Don't wait
for things
to happen,
make it happen/5/ After School
[GOLDA]
NAKITA ko si Principal Consuelo sa may garden malapit sa cafeteria. Kakagaling ko lang kanina sa opisina niya pero wala siya roon, at heto rito ko siya nahanap. Hindi niya 'agad napansin ang presensiya ko nang makalapit ako, busy kasi siya sa pakikipag-usap sa mga halaman niya.
"Grow beautifully my babies," sabi ni Principal Consuelo sa mga bulaklak habang dinidiligan ito. Kung hindi ko siya kilala ay iisipin ko na para siyang baliw sa ginagawa niya. Kumakanta-kanta pa siya habang nagdidilig, siguro nga may sayad na 'tong matandang 'to.
"Madam! Heto na po 'yung—" nagkatitigan kami ni Burnik na papalapit kay Principal Consuelo na may dalang timba. "Boss?!" pinanlakihan ko siya ng mata sabay tinakpan niya ang bibig niya. Sarap pektusan nito.
"Golda?" nakita na ako ni Principal Consuelo at inabot kay Burnik ang hawak niyang pandilig atsaka lumapit sa'kin. "May problema ba?" nakangiti niyang tanong.
"Meron," sinulyapan ko si Burnik at nakuha naman siya sa tingin at dali-daling umalis. Humarap ulit ako kay Principal Consuelo. "Bigyan mo ako ng club room."
"Club room?" hindi man lang naalis ang ngiti sa mukha ni Principal, parang naka-plaster na 'ata sa mukha niya ang ngiting 'yon—ngiting plastic.
"Kahit anong kwarto na hindi ginagamit na pwedeng maging club room," sabi ko ulit. "Kailangan kong gumawa ng club."
Tinitigan lang ako ni Principal Consuelo, bigla akong na-conscious, napahawak ako sa mukha ko, may dumi ba? Bigla siyang natawa, tapos ay bumalik siya sa ginagawa niya.
"Excuse me?" lumapit ako sa kanya. "Ano'ng nakakatawa?"
"It looks like that's not the problem."
"Ha?"
Huminto siya saglit at lumingon sa'kin, "May nakakaalam na ng sikreto mo?"
Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin niya 'yon. Paano niya nalaman? Teka... Siguro masyadong halata sa mukha ang stress? Aish! Napahinga ako ng malalim, hindi ko naman pwedeng itago sa kanya ang bagay na 'yon dahil magkasabwat kaming dalawa. Tumango lang ako.
"Both of us will be in trouble if that news will leak."
"Obvious naman 'di ba?" sagot ko at humalukipkip ako. "Kaya kailangan bigyan mo ako ng bakanteng kwarto na pwedeng gamitin para maging club room, iyon 'yung kundisyon ng estudyanteng nakakaalam ng sikreto."
BINABASA MO ANG
So, This Is Youth (Published Under Flutter Fic)
Ficção AdolescenteWhen 30-year-old Golda learns she only has a year to live due to cancer, she decides to relive her youth by going back to high school by bribing the principal. But as she attends classes disguised as a teenager, she finds that the students she meets...