We always
believe that
the truth
will set us free
no matter how
painful
the truth is./26/ The Senior's Prom
[GOLDA]
"MAGANDA ba? Huy, Goldy!" natauhan ako nang marinig ko 'yung boses ni Waldy. Kakalabas lang niya ng fitting room at nakasuot ng isang yellow cocktail sleeveless dress, medyo exposed 'yung dibdib niya kaya umiling ako.
"Palitan mo 'yan, pokpok ka ba?" nakasimangot kong sabi habang nakahalukipkip.
Ngumuso at umirap si Waldy. "Grabe ka naman sa pokpok. Daring lang, para maakit ko si Papa Paul, hihi."
"Aish, sabi ko na nga ba malandi ka talaga," sabi ko at ngumuso ulit si Waldy. "Gusto mo bang isumbong kita sa nanay mo?"
"My goodness, Waldy, bakit kasi kung kelan last minute ka bumibili ng dress?" komento ni Brianna na nakaupo sa tabi ko.
Pumanewang si Waldy. "Wow ha, hindi naman kasi lahat mayaman katulad mo."
"Oh, tama na 'yan," saway ko sa kanila. "Mamili ka na ulit."
Si Ruffa naman ang pumasok sa loob ng fitting room na may dalang mga dress na susukatin, kasunod niya si Sophie.
Nasa mall kami ngayon, katulad nang napag-usapan namin noong isang araw na magsashopping kami para sa prom pagkatapos ng practice sa school. Ang totoo niyan, ako, si Lulu, Waldy, at Ruffa lang ang nag-usap. Pero nagulat ako nang sumama si Sophie at Brianna kaya hinayaan ko na lang.
Bago pumasok si Ruffa sa isang bakanteng fitting cubicle ay lumapit siya sa'kin.
"Goldy, uhmm... Can you check Lulu?" bulong niyang sabi.
"Bakit?" tanong ko.
"I think she's not feeling well. Nasa labas siya," concern na sabi ni Ruffa, tumango lang ako atsaka tumayo.
Lumabas ako ng fitting room para hanapin si Lulu. Naglakad-lakad ako sa department store hanggang sa matagpuan ko siya sa shoes section, tumitingin ng mga high heels shoes.
"Wala ka pang susuoting sapatos?" tanong ko sa kanya at medyo nagulat siya nang makita ako.
Umiling lang siya. Pumunta ako sa tabi niya para tulungan siyang pumili. "'Eto, try mo."
"I think I'm going to use my old one na lang," sabi niya nang umiling ulit.
"Sige na, i-try mo na," pilit ko sa kanya. Wala naman siyang nagawa kundi sumunod sa'kin at sinukat 'yung inabot ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
So, This Is Youth (Published Under Flutter Fic)
Fiksi RemajaWhen 30-year-old Golda learns she only has a year to live due to cancer, she decides to relive her youth by going back to high school by bribing the principal. But as she attends classes disguised as a teenager, she finds that the students she meets...