/29/ Golda's List

25.8K 2.2K 2K
                                    

The only way we can live forever is to touch people's hearts

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

The only way we can 
live forever is to
 touch people's hearts.
You will never
fade away
in their memories
—for a lifetime.


/29/ Golda's List

[GOLDA]


SABI ko last episode na lang pero heto inabot na naman ako ng umaga, hindi ko napigilan 'yung sarili ko na i-marathon 'tong K-drama (hindi ko na nga alam kung pang-ilan 'to eh).

As usual, magkakatuluyan ang bidang babae at bidang lalaki. Tapos magki-kiss sila at tutugtog ang cheesy na music, slow-motion na iikot sa kanila ang camera—the end.

Sana gano'n lang kadali ang buhay, ano?

Kinuha ko 'yung remote para maghanap ng susunod na panunuorin. Tapos napansin kong ubos na 'yung ubas na kanina ko pa kinakain.

Tumayo ako at bumaba sa kusina para kumuha ulit ng makakain.

Pagbaba ko ay nakarinig ako ng katok sa gate.

"Tao po?" nang marinig ko 'yong boses na 'yon ay halos umikot ang mga mata ko. "Golda?"

Huminga ako ng malalim. Napatingin ako sa salamin na nakasabit sa pader at nakita kung ga'no kasabog 'yung itsura ko.

Ang laki ng eyebags ko tapos 'yung buhok ko gulu-gulo. Punyeta naman.

Inayos ko lang ng kaunti 'yung mukha ko bago ako lumabas ng bahay.

"Ikaw na naman?" nakasimangot kong sabi nang makita ko siya. "Kay aga-aga nang-iistorbo ka."

"I'm sorry... G-Gusto lang naman kitang makausap," nahihiyang sabi niya habang nasa labas ng gate.

Humalukipkip ako. "Gil, nagpunta ka lang naman dito para mag-sorry, 'di ba? Tsaka nakaka-ilang sorry ka na kaya please lang huwag mo na 'kong guluhin dahil hindi ko rin naman na kayo ginugulo."

"Golda, I just want to talk with you."

"'Eto na nga, nag-uusap na tayo. Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin," sabi ko.

"Pwede ba 'kong pumasok sa loob?" tanong niya.

Ang kulit talaga nito. Hindi ko alam kung anong kailangan sa'kin.

"Ha? Baka mamaya kung ano pang gawin mo sa'kin," sabi ko. "Umalis ka na lang."

"Golda—"

Pumasok ako sa pinto at sinarado ko 'yon. Bahala siya riyan.

Bumalik ako sa kwarto para manuod ulit. Hindi na 'ko inaantok kaya manonood na lang ulit ako magdamag.

So, This Is Youth (Published Under Flutter Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon