10...

32 0 0
                                    

Kara

Natapos ang annual event at ang maraming araw ay di ko na nakausap pa si Franz. After the last day i saw her sa isang booth nong annual event ay may napansin akong pagbabago sa kanya pati na rin kina Ellie at Rica. Their group seems so quiet now. I wonder kung ano ang problema. Di na kasi sila tulad ng dati na sobrang ingay at everytime na mapapalingon ka sa kanila ay nagtatawanan at nagngingitian sila. Pero ngayon, sobrang iba na.

Papunta ako ngayon sa library dahil isasauli ko na yung mga books na ipinapasauli sakin ng teacher.

Kinausap ako ng librarian namin saglit ng makita kong pumasok si Franz na mag-isa lang. Asan naman kaya yung dalawa? Nagpaalam muna ako sa librarian namin at sinundan ko sya. Hinanap ko kung san sya nagpunta medyo marami kasing bookshelves dito and when i saw her ay napatago ako sa gilid ng shelf. May kausap kasi syang babae and i recognised the girl it was from that booth. Sumilip ako sa direksyon nila at napakagat ako ng labi...

"Punta ka samin ah? Promise yan, walang bawian." masayang sabi ni Franz. may kalayoan naman ito sa pwesto ng librarian kaya di sila nito maririnig

"Tsk! Eii nakakahiya kaya." The girl said

"Sige na, wag ka mahiya. Ako bahala sayo. Pleaseee?" palambing pa ni Franz at nakita ko namang tumango yung babae

Napasapo na lang ako sa dibdib ko ng makita kong masayang niyakap ni Franz yung babae. Ang sakit!

Franz! Bakit sya pa? Bakit? Ako na lang. Please. Sana ako na lang...

Naramdaman kong tumulo ang luha ko kaya pinahid ko ito at maingat akong umalis sa lugar na yon. Lumabas ako ng library at madaling nagtungo sa cr. Sobrang pagpipigil ko ng luha ko kasi ayokong may makakita saking umiiyak maiskandalo pa ako.

Of all people Kara, bakit ba kasi sya pa? Marami naman iba jan. Ayan tuloy... basag!

Inilabas ko lahat sa cr ang hinanakit at paghihinagpis ko. Char! Lalim! Tsaka lang ako napatigil ng may kumatok sa cubicle na kinaroroonan ko kaya madali kong inayos ang sarili ko at binuksan ito.

"Franz..." mahinang sambit ko sa pangalan nya

The one that i love was standing here infront of me. Ang saya naman! Now nakita nya pa talaga ako sa ganitong ayos. Ang galing! Do note the sarcasm.

I was stunned ng pumasok sya ng cubicle at nilock ito. Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat at tinignan ako sa mata.

"Can we talk?" her face was hard and serious kaya napalihis ako ng tingin

I can't look at her. Naaalala ko lang ang masakit na realidad na meron na syang mahal at hindi ako yun. Now napatunayan ko nang balewala lang sa kanya ang halik na pinagsaluhan namin ng gabi na yun sa pool at yung tingin nya sakin na nakakalunod. It was all just because of the alcohol. Ang epic lang, kasi inisip ko na okay na ang lahat. Na maybe she developed some feelings for me pero wala parin pala.

"Kara, are you listening? Bakit ka umiiyak?"

Saka ko lang narealize na kanina pa pala ako iyak ng iyak. Shit! She must be thinking na nababaliw na ko ngayon. Just great!

"Wala..." Nagpunas ako ng luha at akmang lalabas na sana pero pinigilan nya ako. "Excuse me, i have to go."

"Yan! Jan ka magaling! Ang umalis! You keep on dodging me sa tuwing lalapit ako sayo. Every attempt na gawin ko just to talk to you, you would always have so many stupid excuses! Ano bang problema mo? May nagawa ba ako sayo? Nagkasala ba ako huh? Cause if i did you could've told me dahil magsosorry naman ako eh! Hindi yung iniiwasan mo'ko!"

Unspoken FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon