We've been fighting
for our goals tirelessly
but sometimes it's hard
to keep it going
/8/ Out of Concern
[GOLDA]
"LISTEN, class, I have an announcement to all of you," napatingin ako sa harapan at nakita si Sir Gil. Mabuti na lang at hindi ako na-late, nadala na ako na pinagsulat niya ako ng tatlong page na apology.
Medyo nabawasan ang ingay ng klase para makinig sa kung ano mang sasabihin ni Sir Gil. Bored akong nakapangalumbaba habang nakatingin sa harapan.
"Since month of July na at ngayong buwan na 'to sine-celebrate ang Nutrition Month, I'd like to know if this class is willing to enter some of the competitions like Nutri-Jingle, Cooking Demo, Nutrition Quiz Bee, and Poster Making Contest."
Kanya-kanyang reaksyon ang mga kaklase ko sa narinig nila. Naghikab ako, mabuti na lang at malakas kumain ng oras ang ganitong mga segue, baka mamaya magpa-seatwork na naman 'tong teacher na kumag.
"Sir, hindi po ba't mga junior students lang ang kasali sa mga ganyan?" sabi ng isa kong kaklase na nagtaas ng kamay.
"Yes, pero binago ng principal ngayon ang rules para mas maraming estudyante ang makaparticipate kung i-include pati ang senior students," nagkatinginan kami saglit ni Sir Gil, problema nito?
Ah, palibhasa kasi nalulugi na nga 'tong school na 'to at pakaunti ng pakaunti ang mga estudyante kaya kasali ang mga senior sa gimik nila. Hindi naman siguro mandatory 'yung mga ek-ek na 'yon.
Narinig ko na maraming nagreklamo na ayaw nilang mag-participate sa mga competition na binanggit ni Sir Gil, kesyo raw senior na nga sila.
"Anyway, hindi naman 'to sapilitan pero according din sa principal ay malaking points for co-curricular activities kapag nanalo kayo sa mga competition," nagkibit balikat na sabi ni Sir Gil na mukhang wala namang balak ipilit sa mga estudyante niya ang pagsali.
Pero parang nag-iba ang mood ng klase nang sabihin 'yon ni Sir Gil. Parang natahimik at napaisip ang mga nasa harapan—ang mga dakilang GC!
"Sir!" may nagtaas ng kamay sa harapan at tumayo ang isang estudyanteng lalaki, maputi, singkit, nakasalamin, bagsak ang buhok nito.
"Yes, Mr.Jao?"
"I'll join the Nutrition Quiz Bee, sir!" may nagtaas din ng iba pang kamay para sumali.
Gusto kong mapa-face palm at matawa. Grabe, narinig lang nilang may points sa korokoror activities ay bigla silang ginanahan. 'Yon lang talaga motivation nila para pumasok? Ang boring naman.
BINABASA MO ANG
So, This Is Youth (Published Under Flutter Fic)
Novela JuvenilWhen 30-year-old Golda learns she only has a year to live due to cancer, she decides to relive her youth by going back to high school by bribing the principal. But as she attends classes disguised as a teenager, she finds that the students she meets...