DEATH's headquarters
9:00 p.m.---
Sa gabi, mistulang isang sementeryo ang unang palapag ng gusali. Ilang minuto pa lang ang lumilipas mula nang umuwi ang huling empleyado pero agad inangkin ng katahimikan ang paligid. Walang anumang tunog, maliban na lang sa paminsan-minsang pagtama ng hangin sa malalaking bintana.
Even the hands of the clock hanging in the far right corner of the room made no sound.
The file cabinets laid motionlessly on one side with the water dispenser that had been refilled earlier this afternoon. Sa ilang mga mesa, nagkalat ang mga kagamitan at papeles na ipinagpabukas na lang ng mga may-ari nito. But of course, the CEO wouldn't be pleased with this. Kung bakit mahilig pahirapan ni Xavier Alcantara ang kanyang "nasasakupan", ay mananatiling isang misteryo sa ahensya.
Ilang sandali pa, umalunig sa mga pasilyo ang mahihinang yabag ng mga sapatos.
He paced down the hallway, anxious to get to his desk. Paminsan-minsan siyang sumusulyap sa kanyang likuran, kinakabahang mahuli siya ng guwardiyang naka-duty sa may entrada ng gusali. He has already taken the risk of breaking in here unseen. Now, he's expertly avoiding the CCTV cameras; a skill he learned from his trainings and seminars.
He wore a black hooded jacket and concealed himself in the shadows.
'Imposibleng may makahuli pa sa'kin.'
Nang marating na niya ang kanyang lamesa, agad niyang kinalkal ang mga folder na organisadong nakapatong sa ibabaw nito. He made the liberty to give them labels so that it would be more convenient for him during "desparate" situations.
Situations, such as this one.
'Nasaan na ba 'yon?'
Huminga siya nang malalim at inis na inisa-isa ang mga folder. Bakit parang wala na rito ang hinahanap niya? Siguradong iniwan niya lang dito! Mahinang napamura ang lalaki. Sa bawat minutong lumilipas, lalo siyang natatakot na baka may makahalata sa kanya...
"Looking for this?"
The lights flickered open.
Panandaliang nasilaw ang lalaki sa liwanag. Hinintay niya munang makapag-adjust ang kaniyang mga mata. 'Damn! Sino bang...' nang makita niya ang detective na nakasandal sa may pinto, nanlamig ang kanyang buong katawan sa pinaghalong takot at kaba. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang hawak na folder ng detective.
Ang mga dokumentong kanina niya pa hinahanap.
'Shit.'
Detective Nico Yukishito's eyes sharpened at him. His glare alone can intimidate any human being. Naglaho ang ngiti nito. Ilang sandali pa, naglakad na ito papalapit sa kanya.
"Wag mo na subukang tumakas, Dan. Alam na namin ang lahat..."
Hindi na namalayan ni Dan na nanginginig na pala ang mga kamay niya sa kaba. Sinubukan niyang humakbang papalayo, pero agad siyang natuod sa kanyang kinatatayuan nang marinig ang pagkasa ng isang baril sa kanyang likuran. Sa gilid ng kanyang mga mata, nakita niya si District Officer Rizee Mariano.
He's screwed!
Pagak na natawa si Dan at sinubukang ngumiti.
"Y-Yuki, hindi ko alam ang sinasabi mo.. ano bang ginagawa niyo rito?"
Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng detective. Walang-imik siyang pumunta sa office table ni Dante Hidalgo at binuksan ang isang drawer. Kalmadong kinuha ni Nico ang isang lapis doon at inangat ito para makita niya. As expected, it was a pencil manufactured by Victorian Pencil Inc.
"Want a bet that lab analysis will prove traces of gasoline on this pencil?" Panghahamon ni Nico sa kapwa empleyado.
Tumalim ang mga mata ni Dan. Naikuyom niya ang kanyang mga kamao sa galit. 'How could I be so fucking careless?' Napabuntong-hininga na lang siya at pagak na natawa sa detective.
"You never fail to amaze us, Yuki.. that's why I idolize you so much."
Maya-maya pa, dumating na sina Inspector Ortega at ang iba pang mga pulis. "Good job, Detective Yukishito." Mahinang sabi ng hepe na tumapik pa sa kanyang balikat. Sa kabilang bahagi ng silid, pasimple namang nakaantabay ang ilang mamamahayag sa pangyayaring ito.
This will surely be a spicy news story.
---
BINABASA MO ANG
✔ 02 | Flames Of Madness [Published Under PSICOM]
غموض / إثارة"The crazy thing about a fire is that it devours everything..." Detective Nico Yukishito and Detective Briannova Carlos found themselves tangled up again in another case. Flames. Serial killings. Madness. An unknown killer hiding in the shadows. Wil...