Eastwood
10:34 p.m.---
Detective Nico Yukishito couldn't sleep. Huminga siya nang malalim at tumitig sa kisame. He was lying on his bed---well, partially. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin niya inaalis ang tambak ng mga libro niya sa kama kaya kalahati lang nito ang nahihigaan niya. Nico always found it relaxing to sleep next to his assortment of criminal history books and Sherlock Holmes collection.
Sa ibaba ng kanyang kama, mahimbing nang natutulog ang kanyang alagang golden retriever na pinangalanan niyang "Goldilocks". The dog slept soundly on her little mattress with three bears imprinted on it. Si Nico mismo ang pumili ng design nito noong nakaraang buwan, just because he found it funny.
Goldilocks and the three bears. Get it?
Dumako ang mga mata ng detective sa wallclock na malapit nang matabunan ng agiw. "Damn Sherlock! Mukhang hindi rin ako makakatulog." The adrenaline is still in his blood. The excitement of solving this case is driving him crazy. Huli siyang nakaramdam nang ganito noong panahong in-assign sa kanila ang Heartless Killer case.
'Robinhood Arsonist.'
But unlike before, they don't have a suspect yet.
Wala silang ideya sa pagkakakilanlan ng arsonist slash serial killer. Mukhang pinagplanuhan rin nito ang mga krimeng ginawa niya, pero hindi maisip ni Nico kung anong posibleng motibo ng kriminal. He feels that there's something more than just stealing their money and jewelries.
"Arson" ang tawag sa krimen ng sadyang pagsunog sa anumang establisiemento nang may masamang intensyon. "Arsonist" naman ang tawag sa mga taong gumagawa nito.
This reminded Nico of a case he read in one of these books.
Ang kriminal na si John Orr, na kilala rin bilang ang "Pillow Pyro". He was said to have caused over 2,000 fires in America, and killed four people in the process in 1984. Bukod dito, inabot ng milyun-milyong dolyar ang halaga ng mga ari-ariang nawasak ng mga apoy na nilikha niya. He is one of the most notable arsonist in history.
As from what Nico read, John "Pillow Pyro" Orr wanted to be a police officer for the Los Angeles Police Department, pero hindi siya nakaabot sa cut-off. Dahil dito, naging arson investigator na lang siya para sa isang fire department. Nakakatuwang isipin na hinahangaan siya ng mga tao dahil palaging siya ang unang rumeresponde tuwing may sunog at lagi niyang alam kung saan nagsimula ang apoy..
Lingid sa kaalaman ng mga pulis, si John Orr mismo ang nasa likod ng mga sunog na ito.
"There's a missing piece in this puzzle, and the Robinhood Arsonist wants us to figure it out." Sumasakit na naman ang ulo ni Nico tuwing maaalala ang number clues na iniwan ni RA. He closed his eyes and visualized the code again in his head.
-1 -1 0 0 8 -1 4 -1
Then again, there's something funny with the handwriting. He made a mental note on that. Pero ano ang ibig sabihin nito?
'Pangalan ng mga negosyante o pangalan ng kanilang mga kompanya?'
Naaalala ni Nico ang kaso ni Mr. Jones kaninang umaga. He was murdered using a mallet that was manufactured by Kingstone Industries. Kanina naman, ang may-ari nitong si Mr. Kingstone ang sinunod ng Robinhood Arsonist. And then, there's that syringe..
Nanlaki ang mga mata ni Nico.
Mabilis siyang tumayo sa kanyang kama at kamuntikan nang matisod sa mga plato at sapatos na nagkalat sa magulo niyang apartment. He tried to tiptoe over to his favorite blue couch and opened his laptop.
Kailangan niyang malaman kung sino ang nag-manufacture ng brand ng syringe na iyon.
If the pattern is correct, then they might just save another businessman from being devoured by the flames.
---
BINABASA MO ANG
✔ 02 | Flames Of Madness [Published Under PSICOM]
Mystery / Thriller"The crazy thing about a fire is that it devours everything..." Detective Nico Yukishito and Detective Briannova Carlos found themselves tangled up again in another case. Flames. Serial killings. Madness. An unknown killer hiding in the shadows. Wil...