Chapter 20

135K 4.8K 4.3K
                                    

This is the last chapter of Chess Pieces #4: Lucius D'Angelo. Thank you for supporting Angela and Lucius' story. Hope you'll support Loki's story as well entitled Chess Pieces #5: Loki Von Amstel.

Next ud is the Epilogue.
----

Angela

Hindi kami magkasabay uuwi ni Lester ngayon dahil pinag-oovertime daw sya. Hindi na lang ako nagtanong at sinabing ayos lang naman. Para na rin magawa ko ang plano kong bumili ng cake mamaya.

Simula nang magduda ako sa katauhan ni Lester ay pinilit ko pa rin ang sarili ko na paniwalaan ang mga sinasabi nya. Pati ang pagsasabi nya na kailangan nyang mag-overtime ngayon ay pinagdudahan ko pa.

Hindi Lester ang pangalan nya. Kaya sigurado ako na hindi sya pumapasok sa BPO company kung saan sya natanggap.

Kaya pala noong araw na pupuntahan ko sana sya doon ay nahalata ko na hindi sya nanggaling sa building na iyon. Kaya nga lang ay nakahanap pa sya ng kapani-paniwalang dahilan sa akin kaya pinaniwalaan ko din sya noon.

Gusto ko man syang tanungin ay wala naman akong lakas ng loob. Natatakot kasi ako sa pwede nyang isagot. Ewan ko pero pakiramdam ko ay mas hindi kami bagay kung malalaman ko kung sino talaga sya.

Sa kanya kaya ang condo unit na iyon? Ang kotseng ginamit nya nang magkaroon kami ng company dinner, kanya kaya iyon? Tapos ay hindi nya alam kung paano pumili ng lutong fishball.

Hindi sya mahirap. Pero bakit sya walang pambayad sa bus noon pati na rin sa pambili ng damit?

Ipinilig ko na lang ang ulo ko para mawala ang lahat ng iniisip ko. Hihintayin ko na lang si Lester na sya ang magsabi sa akin ng lahat. Alam ko naman na magpapaliwanag sya. Hindi nga lang ngayon. Siguro ay hindi pa sya handa.

Kaya habang hindi pa sya nagpapaliwanag ay tatawagin ko pa rin syang Lester.

Napadaing ako nang may makabangga habang papunta ako sa bakeshop para bumili ng cake. Ang lakas kasi ng pagkakabangga nya sa akin! Muntik na akong mapaupo sa kalsada kung hindi ko lang kaagad naalalayan ang sarili ko.

Bakit palagi na lang akong may nakakabangga?

Nang tignan ko ang lalaki ay naka-jacket sya at ang buong mukha ay natatakluban ng hood noon. Nagtaka ako kung may nakikita pa ba sya sa nilalakaran nya dahil wala talaga akong makita sa mukha nya. Puro hood lang ang nakikita ko sa ulo nya.

Ni hindi man lang ako tinignan ng lalaki o nanghingi ng sorry at nagpatuloy sa paglalakad. Hinayaan ko na lang at inis na kinalimutan ang nangyaring pagkabangga ng katawan nya sa akin na muntik nang magpasakit ng pang-upo ko. Pero nang tumapat sa gilid ko ang lalaki ay nagulat ako nang magsalita sya.

"See you tonight."

Mabilis akong lumingon para malaman kung tama ang pagkakadinig ko pero tuloy-tuloy na naglakad ang lalaki. Hindi ko tuloy sigurado kung ako ba ang kausap nya o sa ibang tao ko nadinig iyon dahil may iba pa naman akong nakasalubong. Sa huli ay ipinagkibit-balikat ko na lang ang nangyari at dumiretso na sa bakeshop para bumili ng cake.

Malaki ang ngiti sa mga labi ko nang makuha ko na ang cake at maiuwi iyon sa condo unit ni Lester. Sobrang espesyal ng araw na ito para sa akin kaya kahit na ma-late pa ng uwi si Lester ay hihintayin ko sya. Kahit hatinggabi pa! Basta ay makasama ko lang sya ngayong gabi.

Medyo sumama nga ang loob ko dahil kung kailan espesyal na araw ay saka pa sya nag-overtime. Pero ayos lang. At least alam kong sa akin naman sya uuwi at magkakasama pa rin kami.

Inilapag ko ang cake na naka-box pa sa may coffee table at umupo ako sa sofa. Nanood muna ako ng TV habang hinihintay si Lester. Alas nueve na ng gabi at dapat ay alas syete pa lang ang out nya. Dalawang oras na syang overtime.

Chess Pieces #4: Lucius D'AngeloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon