CAPITULUM 21

1.5K 120 10
                                    

SHADOW headquarters
Eastwood
7:29 a.m.

---

"Good morning, Brian! You look...um.."

Hindi na naituloy ni Olympia ang sasabihin niya. She doesn't need to. The look on the elder woman's face is enough to let Nova know that she looks like a mess. Nakalimutan na rin niyang magsuklay kaninang umaga bago siya umalis ng bahay. Humikab siya't naupo sa kanyang swivel chair.

Kinuha niya ang compact disc mula sa kanyang handbag at sinilip ang repleksyon.

'Gosh! Para akong nag-aadik!'

Those black circles under her eyes and pale complexion can give anyone the impression that she's a ghost! Napabuntong-hininga ang dalaga at sinimulan nang maglagay ng make-up. Mahinang natawa si Olympia at naupo sa katapat niyang silya. Across the table, she placed a folder on Nova's table.

"Our experts are already working on the DNA analysis. Matatagalan dahil inaabot talaga ng 24 hours hanggang 72 hours ang resulta nito, pero mukhang maliit daw ang posibilidad natin na makakuha ng anumang DNA mula sa killer." Mahinang sabi ni Olympia.

Napatigil sa paglalagay ng lipstick si Nova at ibinaling ang atensyon sa senior consultant ng kompanya nila. "And how is that? Hindi pa naman lumalabas ang DNA results ah."

May mantsa ng dugo ang sirang wrist watch na 'yon. Kung nasira nga 'yon habang nanlalaban si Mr. Kingstone sa arsonist, baka-sakaling nasugatan nito ang Robinhood Arsonist at dugo niya ang nagmantsa doon. Kung dugo nga ni RA ang nasa relo, makakakuha sila ng DNA sample at maite-trace kung sino ang identity nito.

It would be a case closed in no time!

But the sorry look in the elder woman's eyes told her that it's not gonna be that easy...

Napabuntong-hininga si Olympia. "Yung dugong nagmantsa doon sa strap ng sirang wrist watch, nakumpirma naming posibleng dugo lang 'yon ng biktima. Pina-check namin kanina kung ano ang blood type nito, at nakumpirma namin na type AB+ ang dugong 'yon---kapareho ng bloodtype ni Mr. Kingstone."

At kung dugo lang pala 'yon ni Mr. Kingstone, useless rin ang gagawin nilang DNA analysis dahil hindi rin nila matutunton ang killer.

Kung wala silang nakuhang blood sample ni RA---wala silang makukuhang DNA nito para malaman kung sino ang Robinhood Arsonist.

Nova felt helpless. 'Dead end na naman kaya ito?'

Alam niyang ang blood-typing ay inaabot lang ng 20 to 30 minutes. Blood type AB+ si Mr. Kingstone base sa nakuha nilang medical history nito na ipinadala ng HELP sa kanila kanina. At kung blood type AB+ rin ang nasa relo, malaki ang posibilidad na sa kanya lang pala 'yon. Bibihira lang kasi ang ganoong blood type sa mga Pilipino. In fact, the most common blood type in the Philippines is type O. Ang pinaka-"rare" naman na bloodtype ay 'yong mga type AB.

"Pero paano kung blood type AB+ rin si Robinhood Arsonist? May tyansang sa kanya pa rin ang dugo sa wristwatch na 'yon. Baka nagkataon lang na pareho sila ng blood type."

"Brian..."

"Ipa-DNA analysis pa rin natin," huminga nang malalim ang detective at determinadong nagsalita, "Alam kong maliit lang ang tyansang magkapareho sila ng blood type, lalo na dahil 'rare' ang type AB, but we still have to try. Kapag lumabas na ang analysis after two days at nakalagay sa resulta nito na DNA lang ni Mr. Kingstone ang naroon, that's when we give up."

'We can't give up. Sa ngayon, ito lang ang posibleng ebidensiyang makakapagturo sa identity ni Robinhood Arsonist.'

Bumalik na naman sa memorya ni Nova ang nangyaring sunog. Kinilabutan siya at nanginginig na kukunin ulit ang lipstick nang ipatong ni Olympia ang kanyang kamay sa kanya. Her motherly hands rested ontop of her trembling ones, a reassuring and concern gesture.

Ngayon lang napansin ni Nova na nanginginig na pala siya dahil sa alaala.

"Okay ka na?"

"O-Oo naman."

"I know watching that fire last night at Kingstone Industries unnerved you more than you want to admit, Brian. Nagiging emosyunal ka ngayon dahil sa pagbabalik ng mga alala mo, but don't forget to calm down and breathe. You're a detective, and your choices might either save lives or end them." Nag-aalalang sabi ni Olympia habang nangiti sa kanya.

Detective Briannova Carlos nodded. Bakit ba tuwing masama ang mood niya o tuwing bumabalik ang trauma niya, Olympia knows what to say to calm her down? Hindi madaling maging detective. Minsan, may mga kaso at mga alaalang mas gugustuhin mo na lang kalimutan. One of the most horrific cases she'd experienced is the Heartless Killer case. Hindi man ipinapahalata ni Nova, pero halos masuka na siya tuwing makikita noon ang bangkay ng mga biktima. HK killed his female victims and took out their hearts. At kamuntikan pa silang patayin nito at pasabugin ang building ng kompanya nila Nico!

Yup. Being a detective offers excitement and adventure---pero kalakip nito ang mga bangungot at masasamang karanasan.

All throughout her days of being a detective, Olympia was always there for her. Dati rin itong special agent kaya nauunawaan niya ang pinagdadaanan ni Nova. 'Parang pangalawang ina ko na talaga si Oympia,' Nova thought.

"Thank you, Olympia.. teka! P-Paano mo pala nalaman na nandoon ako kagabi noong nasusunog ang Kingstone Industries?"

Detective Briannova Carlos furrowed her eyebrows. Hindi niya talaga matandaang sinabi niya sa senior consultant nila na naroon siya sa crime scene!

But Olympia just shrugged, "I figured it out, Detective Brian. Hindi mo ba alam na viral na sa Facebook ang video mo?"

"V-Video?"

Okay, she's really confused now! Ano bang video ang sinasabi ni Olympia?

"Try to open your account. I'm sure you can find it in your newsfeed. Kawawa naman 'yong sinigawan mong bumbero. Hahaha!"

Ilang sandali pa, mabilis na ini-log in ni Nova ang kanyang social media account. When she scrolled down her newsfeed, agad na nakita ni Nova ang viral na amateur video. It was a little blurry, but she can see the outline of herself (mahirap kasing itangging si Nova 'yon dahil sa kulay ng buhok) and Rizee's boyfriend.

Click.

Play.

"T- Talaga?! S-Sandali lang po, sasabihin ko sa leader nami--!"

"SAVE HIM OR ELSE I'LL SAVE HIM MYSELF! ANG BABAGAL NIYONG KUMILOS! GOSH!"

Napanganga na lang si Nova. 'Okay, I know that was bitchy of me, but I have a valid reason!' Nang nag-scroll siya sa comment area, nabasa niya ang sandamakmak na opinyon ng mga "bashers" tungkol sa kanya. Some comments highlighted that she's a bitch and that she should show respect for the poor firefighter.

One comment caught her attention:

Asal ba yan ng "second best detective" ng Eastwood? Nakakawala ng respeto sa SHADOW. Sana naman tinuruan nila ng magandang asal ang mga empleyado nila...tsk!

Mukhang dumarami na ang haters ni Nova. After reading enough negativities, she sighed and closed her laptop. Naiumpog na lang ni Nova ang kanyang noo sa mesa. 'Gosh! Sumasakit na nga ang ulo ko dahil sa Robinhood Arsonist case, tapos dadagdag pa ang mga bashers ko sa social media?'

Nag-aalalang nakatingin sa kanya si Olympia. "Gusto mong kuhanan kita ng tsaa? Tea always helps you calm down."

Nova mumbled a "yes, please" nang hindi pa rin iniaangat ang kanyang ulo.

Naramdaman na niya ang pag-alis ni Olympia.

Ilang sandali pa, naamoy na niya ang tsaa. She heard the tea cup being placed on her table. Marahang ngumiti si Nova at nag-angat ng ulo. "Hey, Olympia! Sana hindi mo nakalimutan ang paborito ko. It's---"

"Earl Grey Tea."

Nova's smile instantly disappeared upon hearing his voice. Dahil nakatayo na sa kanyang harapan ngayon ang ex-boyfriend niyang si Atty. Lelouch San Andres.

---

✔ 02 | Flames Of Madness [Published Under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon