Franz
"Franz"
"Franz..."
"Hooooyy"
Kainis! Sino ba 'tong lapastangang yumuyogyog sakin!?
Marahas ako nagbuka ng mata at nakita ko agad ang nakasalubong na kilay ni Kara. Yeah, magkatabi kami natulog kagabi -katabi nya yung mga paa ko habang ako din katabi yung sa kanya.
"Ano baaa" i groaned
Kasi naman bandang alas 2 na kami nakatulog kagabi. Tinapos talaga namin lahat! Kailangan na lang namin yun ipa credit -mamaya ipapareview ko yun kay Mommy.
"Gising na kasiii" tsaka nya hinila yung unan ko
Hayy, ambastos ng batang ito! Walang manners!
"Ayoko, gusto ko pa matulog e"
"Tsk! Sabi ng Mommy mo gisingin ka daw dahil magsisimba daw tayo!"
"Aaraaaayy"
Nakakabwesit hah!
"Alam mo -ang sama-sama mo! Ihulog ba ako" haaiish! mababaliw na ako
"Kasi naman ayaw mo pa gumising!"
"Ayan oh, dilat na dilat na nga mga mata ko!"
"Kasi hinulog kita!"
Panay sigawan na kami puro -naloloka na ako sa kanya. SUUUPER!
"Aaiiissshh"
sa frustration ko di ko talaga napigilang sabunotan ang sarili ko.
Gusto kong maiyak na ano!
"Anong tinatawa-tawa mo jan!?" sinamaan ko sya ng tingin
"Kasi ampanget mo at nagmumukha kang baliw" at humagalpak na naman sya ng tawa
Aahh ganun! Pwes!
"Waahh!! Franz- walangya ka!"
Ako naman ngayon ang tawa ng tawa sa kanya.
Tinolak ko kasi sya sa bed at nakadapa sya kaya eto dinaganan ko sya.
Ayos ah, ngauon nagkukulitan naman kami.
"Franz...ano baahh! A--lisss ambigat mo!"
I was really shocked nang maramdaman ko na naman ang carpet sa likod ko. Anlakas ng kalabog sa kwarto ko at medyo nanakit likoran ko. Then i was met by Kara's face. Ramdam ko ang paghigpit ng pagkuyom nya sa shirt ko kaya napatingin ako sa mga mata nya. Gulat din ang nakikita ko dito at yung pisngi nya namumula pa. Nahiya ata.
Naku dapat lang -dahil asa taas ko sya nakapwesto at medyo mabigat sya noh!
Ilang sandali din kami sa ganung ayos nang di ko sinasadyang mapatingin sa matangos nyang ilong pababa sa medyo nakabuka at mamula-mula nyang labi.
Hmm? Parang nakaramdam na naman ako ng kaba at parang may kumislot sa loob ko. Napapalunok tuloy ako ng wala sa oras.
We were about to get up nang magbukas ang pinto ng room ko at iniluwa non si Mommy na nagulat din nang makita kami. Pero mabilis din itong napalitan ng nakakalokong ngiti.
Luuuh!
"Oops- sorry sa istorbo." mahina pero makahulogang sabi nya, hayy itong nanay ko talaga!
Pareho tuloy kami ni Kara na di nakakilos.
Isasarado na sana nya nang bigla na naman syang nagsalita.
"Girls make it quick okay? Magsisimba tayo later" sabay ngisi at sarado ng pinto

BINABASA MO ANG
Unspoken Feelings
Fiksi PenggemarThis is a gxg super short story (girl to girl) ... Simpleng estorya. 😋 Dedicated po ito sa crush ko dati hahaha!