CAPITULUM 37

1.3K 108 1
                                    

Dead.

Parang nabingi si Nico nang maiproseso na nito ang impormasyong isiniwalat sa kanya ni Inspector Ortega. Sa kanyang tabi, mabilis na tinawagan ng hepe ang ibang mga pulis mobile at ibinalita sa kanila ang insidente.

Hindi na inintindi ni Nico ang sumunod na mga pangyayari. The inspector's voice became muffled sounds as he kept staring at the direction of the hospital were Dr. Dela Vega stayed.

'This doesn't make sense...'

Bakit wala pa ang Robinhood Arsonist?

Ilang sandali pa, namalayan na lang ng binata ang pag-alis ng tatlo sa mga police vehicle na kasama nila. Their sirens blared down the busy streets of Eastwood, attracting more attention than necessary. 'They're all damn crazy! Malalaman ng arsonist na nandito kami.' he gritted his treeth in frustration.

"Geez. Why not create a banner, chief? Para mas malaman ni Robinhood Arsonist ang plano nating ambush."

Napasimangot ang hepe, "This is an emergency, Detective Yukishito. Nagkakagulo na sa marketplace at kailangang malaman ng mga tao na paparating na doon ang Eastwood police para rumesponde."

"Our priority is to catch the arsonist. How the fuck can we do that if you're exposing ourselves to the criminal?! Ano pang saysay ng ambush na 'to?"

"Prioridad natin ang huliin ang arsonist nang hindi naisasakripisyo ang kaligtasan ng mga taga-Eastwood. Kung hindi mo pa napapansin, detective, malaki na ang naisusugal natin sa 'ambush' na ito!"

Nauubusan na ng pasensya si Detective Nico. 'Damn this!' Inis siyang sumandal sa backrest ng passenger's seat at pinilit pakalmahin ang sarili.

Lumipas ang ilang oras ng paghihintay, wala pa ring nangyayari. Paminsan-minsang nakakatanggap ng text message si Inspector Ortega mula kay Dr. Dela Vega para i-update ang mga ito sa kalagayan niya. He didn't mention anything or anyone suspicious. Napapansin ni Nico na naiinip na rin ang mga kasama nilang pulis.

Kanina pa naisugod dito sa ospital ang mga nasugatan sa nangyaring suicide bombing.

Nico's conscience is slowly devouring him, and with every passing second, they were all getting anxious...

11:15 p.m.

Makalipas ang ilang oras ng katahimikan, napabuntong-hininga na lang si Chief Inspector Ortega. Napapailing na lang siya, at halata ang pagkadismaya sa kanyang ekspresyon nang balingan niya si Detective Nico.

"Papabalikin ko na sa presinto ang mga pulis namin. If you need a ride home, I'll send someone in a few minutes."

Nico hopelessly stared at him. 'Seryoso ba sila?! It isn't even midnight yet!'

"Chief, paano kung---"

"Detective Yukishito, masyado nang maraming oras ang nasayang namin sa paghihintay dito. Masyado nang maraming naapektuhan sa kasong ito, at wala na akong planong isugal ang buhay ng iba." Inspector Ortega said with finality. And with that, Nico knew he was dismissing him.

Mahinang napamura si Nico at mabilis na lumabas ng sasakyan. All the stress is finally catching up to him, giving him a fucking migraine.

"DAMN SHERLOCK!"

Dala ng inis, nasuntok ng binata ang hood ng isang kalapit na police vehicle. Nabigla ang mga pulis na nakasakay sa loob nito, pero isinawalang-bahala na ni Nico ang kanilang reaksyon. His eyes narrowed at the hospital, searching for any signs of the arsonist..

Nothing.

The migraine was getting worse. Bumabalik sa kanya ang lahat ng impormasyong natutunan niya sa kaso. Facts and figures were scrambling inside his head, pounding against his temples. Napadaing sa sakit ng ulo si Nico. Mukhang nakikipaglaro talaga sa kanila ang arsonist.

✔ 02 | Flames Of Madness [Published Under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon