CAPITULUM 43

1.3K 96 4
                                    

Aguirre Mansion
11:15 p.m.

---

Nahihirapan pang ipinasok ng doktor ang susi sa pinto. Doctor Aguirre tried to blink away his dizziness. Pero kahit ano yatang gawin niya, hindi na mawawala ang hilong nararamdaman niya sa susunod pang mga oras. Itutulog na lang niya ito at magbabaka-sakaling hindi siya magkakaroon ng malalang hang-over kinabukasan.

'Who am I kidding? Siguradong magkakahang-over ako bukas. Baka nga ma-late pa ako ng punta sa ospital.'

Napapailing na lang ang lalaki. Pinagsisisihan na yata niya ang pag-ubos ng dalawang bote ng scotch kanina. In this drunken condition, he was pretty sure he's gonna have a hard time getting out of bed tomorrow.

Nang tuluyan na niyang nabuksan ang pinto, mabilis siyang pumasok sa loob at kinapa-kapa ang lightswitch sa gilid ng pader. The darkness of his living room startled him and made him a bit uncomfortable. Pero hindi pa man niya  napipindot ang switch, hindi na nakayanan ng sikmura ng doktor at sinukahan na niya ang mamahaling carpet na binili pa sa Germany ng kanyang yumaong ina.

"Gah... T- Tangina.."

The smell of vomit filled his nostrils. His mouth tasted like stomach acid, liquor, and a tad bit of consummé. Nandidiri siyang isipin na tuluyan na niyang naisuka ang kakarampot na laman ng kanyang tiyan.

Yup, now he definitely regrets drinking too much scotch.

Nahihirapan niyang ibinalanse ang sarili sa pagtayo. 'Sa sobrang kalasingan ko na yata, hindi ko na mahanap ang lightswitch ng sarili kong bahay.' Isinantabi na lang niya ang guni-guning parang may naririnig pa siyang humihinga sa tabi niya. He was drunk, it was nothing...

Click!

The lights poured over the living room like how that skinny bartender poured in another glass of alcohol. Bago pa man makakilos si Dr. Aguirre para pumunta sa banyo, doon niya napagtantong hindi guni-guni ang naririnig niyang paghinga kanina.

Someone was inside his house.

Standing beside him.

"About time you arrived, doc."

Bulong ng malalim na boses sa kanyang gilid. Naririnig niya ang pagbabanta at panganib sa tono nito. Nanindig ang balahibo ng doktor sa presensiya ng estranghero. At parang nawala ang epekto ng alak sa kanyang katawan nang makita ang hawak niyang martilyo. "S-Sino k---?!"

Hindi na niya natapos ang sasabihin.

The hammer smashed into his skull.

Tuluyan nang bumagsak sa sahig ang katawan ni Dr. Aguirre. Lalong nanlabo ang kanyang paningin habang iniinda ang natamong sugat. The injury was enough to make him vulnerable to this devil. He can vaguely feel the warm blood covering his skin---his own blood. 'Paano siya nakapasok dito?' Nanghihina niyang isip.

Pero habang pinipilit niyang labanan ang kadilimang lumalamon sa kamalayan niya, naramdaman ni Dr. Aguirre ang pagkaladkad sa kanya ng binata papunta sa banyo. Nagmantsa ang kanyang dugo sa mamahaling carpet, but he doesn't give a damn about it anymore.

Right then, the smell of gasoline grew stronger.

*

The Robinhood Arsonit smirked as he effortlessly dragged him across the floor and into the bathroom. Habang tumatagal, lalong dumadanak ang dugo sa sahig. 'Oh, that won't do. Where's the fun if he dies too soon?'

"May ilang minuto pa bago ka mawalan ng sapat na dugo na pwede mong ikamatay, doc. Tama ba ako?"

Hindi sumagot ang doktor na malapit nang mawalan ng malay. Umaagos pa rin ang kanyang dugo sa sugat nito sa ulo. His blood stuck on his hair, leaving a sticky mess. Nakamulat pa rin ang mga mata ni Dr. Aguirre pero ramdam niya ang panghihina nito. Hindi niya alam kung masyado lang ba siyang lasing o masyadong napalakas ang pagkakapokpok niya ng martilyo sa ulo nito.

'That doesn't matter anymore.'

"Subukan mong sumigaw at baka gilitan kita ng leeg."

He brought out a cutter from his pocket. Walang-ganang pinaghihiwa ng arsonist ang mga braso at binti ng matanda. Napapangiwi sa sakit ang doktor. The blade of the cutter buried deeper into the skin until crimsone liquid oozed out of the wounds. Nang matapos ang arsonist sa paghihiwa ng balat, kapansin-pansin ang panginginig ng katawan ng doktor.

"Marumi ka na, doc. Gusto mong maligo?" He grinned like a demon.

Ilang sandali pa, walang kahirap-hirap niyang ibinalibag ang katawan ng doktor sa bathtub nitong puno ng gasolina. At hindi na napigilan ni Dr. Aguirre ang kanyang pagsigaw sa sakit nang dumampi ang gasolina sa mga hiwang bahagi ng kanyang balat. He howled in pain and as the gasoline mixed with blood.

Lalong nairita si Robinhood Arsonist.

"SHUT THE FUCK UP!"

Mabilis at marahas na hinawakan ng arsonist ang ulo ng doktor bago ito pinilit ilubog sa gasolina. Lalong nagkulay pula ang tubig dahil sa paghalo ng dugo mula sa kanyang nabasag na bungo. His whole body submerged in the gasoline, bleeding from all the cuts. Nanghihinang pumapalag pa noong una ang doktor na ikinabasa ng damit ng arsonist. Malakas itong napamura.

Soon, Dr. Aguirre went still.

The Robinhood Arsonist smirked.

Makalipas ang ilang minuto, hinila na niya ang bangkay ng doktor pabalik sa sala.

"You'll thank me for this, doc. Masayang masunog. Sayang nga lang at hindi ikaw ang maswerteng susunugin ko nang buhay sa gagawin kong impyerno."

Inihanda niya ang lubid na nakatali sa railings ng ikalawang palapag. Maingat niyang itinali sa leeg ng bangkay ang kabilang dulo nito. He ran to the second floor and pulled the other end of the rope until Dr. Aguirre's body hung in the air.

Nakabigting bangkay.

After he fastened the other end of the rope, the arsonist scowled at the gasoline stain on his clothes. Mabuti na lang  nakapaglibot at nakapagnakaw na siya kanina bago pa man umuwi si Dr. Aguirre. Mabilis siyang nagpunta sa silid ng doktor at naghanap ng pwedeng maisuot. He changed clothes and left his stained ones inside the room. Masusunog rin naman ang buong bahay, might as well leave it here. It will turn to ashes soon anyway.

Nang makabalik na siya sa unang palapag, kinuha niya ang dala-dalang kahon ng posporo. Some arsonists like lighters, but the Robinhood Arsonist preferred starting his fires with matchsticks. Hindi niya alam kung bakit, pero nakakawili ang tunog ng pagkiskis ng posporo sa gilid ng kahon nito. It reminds him of the first time he used matchsticks to burn a living creature.

Soon, the flames caught Dr. Aguirre's body.

Agad na nagliyab ang katawan ng doktor na ikinalawak ng ngiti ng Robinhood Arsonist. Nanuyo ang kanyang lalamunan nang malanghap ang nasusunog nitong balat. The embers danced in his dark and empty eyes. His arousal getting more visible, his pants suddenly felt tight. It was euphoria to see a human body burn.

Better than any drug in this fucking world.

"Say hi to Satan for me, doc. HAHAHAHAHA!"

Pero wala pa ring papantay sa sayang naramdaman niya nang sinimulan niya ang sunog sa apartment ng criminal na si Mr. Cabrera, labing-apat na taon na ang nakararaan.

Since then, he became untouchable.

'Too late again, detectives.'

He took his jacket from the couch, pulled the hood over his head and made his exit. Sayang. Alam niyang hindi magtatagal at magiging abo na rin ang mararangya nitong mga haligi. Sasapitin rin ng gusaling ito ang kaparehong kapalaran ng mansyon ni Mr. Jones at ng Kingstone Industy office.

Outside, the arsonist carefully grabbed a handerchief and left two objects on the soil next to some tulips. Ang isa ay maliit na bibliya, habang ang isa naman ay ang susunod nilang "clue" para sa susunod niyang biktima.

Nang dumako ang mga mata ni Robinhood Arsonist sa kanyang kanan braso, mahina siyang napamura nang maalalang nasira nga pala ang kanyang wristwatch.

'Little sacrifices,' he reminded himself and left the crime scene.

---

✔ 02 | Flames Of Madness [Published Under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon