CAPITULUM 67

1.6K 119 12
                                    

Sixteen years ago, Macky wished he can meet his parents.

Ayon sa mga kwento ni Mother Theresa sa kanya, isang linggo pa lang siya noong iniwan siya dito sa bahay-ampunan ng kanyang ama. Namatay raw sa panganganak ang kanyang ina, samantalang ang kanyang tatay naman ay "hindi kayang buhayin" ang sanggol na si Macky. Of course, Macky believed whatever she told her and at a very young age, he understood. Baka nga kapos sa pera ang kanyang ama, kaya niya piniling iwanan sa Genesis ang kanyang anak. Gustuhin mang magalit ni Macky, hindi niya ito magawa.

Inisiip na lang niyang iniwan siya dito ng kanyang tatay para sa kanyang ikabubuti.

Pero hindi pa rin niya maiwasang umasa na sana balang-araw, babalikan siya nito.

Parents don't abandon their kids, right?

"Hoy! Nakatulala ka na naman diyan."

Napalingon si Macky nang mapansing tumabi sa kanya si Kathlene. She was a couple of years younger than he is, but they were the best of friends nonetheless. That bright smile on her innocent face made his mood a little lighter. Still, the curosity was slowly killing him...

"Hindi mo ba namimiss ang tunay mong mga magulang, Kathlene?"

Kumunot ang noo ni Kathlene sa biglaang tanong nito. Maya-maya pa, umiling ito nang may malungkot na ngiti sa mga labi.

"Paano mo naman mami-miss ang mga taong hindi mo naman kilala, Macky? Hindi ko na sila iniisip. Ang mahalaga, masaya ako dito sa Genesis.."

Macky averted his eyes away from her. Ano pa bang aasahan niya? Of course, Kathlene won't understand him. Wala naman talagang nakakaunawa sa kanya. Sa pitong taon niyang pamamalagi dito sa bahay-ampunan, kahit pa subukan niyang maging kuntento sa piling ng mga kanyang mga "kapatid", kay Kathlene, at sa kanyang "mama" Theresa, hindi pa rin niya maiwasang maramdamang may kulang pa rin sa kanyang puso. Is it a sin to want to know your parents?

Oo nga pala. Kathlene was just a baby when she was found inside a trash can, kaya hindi na nakakapagtaka kung wala talagang pakialam si Kathlene sa kanyang mga magulang. Both of them are despicable. Pero sa kaso ni Macky, ramdam niyang mabuting tao ang kanyang tunay na ama.

"Nasaan si Terry?"

Kathlene smiled at the mention of his dog's name, "Nasa playgrounds. Nakikipaglaro kina Patricia.. nainip na yata kakahintay sa'yo." Mahina siyang natawa.

Dahil dito, binitiwan na ni Macky ang lapis na kanina niya pa hawak sa kanyang kaliwang kamay at bumaling sa papel sa kanyang harapan. Napangiwi siya nang makitang bali-baliktad na naman ang pagkakaayos ng mga letra. 'Mama will be disappointed in me again..' Hindi tulad ng ibang mga bata, hindi pa rin niya naaayos ang kanyang pagsulat, lalo na kapag nagiging emosyunal siya. He hated it. He hated himself. Paano siya magugustuhan ng kanyang tatay kung hindi siya maayos magsulat?

Napabuntong-hininga na lang si Macky at pinuntahan ang alagang aso.

"Arf! Arf!"

"Terry!"

Agad siyang dinambahan ng aso na naging dahilan para matumba sila sa damuhan. Mahinang natawa si Macky. If it's any consolation, his pet dog makes him feel a little less lonely. "Gusto mo bang maglakad-lakad? Alis muna tayo dito. Pero shh ka lang ha? Mapapagalitan tayo ni mama kapag nalaman niyang umalis na naman tayo ng ampunan."

"Arf! Arf!"

The wag of his tail was the only response he needed.

Noong araw na 'yon, mabilis silang pumuslit papalabas ng gate. Madalas nila itong gawin lalo na tuwing maaalala ni Macky ang kanyang ama. Atleast a walk inside the forest takes his mind off the things he doesn't want to remember.

✔ 02 | Flames Of Madness [Published Under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon