CAPITULUM 16

1.5K 125 4
                                    

San Andres residence
9:30 p.m.
  
---

Attorney Lelouch San Andres kicked off his expensive leather shoes and almost dragged himself to the living room. Nang masilip niya ang wallclock sa sala, agad siyang napabuntong-hininga at naupo sa sopa. 'Sasha must be asleep by now.. unless she went to another party.'

Unlike him, his younger sister, Sasha San Andres, is a partygoer. Naging suki na ng mga bar at nightclubs sa Eastwood ang dalaga kahit pa may trabaho ito sa araw. Sa katunayan, sa isang detective agency nagtatrabaho si Sasha. And that same detective agency is the so-called "territory" of one of the most insensitive persons he had the bad luck of meeting. Yup, Sasha is an employee at DEATH where the infamous Detective Yukishito works.

'Hindi pa rin ako makapaniwalang natatagalan ni Nova ang ugali ng isang 'yon.'

Sumagi na naman sa isip niya ang dating kasintahan.

"Detective Briannova Carlos."

Napasandal na lang sa sopa si Atty. Lelouch at ipinikit ang mga mata. Naaalala na naman niya ang pagkikita nila ng dalaga. A few months ago, he came back from New York to resume his job here as a district attorney. Nag-krus ulit ang mga landas nila ni Nova nang madawit siya sa iniimbestigahan nilang kaso. Damn, pinaghinalaan pa siyang isang serial killer!

Pagak na natawa ang binatang abogado at niluwagan ang kanyang necktie.

'Even after all this time, she's still feisty and attractive.'

She's still his Nova.

"Sir Lelouch, nandiyan na po pala kayo. Nagugutom ka ba? Teka, at iinit ko muna 'yong ulam," pagtawag ng kanilang katulong mula sa kabilang bahagi ng silid. Mabait na ngumiti si Lelouch at umiling bago pa man siya dumiretso sa kusina. "Hindi na po, manang. Magpapahinga na rin ako. You should rest too. Mukhang hindi yata maganda pakiramdam mo?"

Ngumiti ang matandang kasambahay. "Salamat, hijo. Naku, trangkaso lang 'to."

"Take a day-off tomorrow. Mas mainam na magkapagpahinga na muna kayo nang maayos. 'Wag kayong mag-alala, hindi namin ito ibabawas sa sahod niyo. If you need anything, just tell me. May binili rin akong gamot noong nakaraang linggo. They're in the cabinet."

The elderly woman smiled. "Naku, hijo! Napakabait mo talagang bata ka... Ang swerte ni Miss Brian sa'yo!"

Natigilan si Lelouch. Naging saksi nga rin pala ng love story nila ni Nova itong si manang. 'Pero lagi yata niyang nakakalimutang naghiwalay na kami.' He laughed awkwardly, "Swerte rin naman ako sa kanya. Nga pala, nandiyan na ba si Sasha? O nasa layasan na naman?"

Gustuhin man niyang tutukan ang kapatid niyang gala (dahil kung ano-anong eskandalo ang nangyayari kapag nalalasing si Sasha), Lelouch is having a hard time managing his time. Sa nakalipas na buwan, dumami ang tambak niyang trabaho. 'Tsk! Mahirap pagsabayin ang pagiging kuya sa pagiging abogado.'

But soon, he was relieved when the old maid answered, "Natutulog na siya sa kwarto niya, sir."

Nakahinga siya nang maluwag.

"Salamat, manang."

"Ay! Sir, nakalimutan ko pala.. may nag-iwan kasi ng envelop sa mailbox. Hindi nakalagay kung kanino galing, pero nakasulat sa labas nito ang pangalan mo." Mabilis na kinuha ni manang ang isang kulay brown na envelope at iniabot ito kay Atty. Lelouch. Matapos 'non, nagpaalam na itong babalik na sa kanyang kwarto para makapagpahinga.

Napasimangot si Lelouch. His sharp eyes stared at the unexpected mail.

'Is this another client requesting for my service?'

Only one way to find out.

Maingat niyang binuksan ang envelop at sinilip ang laman nito. Kumunot ang kanyang noo nang mapansing puro mga pictures ang naroon. Lelouch scattered the photos on the coffee table and studied them. None of it makes sense.

'It looks like someone is messing with me.'

Huminga na lang siya nang malalim at ibinalik ang mga picture sa envelope. He left it on the coffee table and stood up to prepare for bed. Nang umakyat siya ng hagdan, sumalubong sa kanya ang alagang boa constrictor. The attorney smirked and carried the reptile on his broad shoulders. "Missed me, Brianette?"

It hissed in reply.

Which reminds him of something else he needs to do.

Mukhang kailangan na niyang ayusin ang kanyang schedule para bukas.

---

✔ 02 | Flames Of Madness [Published Under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon