Chapter 9

90K 3.6K 639
                                    

Angela

Kumaway ako nang makita ko si Lester na palinga-linga at may hinahanap. Ang gwapo na naman nya sa suot nyang cream white longsleeve shirt at dark blue slacks. Hindi talaga sya mapagkakamalan na mahirap sa itsura nya. Mukha syang mayaman.

Pero alam ko ang totoo sa kanya.

Naaawa ako sa kanya dahil wala syang trabaho. Mukha naman syang nagpapakahirap na maghanap ng maa-apply-an. Lagi kasing ganoon ang suot nya na parang laging may interview. Pero siguro ay hindi pa rin sya natatanggap kaya hanggang ngayon ay wala pa rin syang trabaho.

Kung minsan ay nauubusan na siguro sya ng pamasahe dahil sa paghahanap. Kaya noong una ko syang makita sa bus ay wala syang pambayad. At halata naman na marami pa syang gustong bilhin. Pero dahil no work no pera, wala syang maipapambili ng gusto nya.

Kaya tutulungan ko sya. Ang sabi ng mga magulang ko na tumulong ako kung kaya ko naman.

"Pawis na pawis ka." puna ko sa kanya nang makalapit sya sa akin. Pero kahit na halos mabasa na ng pawis ang damit nya ay humahalimuyak pa rin ang bango nya.

Ngayon lang ako nakaamoy ng ganitong kabangong lalaki!

At dahil ang damit nya ay nababasa na ng pawis, humahapit tuloy iyon sa katawan nya kaya nababanaag ko ang mga muscles nya sa katawan!

Iniiwas ko ang mata ko sa katawan nya at ibinaling na lang sa mukha nya. Nakita kong nakatitig pala sya sa akin. Napanguso na lang ako.

Napansin nya kaya yung paghagod ng tingin ko sa katawan nya?

Sabi na nga ba at hindi ako mabait, eh! Ang bilis kong magkasala! Nakakita lang ako ng lalaking may magandang katawan ay gumawa na ng kasalanan ang mga mata ko!

Tumikhim ako. Nakakapanibago yung ganito sa akin. Ang alam ko ay never pa akong humanga ng ganito sa lalaki.

Gwapo naman kasi talaga si Lester.

Inilabas pa ni Lester yung panyo nya sa bulsa at nagpunas ng pawis sa harapan ko. Pinunasan nya ang pawis sa leeg nya at wala na akong nagawa kundi ang panoorin na lang sya. Feeling ko nga pati yung mga tao sa paligid, nakikinood na din.

Hindi ko alam na magagamit ko pala ang salitang sexy sa lalaki. Ang sexy nya kasi habang nagpupunas ng pawis! At hindi nga ako nagkamali sa pag-aakalang may nanonood sa amin! Dahil may narinig akong bumulong na sana ay sya na lang daw ang panyo na ipinang-pupunas ni Lester sa pawis nya!

"Halika na." yaya ko na kay Lester. Baka kung anong kalaswaan pa ang marinig ko, eh. Nagsimula na akong maglakad at nakasunod lang sya sa akin.

"Where are we going?" tanong ni Lester. Nilingon ko sya nang nakangiti.

"Sa magiging trabaho mo. Kakausapin ka lang saglit nung kakilala ko tapos pwede ka nang magsimula."

Tumango-tango sya at pagkatapos ay namulsa. Grabe! Mukha syang model ng isang sikat na magazine! Hindi pwede ang itsura nya sa isang puchu-puchung magazine lang! Sayang!

"Halika na?" tanong ko sa kanya nang makita na ayos na sya. Hindi na pawisan at mukhang hindi na rin hinihingal.

Tumingin sya sa akin at ngumiti. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko sa pagngiti nyang iyon.

Anong nangyayari sa akin? Hindi naman ako tumakbo ba?

Ipinilig ko na lang ang ulo ko at nagsimula nang maglakad. Umagapay naman sya sa akin at sumabay sa paglalakad ko.

"Hindi kita pwedeng ipasok sa kung saan ako nagtatrabaho. Maliit lang kasi yung company at hindi kayang magpasahod ng maraming tao." sabi ko habang naglalakad kami.

Chess Pieces #4: Lucius D'AngeloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon