CAPITULUM 12

1.6K 128 0
                                    

Eastwood
8:35 p.m.

---

Hindi inaalis ni District Officer Rizee Mariano ang kanyang mga mata sa kalsada. She wasn't expecting an overtime at the insurance company. Kung bakit pa siya ginawang manager doon ng magaling niyang ama kahit pa alam nitong abala ang babae sa mga kasong hinahawakan niya, she still doesn't know. Of course, she has a hunch. 'He's probably doing this to train me. Hanggang ngayon talaga hindi pa rin siya sumusuko. Tsk!'

Napabuntong-hininga na lang si Rizee.

This reminded her of the time she first told her father that she wanted to pursue policework and take risks for it. Katulad ng inaasahan, nagalit si Romualdo Mariano sa kanyang anak. He even told her to see a psychiatrist.

"Ano bang pumasok sa isip mo, Rizee? May kompanya kang mamanahin! You could at least be responsible enough to set aside that stupid fantasy of yours and manage our family business!"

It's been years, pero hanggang ngayon, naririnig pa rin ni Rizee ang boses ng ama sa kanyang isipan. In fact, she can still hear the disappointment in his voice. And it still hurts, even if she tried so hard to push it away. Dahil ang masakit na katotohanan ay palagi siyang magiging "disappointment" sa mga mata ng kanyang sarili ama.

Sometimes she wonders if things would change if her mother were still alive.

Namatay ang ina ni Rizee sa colon cancer, sa araw mismo ng kanyang elementary graduation. Magmula noon, naramdaman na niyang nagkaroon ng lamat sa relasyon nilang mag-ama. Her mother had always been the glue in their little family.

And Rizee realized that the moment she disappeared, everything in her life just fell apart.

'But there's no use in crying over spilled milk now.'

Ibinalik na lang niya ang atensyon niya sa kalsada. It was a good thing there are enough streetlights to make the road visible. Kung normal na babae lang siguro siya, malamang nagpasundo pa si Rizee sa boyfriend niya. Pero nang alukin siya kanina ni Terrence, agad niya itong tinanggihan. She wanted to go home by herself. Ayaw na niyang mang-abala pa ng mga tao kung kaya na rin naman niyang gawin mag-isa.

"Buti na lang talaga at naiintindihan 'yon ng boyfriend ko."

They've argue about Rizee's 'independence' before, but she managed to assure him everytime that she can go home by herself. Hindi kagaya ng ibang mga babae, hindi siya nagpapahatid-sundo kay Terrence kahit pa palagi siyang inaalok nito.

"Pero sana pala inaya ko na lang siyang kumain sa labas. Damn, I'm starving." Kumalam ang sikmura ng babae. Naaalala na naman niyang wala pa siyang halos kinakain magmula nang magsimula ang imbestigasyon nila sa nangyaring arson sa Eastwood Heights.

She checked the time on her phone and sighed.

"Magpapa-deliver na lang ako ng Chinese food."

The cold night breeze swept through her short hair with blue highlights. Nanindig ang kanyang balahibo sa lamig ng hanging nagmumula sa nakabukas niyang bintana. The car run at a steady speed as she enjoyed the drive. Madilim na, pero may mangilan-ngilang nakatambay pa rin sa labas. Sa katunayan, may mga bata pang naglalaro sa gilid ng kalsada. Napuno ang paligid ng kanilang mga tawanan.

Lihim na napangiti si Rizee.

Just the thought of protecting these kids is enough to justify her choice of profession.

Huminga ulit siya nang malalim, pero sa pagkakataong ito, may kakaiba nang amoy ang hangin. Tumalim ang mga mata ni Rizee at humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Alam niya ang amoy nito, at alam niyang hindi niya ito dapat balewalain.

"Smoke."

At sa di-kalayuan, napansin niya ang pinanggagalingan nito. 'Nasusunog ang Kingstone Industries?' Rizee cursed under her breath and drove faster.

So much for Chinese food.

*

Kingstone Industries
8:50 p.m.

---

Agad niyang ipinarada ang sasakyan at nagmamadaling lumabas rito. Her eyes narrowed at the giant flames devouring the place. The deadly cloud of dark smoke rose up in the air like an impending storm. The smell of burning wood and plastic was enough to make her cringe.

Wala pa ang mga bumbero.

Mahina siyang napamura at nilapitan ang mga residente sa lugar na mukhang natataranta na rin. May ilan sa kanilang sinusubukang patayin ang apoy gamit ang mga timbang naglalaman ng tubig. Agad na pinigilan ni Rizee ang mga residente. "Stay back! Hindi 'yan tatalab, lalo na sa ganitong klase ng sunog!" Mabilis niyang binalingan ang isang ale, "Tumawag na ba kayo sa fire department?"

Nanghihina itong tumango.

"May na-trap ba sa loob?"

Nagkatinginan ang ilang mga residente. Mabilis na umilimg ang ale, "ang alam ko nagsasara ng alas-siyete ang opisina ni Mr. Kingstone, kaya't paniguradong wala nang empleyadong naiwan sa loob."

Nakahinga nang maluwag si Rizee. Atleast she wouldn't be dealing with another "murder masked as arson" case. Mukhang sa pagkakataong ito, isang normal na arson lang ang nangyari sa lugar.

Kailangan na lang nilang maghintay.

Ibinalik ni Rizee ang mga mata sa nasusunog na gusali. Kahit pa gumamit ng ilang timba ng tubig ang mga residente doon, hindi ito akma sa nasusunog na mga metal. Bukod doon masyadong malaki na ang apoy. Water doesn't always help in these kind of situations.

One common misconception is that water is always effective in extinguishing fires---but in reality, it's not. Hindi laging mabisa ang paggamit ng tubig para sa lahat ng klase ng apoy. Kaya nga't may halong kemikal sa mga fire extinguishers at sa likido mismong ginagamit ng mga bumbero tuwing may sunog.

To kill a fire, you must cut off its oxygen supply.

Ito ang rason kung bakit ang mga fire extinguisher ay gumagamit ng mga kemikal kagaya ng potassium bicarbonate, sodium bicarbonate, at monoammonium phosphate sa pag-apula ng mga sunog. Mas mabisa ang mga ito para tanggalin ang oxygen supply ng apoy, extinguishing it faster.

The sound of car tires stopping made her jolt.

Mabilis na nilingon ni Rizee ang dumating, umaasang maagap na ang Eastwood Fire Department. Pero agad rin siyang nadismaya at naguluhan nang makita niya ulit ang dalawang detectives na nakasalubong niya kanina sa nasunog na Jones mansyon. Rizee has read enough magazine articles and tabloids to figure out who these two are.

'The so-called greatest detectives in Eastwood.'

"What in the name of Sherlock, Nova? Can't you see?! The arsonist probably burned another businessman's body!"

"N-Nababaliw ka na ba?! I am not going near that building! Kung gusto mong magpakamatay, 'wag mo na akong idamay, you airheaded emo!"

Kumunot ang noo ng district officer nang makitang nag-aaway na naman sila. She sighed, and forced a smile as she approached them. 'Okay, maybe they're not so great afterall?'

---

✔ 02 | Flames Of Madness [Published Under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon