CAPITULUM 29

1.4K 113 6
                                    

Eastwood
4:00 p.m.

---

Nakakapagod maging nurse.

Isa 'yan sa mga natuklasan ni Minnesota Gervacio nang pasukin niya ang propesyong ito. After a day's work in the hospital, she always feel both physically and emotionally drained. Maya't maya niyang inaasikaso ang mga pangangailangan ng mga pasyente at ina-assist ang mga doktor.

Bukod dito, hindi niya maiwasang maawa sa mga kamag-anak ng mga pasyenteng hindi na nila maagapan ang sakit. Kanina lang ay naabutan niyang umiiyak ang mga magulang ng isang batang ilang buwan nang naka-confine sa intensive care unit (ICU) dahil sa leukemia nito. The child's body finally gave up, and they couldn't do anything but let his family mourn for another wasted life.

Times like these, Minnesota remembers her father.

Noong nagkasakit si Mr. Gervacio, halos tumira na siya sa ospital para lang mabantayan ito. Min thinks that's the reason why she is so fond of hospitals.

Kaya tuwing napapagod siya, inaalala na lang niyang ginusto niya ang pagiging nurse dahil "passion" niyang tumulong sa kanyang kapwa.

Still, breaktime is always a blessing. Lalo na ngayon na may kasama siyang kumain sa labas.

"Van, ayos lang ba talaga? Baka kasi may trabaho ka pa. O baka naman hinahanap  ka na sa inyo..." Min worriedly glanced at her old classmate.

Nagulat na lang si Minnesota kanina nang bigla itong sumulpot sa EGH at inaya siyang kumain sa kalapit na pastry shop. Hinintay pa siya nito sa visitor's lounge!

Mahinang namang natawa si Donovan Cabrera at napakamot ng ulo. "Ah, wala naman. D-Don't worry about it, Min. Kaka-out ko lang sa trabaho kanina nang maisipan kitang daanan dito." Hindi na napansin ng dalaga bahagyang pamumula ng mga pisngi nito.

Minnesota smiled sincerely.

Lihim siyang nagpapasalamat na inaya siyang kumain dito ni Donovan. Absent kasi ngayon si Feralda dahil inaya siya ni Sasha sa isang "girl's day out" or whatever they call it. Birthday daw kasi ng kaklase nito noong si Janella, kaya kailangan nilang mag-celebrate. Plus the fact that Fe wants to catch up and meet with her old buddies.

'Buti pa talaga si Fe, napaka-friendly.'

Sometimes, Minnesota envies her bestie. Hindi tulad ni Feralda Castillo, Minnesota is more of an "introvert". Mangilan-ngilan lang ang kaibigan niya at hindi talaga siya mahilig gumala o makisalamuha sa maraming tao.

Ipinapaalala na lang ni Min na maswerte pa rin siya sa mangilan-ngilang kaibigan niya.

Like Donovan.

He's really a good friend.

"Kamusta na pala 'yong trabaho mo sa Insurance Company?" She asked and took a bite of her cupcake.

Bigla namang nagbago ang ekspresyon ng binata nang banggitin ni Min ang tungkol sa kanyang trabaho. Napabuntong-hininga si Donovan. "Some old, same old. Mahirap pa rin talagang magtrabaho kung hindi ka na masaya sa ginagawa mo. Mabuti na lang talaga at busy si Ms. Rizee kaya medyo nakakahinga pa kami. Sadista talaga minsan ang manager namin na 'yon!"

"Rizee?"

"Rizee Mariano. Anak siya ng boss namin, at kung 'di ako nagkakamali, siya rin ang district officer ng north district." Napasandal na lang sa kanyang upuan si Donovan, "ang balita ko busy raw sila sa isang kaso ngayon. Kasama niya yata yung dalawang detectives."

Minnesota smiled when he mentioned 'detectives'. Malamang sina Detective Nico Yukishito at Detective Briannova Carlos ang may hawak ng kasong ito.

Malaki ang utang na loob niya sa dalawang 'yon.

During the Heartless Killer case a few months back, sinagip ni Minnesota ang kaibigan niyang si Feralda nang akmang kikidnapin na ito ng serial killer. Pero nang dahil dito, naisakrisyo ni Min ang kanyang sarili at pumalit siya sa pwesto ni Fe. As a consequence, she was almost killed by HK. He left her alone to bleed and that memory still triggered her nightmares. Kamuntikan na siyang mamatay noon kung hindi lang siya iniligtas nina Detective Nico at Detective Nova.

Napadako ang mga mata ni Minnesota sa kanyang mga braso.

Naroon pa rin ang mga peklat na dulot ng pagkakabaon ng itinaling barb wire sa kanyang pulsuan.

Permanent scars.

Huminga na lang siya nang malalim at pinilit ngumiti, "I'm sure they'll solve the case in no time! Malaki ang tiwala ko sa dalawang detectives na yun. They'll catch that arsonist and make him pay for his wrong deeds."

Hindi na umimik pa si Donovan.

Maya-maya pa, biglang tumunog ang notification tone ng cellphone ni Min. Mabilis niya itong kinuha mula sa bulsa ng kanyang puting uniporme at binasa ang text. Kalaunan, napabuntong-hininga na lang ang dalaga. She turned to him apologetically.

"Dr. Aguirre requests my assitance. Hindi raw kasi available 'yong isa naming kasama dahil masama ang pakiramdam nito. I need to go."

Donovan hesitantly nodded. "S-Sige. Ingat, Min."

Ngumiti si Minnesota at mabilis nang lumabas ng pastry shop. Halos katapat lang nito ang Eastwood General Hospital, kaya mabilis siyang makakabalik. Pero hindi pa man siya nakakailang hakbang, bigla na namang tumunog ang kanyang cellphone.

It was Feralda.

'Tapos na kaya ang girl's day out nila?'

"Hello, Fe?"

["Min.."]

Napansin ni Minnesota ang pagkabasag ng boses ng kaibigan. And she knew Feralda long enough to figure out that something's wrong..

"Anong nangyari?"

Matagal bago ito nakasagot.

["Ilang oras na kasing hindi nagpapakita sa'min si Janella, kaya pinuntahan namin siya nila Sasha sa bahay nila, kani-kanina lang.. P-Pero ang sabi ni Mrs. Consejo, k-kinidnap daw si Janella at wala pa ring lead ang mga pulis.. She was suppose to be a witness for the Robinhood Arsonist case, kaya ang kaba nila, ang killer mismo ang d-dumukot sa kanya!"]

Kamuntikan nang mabitiwan ni Min ang kanyang cellphone sa pagkabigla. Kinakabahan siyang huminga nang malalim. She attempted to comfort Fe, but she can't even mask the panic in her voice. Another serial killer is plaguing the streets of Eastwood.

'Anyone can be his next victim.'

But as Minnesota Gervacio stood in the middle of the sidewalk, she noticed a van driving away.

---

✔ 02 | Flames Of Madness [Published Under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon