Chapter 1

157K 4.5K 1.2K
                                    

Some scenes are inspired from the movie "Ghadjini"

Angela

"Ang kapal ng mukha mo! Walangya kang lalaki ka! Lumayas ka dito! Layas!"

Inaantok pa ako nang idilat ko ang mga mata ko. Ano ba 'yun? Bakit ang ingay? Sa pagkakaalam ko hindi ganyan ang tunog ng alarm clock ko. Kanta 'yun ng favorite band ko, eh. Hindi 'yung boses ng isang babae na naninigaw at parang nagwawala.

"Hayop ka! Palamunin ka na nga pero wala ka pang ibang alam kung hindi ang mambabae!"

Nag-inat ako. Tama ako. Hindi nga galing sa alarm clock ko ang ingay. Galing iyon sa labas na naman. At dahil gising na ako, nakilala ko kung kaninong boses iyon.

"Sorry na, Delia. Wala lang ang babaeng iyon. Alam mo naman sayo pa rin ako uuwi. Patawarin mo na ako."

Natawa ako bago naghikab. Para akong nakikinig ng drama sa radyo.

"Patawarin? Gusto mong patawarin kita?" napanguso ako. Aling Delia, huwag kang marupok. "Kung gusto mong patawarin kita, halika dito. Halika dito at puputulin ko 'yang bayag mo para hindi na nangangati!"

Napabalikwas ako ng bangon dahil nakarinig ako ng tilian. Binuksan ko ang bintana at nakita ko kaagad ang pangyayari sa baba. Hayun si Aling Delia. Pilit na hinuhubaran ng shorts ang asawa nyang sa hula ko ay nahuli na naman nyang may ibang babaeng kinakama. Tapos 'yung mga kapitbahay namin ay animo'y nanonood ng live na pelikula. Ang daming taong nakapalibot sa dalawa pero hindi naman pumipigil at nakikinood lang.

"Delia, huwag! Hindi mo na matitikman 'yan kapag pinutol mo!"

Ngumiwi ako. Hindi ko alam kung nagbibiro ba si Mang Totoy o seryoso, eh. Mas lalo tuloy nagalit si Aling Delia.

"Aba't walangya ka talagang lalaki ka! Anong pakialam ko sa titi mong maliit?!" mabilis na pumasok si Aling Delia sa bahay nila. Nang lumabas ay pinaghahagis ang mga hawak nyang damit kay Mang Totoy. "Lumayas ka na! Doon ka na sa babae mo! Hindi na kita kailangan dito!"

"Huwag naman ganito, Delia. Mag-usap naman tayo. Paano ang mga anak natin?" si Mang Totoy na halos maglumuhod na.

"Mag-usap?! Ilang beses na ba tayong nag-usap tungkol sa bagay na 'to?! Pero inuulit mo pa rin! Ako na ang bahala sa mga anak ko tutal palamunin ka lang naman dito sa bahay! Ang kapal ng mukha mong mambabae gayong nagpapakahirap ako sa pagtatrabaho para may pangkain sa inyo!"

"Sorry na! Sorry na talaga! Magtatrabaho na ako. Huwag mo naman akong palayasin!"

"Lumayas ka na! Kapag nakita ko pa 'yang pagmumukha mo, ipapakulong ko kayo ng kabit mo!"

Napabuntong-hininga na lang ako nang madinig ko ang sakit sa boses ni Aling Delia. Umalis ako sa bintana at nagpunta ng banyo para maligo na lang. May pasok pa nga pala ako sa trabaho.

This is my usual morning everyday. Kung hindi sa alarm clock ng cellphone ko ay sa malalakas na boses ng kapitbahay ako nagigising. Madalas ay kay Aling Delia. Palagi nya kasing nahuhuli ang asawa nya na may ibang babaeng inuuwi at sa bahay pa nila kapag nasa trabaho sya. Night shift kasi na janitress si Aling Delia kaya malaya si Mang Totoy tuwing gabi.

Kung hindi ang boses nya ay ang boses ng mga bata ang nakakapagpagising sa sakin. Ang hirap pa naman dahil mabilis akong magising. Konting maingayan lang ang mga tenga ko kapag natutulog ako ay dumidilat na ang mga mata ko. Ilang beses ko nang ginustong lumipat pero hindi ko naman maiwan itong bahay na pamana pa daw ng lola namin sa talampakan sabi ni Mama.

Ang mahirap lang, nakapwesto itong bahay sa... maraming tao na lugar. 'Yung mga kapitbahay ko, pare-parehong walang sarili nilang mga lupa at illegal na nagtayo ng mga bahay dito. Ilang beses na kaming sinabihan na hindi dapat tayuan ng bahay ang lugar na 'to dahil may nagmamay-ari ng lupa pero syempre, 'di kami pumayag. Ang sabi ni Mama ay pamana daw 'tong bahay, eh. Ibig sabihin ay sa amin ito.

Chess Pieces #4: Lucius D'AngeloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon