tangled up again in another case. Flames. Serial killings. Madness. An unknown killer hiding in the shadows. Wil...