CAPITULUM 60

1.2K 99 1
                                    

S U N D A Y

---

Hidalgo's residence
May 12, 2019
6:56 a.m.

It was that nightmare again.

Fourteen years ago.

Noong mga sandaling 'yon, panandaliang naging salamin ang kanyang mga mata sa apoy na patuloy lang nilalamon ang isang bahagi ng gusali. Hindi na niya marinig ang ingay ng mga taong nagkakagulo dahil sa sunog. The flames reflected in her eyes, a blazing inferno no human would wish to encounter.

Umihip ang malamig na hangin, pero hindi pa rin ito sapat para puksain ang init na hatid ng nagliliyab na apartment building sa kanyang harapan.

"B-Bakit ko ito hinayaang mangyari...?"

Nakatulala lang si Mrs. Hidalgo. Alam niyang dumadausdos pa rin ang luha sa kanyang namumutlang mga pisngi. Kahit pa nahugasan na niya ang dugong nagmantsa sa kanyang kamay, pakiramdam niya hindi na ito mawawala.

The invisible blood stains will haunt her forever.

Sa kanyang tabi, naririnig niya pa rin ang boses ng bata. Isang inosenteng boses na tuluyan nang nabasag sa paulit-ulit na pagpapaalala sa kanya. Isang malamig at nakakapangilabot na boses na bumubulong sa kanyang tainga, na para bang anumang oras ay dadakmalin na siya nito.

Hindi siya makakilos.

Ilang sandali pa, naramdaman na niyang kinakalmot na siya ng diyablo gamit ang matatalim nitong mga kuko.

'H-Hindi...wala akong kasalanan.'

Naging dugo ang kanyang mga luha...

"Crying won't bring them back. HAHAHAHAHAHA!"

Napabalikwas ng bangon si Mrs. Hidalgo nang umalingangaw sa katahimikan ng kanilang bahay ang tunog ng doorbell.  Hinihingal niyang sinilip ang orasan. 'Sino naman ang bibisita ng ganito kaaga?' Huminga nang malalim ang ginang at pinakalma ang sarili.

"Palagi na naman akong binabangungot."

Isang masamang pangitain ito.

Ang akala ng lahat ng tao, matatapang at walang kinatatakutan ang mga kagaya niyang pulis. Ilang taon na siyang nasa serbisyo, at naranasan na ng ginang ang iba't ibang klase ng mga panganib---mula sa mga terorista, serial killers, rallies, at marami pang iba. Pero sa kabila nito, hindi pa rin siya manhid sa takot.. katulad ng ordinaryong mamamayan, natatakot pa rin siyang mamatay at madamay ang kanyang pamilya sa anumang kaso. Strip her off her gun and uniform and she's as vulnerable as any other human being.

Even the bravest police officers are not immune to fear.

She stood up and grabbed a robe from her cabinet. Siya lang mag-isa ngayon. Nasanay na rin siyang abala palagi ang kanyang mga anak sa kani-kanilang mga trabaho. Both Dante and Terrence are dedicated boys. Nang marinig na naman niya ang tunog ng doorbell, agad siyang bumaba ng hagdan at nagtungo sa pinto. Naguguluhan niyang binuksan ang lock, sapat lang para masilip niya kung sino ang bisita niya..

Lalong naguluhan si Mrs. Hidalgo nang makita sina Rizee at Detective Nico Yukishito. They both wore a dead serious expression.

Lalong kinabahan ang ginang.

"Mrs. Hidalgo, we need to talk to you."

---

✔ 02 | Flames Of Madness [Published Under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon