We live only once
so why not do
what you want?
But we are not
free to the
consequences of
our actions/16/ Party Night
[GOLDA]
DALA ng kuryosidad ay hindi ko napigilan ang sarili ko na sundan ang sasakyan na minamaneho ni Sir Gil.
Puta ka, Golda? Anong kalokohan 'tong ginagawa mo? Kailan ka pa naging usisera sa buhay ng ibang tao?!
Pero tila may sariling buhay ang mga paa at kamay ko sa pagkontrol ng kotse ko. Hanggang sa namalayan ko na lang na nakarating kami ng sinusundan ko sa town proper.
Nakita ko na pumasok sa isang parking lot ang kotse nila kaya sumunod din ako roon. Hindi muna ako 'agad bumaba dahil hinintay ko silang mauna.
Nang makita ko na nakababa na sila ng sasakyan ay tsaka ako lumabas. Nakita ko na tumawid sila sa kabilang kalsada at pumasok sa loob ng isang gusali.
Pumasok sila sa loob ng Star Bucks?
Hindi ko alam kung bakit parang hindi pa rin ako mapakali, punyetang pagiging tsismosa na 'to, gusto kong isumpa ang sarili ko sa pagiging judgmental.
Para masiguro ko na wala silang kababalaghang gagawin ay tumawid din ako sa kabilang kalsada, pagpasok ko sa loob ng coffee shop ay hinanap ko kung may 'secret door' ba ro'n papuntang motel o ano pero wala naman.
Putragis ka, Golda. Mamamatay ka na, tsismosa ka pa rin? Nakita ko si Sir Gil at Sophie na nakaupo sa pangdalawahang pwesto 'di kalayuan, ang bilis naman nilang umorder?
Tutal nandito na lang din naman ako'y umorder na rin ako ng maiinom. Umupo muna ako saglit para hintayin 'yung kape ko, malayo ako sa kanila pero inoobserbahan ko kung anong ginagawa nila.
Kanina ko pa kasi iniisip: may relasyon ba silang dalawa?
Dala nga ng kuryosidad—este pagiging tsismosa ko ay sinundan ko sila rito para masigurong hindi tama ang hinala ko.
Mabuti na lang ay malinaw ang mga mata ko at kitang-kita ko ang ginagawa nila. Nilabas ni Sophie ang mga gamit niya—mga libro, notebook, ballpen.
Ah. Tutor niya si Sir Gil? Pero pwede ring tutor na magjowa.
Erase. Erase. Napakamalisyosa ko na.
Tsaka teka, ano naman kung meron silang relasyon? Ano bang pake ko sa mga love life nila?
Siguro dahil ayoko lang din maging iba ang tingin ko sa anak ni Principal Consuelo, hindi naman siguro si Sir Gil 'yung tipo ng tao na papatol sa estudyante niya. Hindi ba?
Nang makuha ko na 'yung order ko ay nagtagal muna ako saglit para obserbahan silang dalawa. So far, mukhang professional ang body language na nakikita ko sa galaw ni Sir Gil.
BINABASA MO ANG
So, This Is Youth (Published Under Flutter Fic)
Teen FictionWhen 30-year-old Golda learns she only has a year to live due to cancer, she decides to relive her youth by going back to high school by bribing the principal. But as she attends classes disguised as a teenager, she finds that the students she meets...