15

7 1 0
                                    

"You're joking, right?"

I can't figure out if I'm supposed to be weirded out by her. Wala akong mareact sa naging sagot niya.

"Could you please, stop laughing?!"

"Why? This is so funny- you are funny!"

Feel ko ang init ng aking mukha at medyo naiinis na rin ako sa kanya.

"Problema mo?"

Kainis!

"Ops! Hey! San ka pupunta?!"

"Malayo sayo! Ayoko nalalapit sa baliw!"

"The guts, Delgado!"

Nyenyenye! Bahala sya sa buhay nya! Ano naman kayang nakakatawa sa sinabi ko? Diba dapat kinilig sya -or something, i don't know! How could she be so cruel?










"Guys! Guys! Guys! Tore! Ano ba mga bobloks!" Nanggigigil kong sigaw.

"Wag kayong farm ng farm!" Parang mananabunot na si Ellie, naramdaman ko pa ang pagsipa nito sa binti ko.

"Tangna ka Franz! Sakin yung buff!" Sama ng tingin ko kay Rica sa pagmumura nya sakin

"Gago! Wala ka ngang damage! Wala kang silbi!"

"Mga bobo! Umayos kayo buset!" Hahaha! Kala mo mabubutas na phone ni Ellie sa kakapindot kaya nakijoin na ako sa pagdef.

Matapos kong makababa ay nakitambay ako dito sa sala at nakilaro na din. Di rin naman nagtagal ay sumunod si Kara pababa hindi ko sure kung ano ginagawa nya basta alam ko pareho sila ni Nica pumasok sa kitchen.

"Mga walangya kayo! Sinasayang nyo lang star ko! Bwesit! Nakakahiya, mga bata pa nakatalo satin!?" Nanlilisik na reklamo ni Ellie

Hahaha! Di ko wari kung sadyang turiring na itong kaibigan ko o ano. Grabe makareak kala mo naibagsak isang subject!

"Laro lang yun wag ka oa!" Rica

At nagkarambulan na nga silang dalawa sa sofa. Mayamaya naririnig ko na iyong impit na tawa tas nagsisigawan naman kaya tinungo ko na lang iyong kusina at nakita ko ang dalawang dalaga na magiliw lang na nag-uusap. Ano yung kinakain nila? Curious akong napasilip.

Hmm? Ice cream pala.

Alis na sana ako kaso nahawakan ni Kara ang manggas ng damit ko.

"Nga pala Franz, tumawag sina Angel punta daw tayo sa kanila." Nakangiting saad ni Nica.

"Ha, bakit na naman daw?" Kibit lang ang kanyang balikat bago nagpaalam na sasabihan din daw nya yung dalawa.

Ano na naman kaya trip ng babaeng yun!

"Ahh.."

Nakaamba na iyong kutsara ni Kara na may ice cream sakin kaya ngumanga din ako. Wala eh, ube kasi. Iginiya niya akong maupo sa tabi nya at binigay sakin yung kutsara kaya walang imik ko lang iyon tinanggap at tinapos yung ice cream, kokonti na lang din naman. Napatayo ito pero di na ako nag-abala pa, bumalik itong hawak iyong container ng ice cream at nag scoop pa uli at naglagay sa bowl ko.

"Hmm, that's enough." Pigil ko at tumango naman ito bago isinauli ang container.

"So," Hmm? Nakahalumbaba itong nakaharap sakin. "You're coming with us, right?"

"San?" Sabay subo ulit.

Napapalantak ito na ikinangiti ko.

"Ano nga... sama ka, sasama ka o sasama kang talaga?"

Napairap ako sa kanya na ikinatawa naman ng huli.

"May choice ba talaga ako?"

"Nope. It's either you leave with us or i stay with you."

Unspoken FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon