Why do you always blame
your parents, friends, and society
for all the
misfortunes—For turning
yourself into a monster.
Learn to take responsibility
for your actions,
that's all it is./10/ The Lunchbox
[GOLDA]
PUNYETA ang init na.
Kay aga-aga, heto, nagwawalis ako sa labas ng eskwelahan. Mabuti na lang at ito na 'yung huling araw ng parusa ko. Hindi ko rin alam kung paano ko 'to nagawang matiis sa loob ng dalawang linggo.
Paano ba naman kasi. Matapos kong bigyan nang malutong na sampal ang kapatid ni Buggy ay nireklamo ako nito sa principal, gusto ba naman akong ipakick out ng gago. Hindi nila alam, magkasabwat kami ni Principal Consuelo.
Siyempre, dahil abogado lang naman ang sinampal ko, binalak din nito na sampahan ako ng kaso pero mabuti na lang ay naligtas ako sa pagiging minor-kuno ko. Sa huli, nabola ni Principal Consuelo ang kuya nu Buggy kaya napagpasyahan na bigyan na lang ako ng parusa na magcommunity service.
Pinunasan ko 'yung pawis ko sa noo. Malapit na mag-alas otso ng umaga, magsashower pa 'ko at magpapalit ng uniform.
"Boss Golda! Tulungan na kita!" papalapit sa'kin si Burnik na may hawak na timba. Mabilis ko siyang nasipa at tumalsik palayo. "Aray, Boss!"
"Sshh!!! Tungak ka ba! Sabi ko 'wag n'yo kong lalapitan!" nanggigigil kong sigaw sa kanya. Tumingin ako sa paligid, siniguro kong walang ibang estudyante na makakakita sa'min. Maya-maya'y siguradong dadagsa na sila sa pagpasok.
"Sorry naman, Boss—"
"Tsupi!" kaagad na umalis ang loko sa harapan ko.
Napahilot ako sa sentido. Makaligo na nga,at mag-aayos pa 'ko. Bumalik ako saglit sa parking lot para kuhanin 'yung mga gamit ko.
"Nice car," biglang may sumulpot sa gilid ko at halos mapatalon ako sa gulat. Si Blake AKA emo boy!
"A-Anong ginagawa mo rito?!" para 'kong nakakita ng multo sa sobrang gulat.
Tiningnan niya 'ko mula ulo hanggang paa. Bigla akong naconscious. Pagkatapos ay naglakad na siya. Anong problema ng batang 'to? Hindi pa siya nakakalayo nang bigla siyang huminto at lumingon sa'kin.
"See you later, Boss Golda," sabi ni Blake sa'kin at biglang kumindat.
Halos malaglag 'yung panga ko nang marinig 'yon? Pagkatapos ay tsaka nagsink in sa'kin 'yung sinabi niya, para 'kong takure na kumulo. Narinig niya 'ko kanina?!
"H-Hoy!" tawag ko kay Blake pero diridiretso lang siya sa paglalakad. Napalingon ako at nakitang nagsisidagsaan na 'yung mga estudyante.
Pinakalma ko 'yung sarili ko. Ayokong mabad vibes ng todo ngayong umaga. "Golda, relax, inhale, exhale. Huwag mo na lang pansinin ang emo boy na 'yon."
BINABASA MO ANG
So, This Is Youth (Published Under Flutter Fic)
Teen FictionWhen 30-year-old Golda learns she only has a year to live due to cancer, she decides to relive her youth by going back to high school by bribing the principal. But as she attends classes disguised as a teenager, she finds that the students she meets...