CAPITULUM 64

1.2K 110 2
                                    

"Nasisiraan ka na talaga ng bait kung inaakala mong hahayaan kitang galawin ako. I'd rather fucking die, you bastard!"

Ilang sandali pa, napabuntong-hininga na lang si Nova at marahang napailing, "Noong gabing sinigawan kita, nalaman mo kaagad na ka-partner ko si Nico, kahit pa hindi ko ito binanggit sa'yo. I should've known you've been spying on us... I should've known you were the Robinhood Arsonist... Terrence Hidalgo."

Lalong lumawak ang nakakalokong ngiti sa mga labi ni Terrence nang makitang sumiklab ang galit sa mga mata ng detective. He chuckled darkly and stood up. Nakatuon pa rin ang kanyang atensyon kay Nova.

"You've had your chance, detective. Binigyan ko kayo ng pagkakataong manalo sa laro natin, pero sinayang niyo lang. Hindi niyo nailigtas ang nauna kong mga biktima, at sapat na sa'king malaman na guguluhin kayo ng mga konsensiya niyo hanggang sa inyong huling hininga. I thought you and your arrogant partner were up for the challenge, but you just wasted my fucking time," marahang umiling ang bumbero na para bang hindi makapaniwala. "Nakakadisayamang isipin na nakasalalay sa inyo ang kaligtasan ng Eastwood..."

Mukhang nagsayang lang siya ng pagod sa mga ito. Sa ilang buwang pagtatrabaho sa Eastwood Fire Department ni Terrence, naging saksi siya sa mga trahedyang nagaganap sa bayan. Habang tumatagal, mas lalong nagiging mapanganib ang bayang ito para sa lahat---lalo na sa mga bata. Although the orphanage is somewhat "isolated" from these horrors, alam ni Terrence na hindi magtatagal at kakaharapin ng mga batang naninirahan doon ang malamig na reyalidad sa labas ng mga bakod.

Naranasan na niya ito.

'When you get out of that orphanage, you realize that the world is not a playground for the innocent.'

Kung may isang bagay mang pinagsisisihan ang Robinhood Arsonist, iyon ay ang paglabas niya sa mga gate ng kanilang orphanage noong araw na iyon. That was the day his childhood was taken away from him. Ang araw na nakilala niya ang taong iyon...

It's disturbing how a mere truth can take away his innocence, like how a thief can steal gold from a rich man's pocket.

"Hindi na natin mababago ang nakaraan. Maitatama na lang natin ang kasalukuyan.." isang mapait na ngiti ang pumunit sa labi ni Terrence bago niya binalingan ang abogado. Naikuyom na lang niya ang kanyang mga kamao at hinayaang tangayin siya ng galit at pagkasabik para marinig ang mga sigaw ng abogadong ito habang sinusunog ang kanyang laman. The flames of hell will devour Atty. Lelouch San Andres' body and Terrence will savor every second of it.

Oras na para tapusin na niya ito.

Dahan-dahan niyang nilapitan ang binata. Agad siyang sinalubong ng matatalim nitong tingin. 'I can't wait to watch his eyes pop out of his eye sockets,' the arsonist mused and brutally grabbed his feet and dragged him towards the edge of the pit.

Nang maramdaman niya ang pagpupumiglas nito, pagak na natawa si Terrence.

Sa kadiliman ng campsite at sa layo nito sa kabihasnan, walang makakarinig ng kanyang mga sigaw, walang makakakita sa krimeng magaganap, at lalong walang makikialam sa impyernong nilikha niya. They should be grateful Terrence is merciful enough to burn them alive and exert effort on this shit.

He inhaled the addicting smell of gasoline. Ilang sandali pa, kinuha na niya ang kahon ng posporo sa kanyang bulsa.

Walang buhay niyang pinagmasdan ang munting apoy na sumiklab sa hawak niyang palito ng posporo. Nakakatuwang isipin na sapat na ang maliit na apoy na ito para buksan ang lagusan ng impyerno---para tapusin ang buhay ng kinikilala nilang abogado. The flame was enough to illuminate his dark and empty eyes, giving an eerie glow to his features.

✔ 02 | Flames Of Madness [Published Under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon