CAPITULUM 53

1.3K 100 1
                                    

["Nabalitaan namin ang nangyari kay Detective Brian. It's such a shame Mr. Y fired her from the case. Lalo na ngayon at mukhang nahihirapan sina Rizee at Detective Yukishito sa pag-profile sa arsonist."]

"Idagdag pa ang media," huminga nang malalim si Olympia at tulalang pinitas ang ilang mga dahon ng halamang nasa lamesa. She never liked this plant. In fact, she doesn't even know why she bought it in the first place. "Lalo lang nagpapanic ang mga tao sa mga ibinabalita nila. Ang nakakainis pa, some paranoid conspiracy buffs think that the Eastwood police is behind this."

["The police?"]

"Oo, insan. Iniisip nilang pakana raw nina Inspector Ortega ito para makakuha ng publicity."

Pagak na natawa ang kausap sa kabilang linya. Dahil abala sa kanilang mga trabaho, bibihira lang silang mag-usap. Pero sa ilang pagkakataong kagaya nito, Olympia had to admit, it's nice to have someone to talk to (aside from Brian, of course). Sa dami kasi ng mga krimen at kasong inilalapit sa ahensya nila, pakiramdam niya minsan masyado nang nakaangkla ang buhay niya sa SHADOW. She had been working here for nearly a decade, and Olympia still finds herself devoted to work.

"Magtiwala na lang tayo na mahuhuli rin nila ang arso..."

Hindi na nakumpleto ng ginang sasabihin nang makita niya sa hallway ang isang di-pamilyar na dalaga. Sinilip siya nito mula sa gilid ng kanyang mga mata. May dala-dala pa itong magazine at ballpen. The girl started tapping and dragging her pen on the cover of book.

Drag. Tap. Drag. Tap.

A pause.

Tap. Drag. Tap.

["Pia?"]

Mrs. Hidalgo's worried voice shifted her attention. Nang balingan niya ulit ang dalaga, naglaho na pala ito. Suddenly, the sound of other employees buzzed in her ear. Huminga nang malalim si Olympia at binitiwan ang mga dahong napitas niya. Kinuha niya ang isang envelope.

"I'll call you back, Alma. May kailangan lang akong kausapin."

The call ended.

Kasabay nito, mabilis na tumayo ang senior consultant ng SHADOW at lumabas mula sa kanyang station. Agad niyang tinahak ang isang hallway hanggang sa marating na niya ang restrooms. After she went inside, Olympia immediately locked the door.

"Fancy message, Detective Brian. CR?"

Mahinang natawa ang dalaga, tinanggal ang wig, at kumindat. "You know I wouldn't pass up a chance to use Morse Code, Olympia."

She was wearing contact lens along with her make-up disguise too, but Olympia knows better. 'May rason kung bakit siya binansagang Mistress of Disguise,' isip-isip ni Olympia. Detective Briannova Carlos' records  were amazing, considering that she's only been working for SHADOW for less than a year. Sa kanya ibinibigay noon ni Mr. Y ang ilang undercover missions at kung totoo ang mga bali-balita, pasikretong naipadala na rin sa isang kaso sa South Korea si Nova.

'Nababaliw na nga si Mr. Y para tanggalin siya sa trabaho.'

The elderly woman smiled as she handed Nova the envelope.

"Lumabas na ang resulta ng DNA analysis. Ikinumpara nila ito sa DNA ng mga magulang ni Mr. Kingstone, at nalaman nilang sa kanya lang ang dugong nasa wristwatch ng arsonist."

Nova sighed in defeat and leaned against the sink, "Damn it.. medyo inaasahan ko na nga ito. I guess it was all just wistful thinking."

Alam ni Olympia na inaasikaso pa rin ni Nova ang kaso ng Robinhood Arsonist. Hindi niya rin naman masisisi ang dalaga dahil hindi talaga makatarungan ang pagkaka-dismiss sa kanya ni Mr. Y. 'Kahit kailan naman, hindi naging makatarungan ang lalaking 'yon,' Olympia bitterly reminded herself.

Napapailing na lang si Nova. She looked frustrated and exhausted, "Gosh! Bakit ba parang walang patutunguhan ang kasong 'to?!"

Sa inis ng detective, naibalibag pa niya ang magazine at ballpen na naipatong niya sa lababo. Tinitigan ni Nova ang kanyang sarili sa salamin. Ilang minuto lang siyang nakatitig roon, tahimik na nag-iisip. Finally, she spoke in a weak voice.

"Ano pang silbi ko bilang detective?"

Panandaliang nawalan ng emosyon ang mga mata ng dalaga na agad na ikinabahala ni Olympia.

Nova's compassion is her greatest asset and liability. Sa ilang taon nang pananatili ni Olympia sa ahensyang ito, alam niyang hindi nagiging maganda ang kinahihinatnan ng mga ganito. The lost of passion. It can poison someone from inside out, twisting the hearts of even the greatest men.

'Just like what it did to the Phantom of  Criminals.'

"Don't lose hope, Brian. Mahuhuli niyo rin ang arsonist.." she managed a smile for their top detective.

Kinuha ng ginang ang isang ziplock bag mula sa bulsa ng kanyang jacket at inabot ito kay Nova. Olympia, with her motherly instincts kicking in, wrapped a hand over Nova's and reassured her.

"Hindi madaling lumaban para sa hustisya. I know that from experience. Bilang isang detective, asahan mong darating talaga ang mga pagkakataong may hindi ka masagip na buhay, may hindi ka mahuling kriminal, at may mga bangungot na hihilingin mo na lang na sana hindi nangyari. It's okay to feel vulnerable, Brian. It's part of the job. Pero palagi mong iisipin na pagkatapos mong panghinaan ng loob, kailangan mo ulit tumayo at maging matatag para sa hustisya at para sa mga taong naniniwala sa kakayahan mo."

Huminga nang malalim si Nova. She struggled to blink back the tears. "Salamat, Olympia."

'She gets too emotional at times.. it reminds me of myself back in the days,' the senior consultant mused. Ilang sandali pa, inayos na ni Nova ang kanyang wig at pinulot ang magazine at ballpen. Pero nang dumapo ang mga mata niya sa pahina kung saan nabuklat ang magazine, agad na natigilan ang detective. Olympia noticed the way Nova's eyes widened and her body went stiff as she stared at the month-old magazine she probably stole from the visitor's lounge.

"Anong problema?"

Ipinakita sa kanya ni Nova ang listahan ng apat sa pinakamayayamang negosyante sa Eastwood. A serious look on the Mistress of Diguise's face.

"Mukhang alam ko na kung paano pinipili ni RA ang mga biktima niya."

---

✔ 02 | Flames Of Madness [Published Under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon