CAPITULUM 24

1.5K 108 6
                                    

Consejo residence
7:45 a.m.
---

"Basta habol ka mamaya, Ja, ah?"

Ngumiti si Janella Consejo kahit na alam niyang hindi siya nakikita ng kaibigan. Dumapo ang mga mata niya sa high school picture ng batch nila. 'Ang tagal na rin pala.' Kung pwede nga lang ibalik ang mga panahong wala silang ibang inaalala kundi ang pagrereview sa quizzes at pagpapa-cute sa mga crush nila, Janella wouldn't even think twice and take off in a time machine.

She tore her eyes away from the picture and answered, "Oo, Sha. Don't worry. Male-late lang ako sandali, pero pupunta ako. Pakisabi na lang din kina Fe ha? Pasensya na. Emergency lang."

Sana lang talaga ay hindi magtagal ang interrogation na gagawin sa kanya ng mga detectives.

"Sige na.. text mo na lang ako mamaya kapag papunta ka na."

"Thanks!"

From the other end of the line, Sasha San Andres sighed in defeat. Alam ni Janella na nanghihinayang ang kaibigan, lalo na dahil siya mismo ang nagplano nitong "girl's day out" nilang magkakabarkada. And that's the sweetest thing about old friends. Minsan kahit matagal na kayong hindi nagkakausap, kapag nagkita kayo parang katulad pa rin ng dati ang samahan.

Akmang papatayin na sana ni Janella ng tawag nang biglang nagsalita si Sasha.

"Ja?"

"Oh?"

"Happy birthday. See you soon! Mwah."

Janella nodded, muttered her 'thank you' and ended the call. Napabuntong-hininga ang dalaga. Ibinulsa niya ang kanyang cellphone, at inayos ang pagkakatali ng sandals niya. Gustuhin man sana niyang kitain nang mas maaga sina Sasha, pero nagbago nang last minute ang kanyang mga plano.

Kaninang madaling araw lang, biglang may kumatok sa pinto ng kanilang bahay. Nang buksan ito ni Mr. Consejo, bumungad sa kanila ang isang babaeng pulis na may kulay asul na highlights sa buhok. The woman introduced herself as District Officer Rizee Mariano, and inquired about the fire at Kingstone Industries. Ilang metro lang ang layo ng tahanan nila sa lugar na 'yon.

"Magtatanong lang sana kami kung may napansin kayong kahina-hinalang tao noong sumiklab ang sunog kagabi? It's for an investigation."

Nang marinig ni Janella ang tungkol dito, agad siyang kinabahan. Naaalala niya agad ang nangyaring sunog kagabi. Minutes before the monstrous flames devoured the Kingstone Industry office, naglalakad pauwi si Janella galing ng trabaho. She was working as a cashier at a nearby grocery store, and it was no surprise that her shift sometimes required her to go home at night.

Bandang alas-siyete pasado na noon nang matanaw niya ang bulto ng isang lalaking nagmamadaling lumabas ng opisina ni Mr. Kingstone. Nakabukas ang gates ng pagawaan at agad niyang naamoy ang gasolina.

'Anong ginagawa niya rito? Mukha namang hindi siya empleyado.'

Isa pa, may bitbit itong kulay itim na bag. He wore his hood down to conceal his face, but Janella still saw a glimpse of it. Ilang sandali pa, sumakay sa van ang misteryosong lalaki at mabilis na nagmaneho papalayo.

Behind her, the explosion came.

At doon na nagsimula ang apoy na kamuntikan na ring lumamon sa pamayanan nilang ilang metro lang ang layo mula sa Kingstone Industries.

Overnight, Janella kept replaying the scene. Doon niya napagtantong isang arson case ang nangyari, and she was just a few feet away from the criminal!

Habang nakatingin sa district officer, nagdadalawang-isip tumestigo si Janella. 'Ano naman ang pakialam ko sa isang arson case? Maybe it's not important. Sa yaman ni Mr. Kingstone, walang kahirap-hirap niya lang itatayo ulit ang emperyo niya.'

✔ 02 | Flames Of Madness [Published Under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon