CAPITULUM 17

1.5K 125 0
                                    

Ye Hua Chinese Resto
Eastwood China town
9:45 p.m.

---

"So, you found another number code?"

Tumango si Detective Nico at inubos muna ang wanton noodles bago ibinalik ang atensyon sa hepe. Chinese food wasn't really his type, but after his near-death experience in that fire, he instantly felt hungry. Mas magiging kumpleto sana ang gabi niya kung may kape ulit. "Mukhang may gustong sabihin sa atin ang Robinhood Arsonist, chief. And if my deduction is correct, then these numbers might be a clue to his next victim."

Kinuha ni Nico ang isang tissue paper sa mesa at isinulat dito ang mga numero. Sumasakit na naman ang ulo niya dahil sa dami ng impormasyong kailangan niyang iproseso. He placed the tissue paper on the table.

Three pairs of eyes silently studied the numbers.

"Considering that he leaves clues like that after he burns someone, may posibilidad na ang pangalan ng susunod niyang biktima ang naka-encode diyan." Mahinang sabi ni District Officer Rizee Mariano habang tinititigan ang mga numero.

Sa kanyang tabi, marahang napailing si Detective Nova, "Kung pangalan o initials nila ang nakalagay diyan, it still won't make sense. If you'd ask me, maybe that's the name of the company of their next target businessman. Kung titingnan natin ang pattern, puro mayayamang negosyante ang pinupuntirya ni RA. He's stealing their money and valuable jewelries, pero hindi natin alam kung saan niya ito dinadala."

"Hindi pa natin sigurado kung may nawala ba talaga roon. Paano mo naman nasabing nagnakaw na naman siya sa opisina ni Mr. Kingstone?"

Namuo ang tensyon sa pagitan ng dalawang babae.

Nico sighed. 'Damn Sherlock! This is exactly why I don't like the female species.' Hindi talaga niya maiintindihan kung bakit pa sila nagtatalo kung iisa lang naman ang patutunguhan ng imbestigasyong ito.

Makalipas ang ilang sandali, ngumisi si Nova kay Rizee.

"Instincts."

At namayani ulit ang katahimikan sa loob ng sikat na Chinese restaurant. The soft glow coming from the paper lanterns provided enough light to see the blue-eyed officer's bored expression. Maging si Inspector Placido Ortega ay nanahimik na rin at itinuon ang atensyon sa cellphone.

'As much as I hate to admit this, but she's right,' isip-isip ni Nico at binalikan sa kanyang mga alaala ang hitsura ng opisina kanina. Kahit pa nilalamon ng apoy ang gusali, napansin ni Nico ang kawalan ng mga display sa mga estante at mesa ng CEO. The drawers were open and papers were scattered on the floor as if someone discarded them while rummaging through its contents.

Malakas ang kutob ni Nico na ninakawan nga ang negosyante.

Ilang sandali pa, napabuntong-hininga si Inspector Ortega at inilapag ang cellphone sa mesa. "Naapula na nila ang sunog at nahanap na rin ang bangkay ni Mr. Kingstone. The firefighters couldn't find his wallet or the ivory figurines on his shelf."

"Ivory figurines, huh? Interesting." Nico smirked.

Tumango naman ang inspector, "Mr. Kingstone is known to collect imported ivory figurines. Pero gawa ang mga ito sa elephant tusks kaya mahigpit nang ipinagbabawal ang pagbebenta ng mga ito. Hinala ng HELP na iligal na binibili ni Mr. Kingstone ang mga figurines sa black market."

"Looks like our victim is a sly little devil. It's a shame the arsonist already killed him before your petty police officers had the chance to do an investigation." Sumadal sa kanyang upuan si Nico at pinaglaruan ang mga chopsticks. He always hated the Eastwood police. They couldn't even solve a simple robbery case even if the whole town depended on it! Tapos palagi pa nilang ibinibida sa media na marami na silang naresolbang kaso.'They're all crazy.'

Napasimangot na lang ang hepe. Hindi na lang ito nagkumento sa pang-aasar ng binata.

"Sinabi mo kanina na may nahanap kang mga interesanteng bagay sa crime scene, Detective Yukishito. Mind to share?" Inspector Ortega challenged.

Nabaling ulit sa kanya ang atensyon nilang tatlo. Huminga nang malalim si Nico at kinuha ang syringe mula sa panloob na bulsa kanyang jacket. Tinanggal niya ang nakabalot na panyo at ipinakita sa inspector, "I found this syringe on Mr. Kingstone's neck. Mukhang ginamitan muna ng pampatulog ang biktima bago siya nito patayin at sunugin ang kanyang bangkay."

Katulad ng kaso ni Mr. Jones, patay na rin si Mr. Kingstone bago pa man magsimula ang sunog. His head was smashed and a pool of blood was on the floor. From experience, Nico can already draw a conclusion. Walang sinumang nabubuhay pagkatapos mawalan ng ganoon karaming dugo sa katawan.

Sunod namang kinuha ni Nico ang bagay na nahanap niya sa sulok ng opisina.

Nova's eyes widened. "Sirang wrist watch?"

"Relo ito ng Robinhood Arsonist. Imposibleng kay Mr. Kingstone ito dahil mukhang pipitsugin ang relo. In fact, it looks like a poor imitation product that you can easily buy at a cheap price on the streets. Base sa nabasag nitong face at sa dugong nagmansta sa strap nito, nasira ito kanina nang pinatay ng arsonist ang negosyante. Mukhang nanlaban pa si Mr. Kingstone hanggang sa huling hininga niya. How shitty dramatic!"

The pink-haired detective nodded and used another tissue to wrap the wrist watch. "I'll see if lab analysis can trace any DNA. Idadaan ko mamaya sa DNA experts namin sa SHADOW. The sooner we catch the Robinhood Arsonist, the better."

"I'll help scout the area and see if there are any witnesses."

Nico averted his eyes to the district officer. Having one tag-along is troublesome enough, tapos dadagdag pa ang babaeng ito? "At ano naman ang kinalaman mo sa imbestigasyong ito, Officer Mariano? Pardon me, but I don't need another annoying girl to babysit."

He ignored Nova's murderous glare.

Pagak na natawa naman ang dalaga at ngumisi kay Nico, "Watch your words, Detective Yukishito. Sakop ng distrikto ko ang nangyaring arson case kanina sa Eastood Heights, kaya't responsibilidad kong tumulong sa inyo para mahuli ang arsonist na pumatay kay Mr. Jones. The safety of the North District is my priority and I'd be glad to cooperate, even if it means dealing with detectives who clearly don't like me."

Napaiwas ng tingin si Nova na para bang natamaan rin sa sinabi ni Rizee.

Napasimangot si Nico. "And who gave you the right to mess with my---err.. our investigation?"

"Si Inspector Ortega."

Silence.

Soon, the inspector cleared his throat, "In-assign ko si Officer Mariano para makatulong sa inyo sa imbestigasyon. I promised the media a suspect by tomorrow, kaya naisip naming mas mainam kung magtutulungan tayo para mapabilis ang paglutas ng kaso."

Ah, the "media" thing again. Hindi talaga maunawaan ni Nico kung bakit mahalaga sa HELP ang public image nito. Tsk!

Napabuntong-hininga si Nico. Lalo lang yatang sasakit ang ulo niya sa mga kalokohan ng gurang na hepe ng Heraldic Eastwood Local Police Department. He's the greatest detective in Eastwood, for Sherlock's sake! Hindi na nga sila magkasundo ng partner niya, magdadagdag pa sila ng pagbigat niya sa buhay? Damn it.

Tumayo na siya at walang-emosyong naglakad papalayo.

"Uuwi ka na?"

Nico nonchalantly waved goodbye to his partner before shoving his hands back in his pockets. "Goldilocks is waiting for me. Baka magselos na ang isang 'yon."

And with that, he walked out of the Chinese restaurant and into the cold night.

---

✔ 02 | Flames Of Madness [Published Under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon